Chapter 377 - Chapter 10

NAALIMPUNGATAN si Khamya may yumugyog sa balikat niya. Kung gaano siya katagal na nakatulog sa madilim na kulungang iyon habang nakasalampak sa piraso ng karton na ipinahiram ni Arabella.

"Khamya, tinatawag ka ng guwardiya," sabi sa kanya ni Arabella. "Ang sabi niya makakalabas ka na daw."

" T-Talaga?" Naalimpungatan pa niyang kinusot ang mata niya. Inikot niya ang tingin sa kulungan. Parang di pa siya makaalis doon dahil di niya maiwan ang mga kasamahan. "P-Paano naman kayo dito?"

"Kami pa ba ang iintindihin mo? Sanay na kami dito."

Niyakap niya ito. "Salamat, ha? Kung di dahil sa iyo, baka di ako tumagal dito. Gagawa ako ng paraan para makaalis ka dito."

"Mas gusto na namin dito sa kulungan kaysa naman ibenta ang katawan namin. Saka oras na makalabas ako dito, baka kunin ulit ako ng asawa ko." Mukhang matatag ito pero  naramdaman pa rin niya ang takot nito na balikan pa ang dating buhay. Marahil ay iyon din ang nararamdaman ng bawat isa doon.

"Basta gagawa pa rin ako ng paraan," giit niya.

Mabigat ang paa niyang lumabas ng kulungan. Naabutan niya si Beiron na kausap ang assistant nitong si Kashmir. "Beiron!" gulat niyang usal. Ito ang naglabas sa kanya sa kulungan. Sinabi marahil ng director ng institute ang nangyari. Saka niya naalala ang kasiyahan sa palasyo. "U-Umalis ka ng palasyo? Pero…"

"Naayos ko na ang paglaya mo," anito sa malamig na boses. "Let's go!"

Nakadama siya ng panlalamig. Parang di ito ang Beiron na kilala niya. Galit ba ito dahil kailangan nitong iwan ang isang importanteng engagement para sa kanya? O maaaring makaladkad ang pangalan nito dahil sa ginawa nito?

"Beiron, salamat sa paglalabas mo sa akin sa kulungan. Di ko naman gusto na mang-abala. Pasensiya ka na," nakayuko niyang sabi.

"Ipapahatid ka sa beach house kay Kashmir. Di ka maaring umalis doon hangga't di ko sinasabi. Maliwanag ba?" mariin nitong tanong.

Parang maamong tupa siyang tumango. Sumakay ito sa kotse nito na may official seal ng pamilya Rafiq habang siya ay sumakay sa hiwalay na kotse. Wala siya sa lugar para kontrahin ang desisyon nito nang mga oras na iyon. Pero nadoble ang bigat ng dibdib niya. She didn't like the hostility she received from him.

Mababang babae na rin ba ang tingin sa kanya ni Beiron dahil nakulong siya?

NABAWASAN ang pagod ni Khamya matapos mag-shampoo gamit ang Stallion Shampoo and Conditioner. Subalit di pa rin matahimik ang isip niya sa malamig na trato sa kanya ni Beiron. Katulad ba ito ng tipikal na lalaking taga-Al Ishaq? Hindi ba malalim ang pagpapahalaga nito sa babae? Parang di ito ang Beiron na kilala niya.

 Nang lumabas siya ng banya ay naghanda na rin ang mga tauhan ni Beiron ng nakaka-relax na massage para sa kanya. Tintrato siyang parang prinsesa ng mga ito. Dahil na rin sa pagod ay sumuko ang katawan niya at nakatulog.

Paggising niya ay madilim na madilim na sa labas. Nagulat siya nang makitang nakatayo na sa paanan niya si Beiron at nakatitig sa kanya. Dali dali siyang bumangon. "S-Sorry. Nakatulog pala ako," nakayuko niyang sabi.

Dati na siyang naglagay ng pader sa pagitan nila pero sa pagkakataong ito ay parang napakalayo na nila sa isa't isa. Ni di nga niya alam ang dapat sabihin dito.

"Are you feeling better now?"

Tumango siya habang nakatungo. "Yes. Sa palagay ko pwede na akong bumalik sa research center. Salamat sa paglalabas sa akin sa kulungan at sa pag-a-accommodate dito sa bahay mo. I just can't thank you enough."

Nahigit niya ang hininga nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit. "Don't make me worry that much again, Khamya. Hindi mo lang alam kung ano ang naramdaman ko nang sabihin nilang nakakulong ka."

Hindi siya makagalaw habang yakap nito. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang bilis. Bukod sa nanay niya, noon lang niya naranasan na may yumakap sa kanya at naramdaman niyang pinahahalagahan siya.

"Galit ka siguro dahil kinailangan mo pang tumapak sa Bhakrat. Sorry. Alam ko naman na hindi iyon maganda sa image mo."

"I don't want to hear it!" magaan nitong usal at hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "Nagalit ako kay Kashmir nang di niya sinabi agad sa akin na itinawag ni Dr. Jawalra na nakakakulong ka. You were forced to stay in such a filthy place."

"Hindi ba galit ka sa akin dahil makakakasama sa reputasyon mo bilang susunod na sheikh na I-bail out ako?" Bhakrat was the worse place in the city. At ayon sa kay Arabella ay iyon ang may pinakamalalang kondisyon ng kulungan. Kaya nga walang pakialam ang matataas na opisyal sa lugar dahil patapon na ang tingin ng mga tao sa nakakulong doon.

"Galit ako dahil di mo sinabi sa akin na Bhakrat ka pupunta."

"Gusto ko kasing doon mamili dahil mura lang. Wala namang problema kundi lang nila ako hinuli dahil tinulungan ko iyong batang nagnakaw ng mansanas."

Bumuntong-hininga ito at diniinan ang ulo niya. "The weakness of your heart is your own failure. I know you mean well. Pero iba ang batas dito sa Al Ishaq. Kahit  pa bata, di namin pinamimihasa sa kasalanan."

"Naawa lang naman ako dahil gutom na gutom siya kaya nagawa niya iyon. Sa palagay ko naman hindi siya ganoon kasama. Paano na kung makukulong siya? Ano nang magiging kinabukasan niya? It will mark him for life. Gusto ko lang naman na hindi iyon mangyari sa kanya."

Malungkot itong ngumiti. "I am sorry if our law looked a bit different from what you are used to. Naiintindihan naman kita. And you know what? I think you will be a good mother some day."

Mahina siyang tumawa. Ang unang pagtawa niya sa araw na iyon. "Kahit kailan hindi ko naiisip na magkakaroon ako ng anak."

"Well, I could see the future of my children in your eyes," he uttered without taking his eyes off her.

Namula siya. Iniisip nito na magkakanaak sila? "You are kidding, right? Kung magkakaanak man ako sa isang lalaki, kailangan kasal kami."

"Wala ba sa itsura ko na pakakasalan kita balang-araw?"

"That's absurd. Kung hindi ko nakikita ang sarili ko na magpapakasal o magkaka-boyfriend man lang, mas lalong wala sa itsura mo ang mag-aasawa. Maliban na lang kung napikot ka, nagayuma o kaya nai-set nang ipakasal sa iba. But I don't think you will marry someone on your own free will."

"Not even for love?"

Natigilan siya nang makita ang kaseryosohan at kalungkutan sa mga mata nito. She was cynic about the thing called love. Ang mga lalaking tulad ni Beiron ang dahilan kung bakit nawalan siya ng pananampalataya sa pag-ibig. At para marinig ang salitang pag-ibig kay Beiron ang isang bagong bagay sa kanya. Posible nga bang magmahal nang totoo ang isang tulad nito?

Iniwas niya ang tingin. "Pwede mo na ba akong ihatid sa research center?"

"Paano kung sabihin ko na handa akong magpakasal kung ikaw ang babaeng pakakasalan ko? Maniniwala ka ba?"

"I don't know." Pumikit siya dahil lalo lamang siyang naguguluhan sa mga sinasabi nito. Sapat nang malaman niya na di ito kasingsama ng mga lalaking pinakasalan ng mga babaeng nakilala niya sa kulungan. Pero para isangkot pa ang sarili niya dito, ibang usapan na iyon. "Gusto ko na sanang magpahinga."

"Sige. Pero kung lalabas ka ng research center nang mag-isa, ikukuha kita ng bodyguard. I want to make sure that you will be safe."

"Safe naman ako. Kahit sa Bakhrat kaya kong alagaan ang sarili ko."

"You sure as hell can," he said sarcastically. "Di ka nga makalabas sa kulungan nang mag-isa. Let me take care of you for once."

"Kaysa ako ang alagaan mo, I suggest that you check on the women jailed in Bakhrat. Mas kailangan nila ang tulong mo lalo na iyong Filipina na nakasama ko. Pwede bang sa kanila ka na lang mag-focus?"

"Alright." Kinabig muli siya nito ng yakap. "Just promise me that you won't scare me again. I will hate my self if you are involved with trouble again."

Tumango siya at nagpatangay sa yakap nito. It was worth all the trouble. Masaya siya na maramdaman ang mga yakap nito. Nang mga oras na iyon, gusto niyang maniwala na kaya nga nitong magmahal.