Chapter 321 - Chapter Ten

INAAYOS ni Celestine ang financial report ng Lakeside Bistro and Music Lounge sa opisina niya nang pumasok si Philippe. "Hi! Still busy?"

She nodded. "Yup. Ayokong matambakan ng trabaho kaya inaayos ko na."

"Coffee. Mukhang marami pa ang gagawin mo."

"Thanks. Kumusta ang shooting?" tanong niya.

Sa music lounge ang location ng shooting. Hinayaan na niya si Aya na mag-supervise dahil kailangan pa niyang tapusin ang financial report.

Nag-inat ito. "Nag-pack up na rin kami sa wakas. Pasensiya na kung natagalan kami. May sakit kasi si Chloe kaya nakailang take kami."

"Okay lang iyon. Pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho. Saka inalalayan mo naman siya, I am sure. Bakit nga pala di ka pa bumabalik sa guesthouse? It is two in the morning. Magpahinga ka na."

"Matagal na kasi tayong di nagkaka-kwentuhan dahil pareho tayong busy. Ni hindi na nga tayo sabay nagdi-dinner or lumalabas. How are you?"

"I am great, of course."

His eyes softened. "How about your sister?"

"Ipinakilala na niya si Zanti bilang anak niya. Nagalit si Michaelangelo noong una pero susubukan daw niyang magustuhan si Zanti. Mukhang mahal naman talaga niya si Ate Evita. Masyado lang natakot ang kapatid ko sa rejection. Atter all, ilang beses na rin naman siyang nasaktan."

"See? Ngayong nalaman na niya kung ano ang tama, di pa nawala sa kanya ang dalawang taong mahal niya. Effective ang plano natin."

"PJ, thank you, ha?" aniya at ngumiti. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi mo ako tinulungan."

"Wala iyon. You always make me happy, Celestine. Wala akong dahilan para malungkot kapag kasama kita. Malulungkot lang ako kapag nakikita kong nasasaktan ka. At ayoko nang magkaroon pa ng dahilan para malungkot. So I want to make you happy. And it is my pleasure to make you happy."

Yumakap siya dito. "PJ, that is really so sweet." Mas gusto kasi niyang magpasaya ng ibang tao. Pero iba rin pala ang pakiramdam na may ibang taong nagpapasaya sa kanya. "Mantakin mo, ang sikat na si Philippe Jacobs, personal akong tinulungan. Maiinggit sa akin ang ibang fans mo."

Pinisil nito ang pisngi niya. "Stop talking as if I am someone unreachable. Artista nga ako but it didn't make me any special. Normal lang akong tao."

Lumabi siya. "Normal na tao. Idol pa rin kita, no?"

"Anong idol? Ako pa nga ang may utang sa iyo."

"Paano ka magkakautang sa akin? Ikaw nga ang laging nanlilibre sa akin, di ba? Hindi mo naman ako sinisingil."

Ilong naman niya ang pinisil nito. "Silly. That is not what I mean. Ikaw ang naging tulay para di na magtampo sa akin si Milby. Isinama mo ako sa recital."

"Utang ba iyon?"

"Well, I am grateful."

"Ipagpalagay na nating utang iyon. Bayad ka na dahil tinulungan mo naman ako sa problema ko sa kapatid ko. So wala na tayong utang, ha? At ayoko nang maririnig ang utang na iyan. I believe that we help someone because we want to. Natural na sa tao ang pagiging mabait. Di dahil sa utang na loob."

"I think I still owe you something."

Humalukipkip siya. "Ano na naman iyang utang na iyan?"

"Nakalimutan mo ba nang unang beses tayong magkita? Sabi mo sa akin, ihahalik mo pa ang buong angkan at buong baranggay mo sa akin?"

"Ha? Naaalala mo pa ba iyon?"

Parang ayaw na yata niya iyong maalala. Sobrang excited kasi niya iyon na makita ito at na-addict ata siya sa pabango nito kaya halik siya nang halik.

"Siyempre. Pwede ko ba naman iyong makalimutan? Ready na akong magbayad nang utang ngayon dahil di ako masyadong busy."

His hand slid at the small of her back and urged her closer. He bent his head and claimed her mouth in a passionate kiss.

She experienced his kiss before but this time, her head wasn't so light. Alam niya ang ginagawa niya at kung ano ang nangayayari. She opened her mouth to accept his intrusion. Humawak siya sa braso nito para may suporta. Kundi ay babagsak na lang siya dahil nanginginig ang tuhod niya. The kiss seemed to go on and on. Parang pelikula iyon na walang katapusan.

When their lips parted both of them were gasping of breath. "Well, that one nearly cost my life. But its okay. Bayad na ako sa utang ko."

"U-Utang?" Saka lang niya naalala kung bakit siya hinalikan nito.

"Oo. Bayad na ako sa utang kaya pwede na akong matulog nang mahimbing." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "Goodnight, Celestine."

"G-Goodnight," aniya nakatulala lang hanggang umalis ito.

Nagbayad lang ito ng utang kaya siya nito hinalikan. Pero hanggang ngayon ay umuugong pa rin ang tainga niya. Ganoon pala ito kapag nagbabayad ng utang. Parang gusto niya na magkautang ulit ito sa kanya.