Chapter 227 - Chapter 26

"I RODE your brother off. At mukhang hindi niya matanggap na natalo siya," natatawang kwento ni Romanov sa kanya habang kausap niya ito sa telepono. He joined her brother in an informal polo match.

She was at Rider's Verandah preparing the sketches for her paintings. Gumagawa muna siya ng sketch para may concept na siya ng kung ano ang ipipinta niya sa fabric. Maselan kasi ang pagpipintahan niya. And it won't be her work alone that would be affected. Pati ang design ni Jenna Rose ay pwedeng masira. Marami na ang naghihintay sa design na ilalabas nila ni Jenna Rose sa fashion show. That's why she had to live up the expectations of the customers.

"It means that he is out of the game?" Ang ride off ay isang salita sa polo kung saan gigitgitin ng isang player ang kalaban para di nito matira ang bola.

"Yes. At ayaw niya akong kausapin."

"Sole loser! Hayaan mo na siya. Para naman maranasan niyang matalo paminsan-minsan. And because you win, I'll cook dinner for you," aniya habang itinatapik ang lapis sa mesa.

"Hindi ba dapat Kuya Rolf mo ang I-treat mo? You have to console him."

"Mas lalo siyang magagalit kapag kinaawaan siya. I will just let him sulk by himself. I want to show you my sketches as well."

"I will see you later then. Bye!"

Walang tao sa Rider's Verandah nang mga oras na iyon. Sa second floor nga ay siya lang ang tao. Kaya naman tuluy-tuloy ang pagtatrabaho niya.

"Excuse me," anang isang babae nang lumapit sa kanya. She looked beautiful and elegant even she was already in her late twenties. "You are Illyze Guzman, right?" Tumango siya. Magtatanong ba ito tungkol sa design niya? Inabot nito ang kamay. "I am Jewel Toralde. I am Romanov Cuerido's bestfriend."

Namilog ang mata niya sa labis na pagkagulat at kinamayan ito. "Oh, really? Please have a seat. Do you want anything?" She was excited to know that Romanov has a friend. Nasabi kasi nito sa kanya na wala itong kaibigan.

"I am sorry for the bother."

Umiling siya. "No, its okay. I am actually thrilled to meet you. I am afraid Romanov doesn't talk much about his friends. Does he know that you are here? Do you want to talk to him? He is at the polo arena right now."

"Please, don't! Ikaw lang ang gusto kong makausap." She looked agitated. "Romanov would hate to see me here."

"Bakit naman? Bestfriend ka niya, hindi ba?"

Ilang sandali itong di nagsalita. "Sa iyo na ako lumapit para humingi ng tulong. Please do me a big favor."

"Hmmm… Kung kaya ko bang gawin, bakit hindi?"

Ngumiti ito at inabot ang isang malaking envelope sa kanya. "This is a letter of approval from Sundance Film Festival. They like the story concept submitted by Romanov and all they want to see is the final output. Ilang buwan na lang at deadline na ng submission ng entry. And we need him back soon."

Ipinaliwanag ni Jewel na kasama nito si Romanov sa iisang film outfit. At dahil sa basta-bastang pagkawala ni Romanov, di masimulan ang project. Ang Sundance ay hamak na mas prestigious kumpara sa ibang film festival na nasalihan na ni Romanov. Kahit ang mismong Hollywood ay kikilalanin ang galing nito oras na makasama ito sa mga finalist.

"This is something important. Ikaw na lang ang magbigay sa kanya."

Umiling si Jewel. "Hindi siya makikinig sa akin. I am sure he would listen to you. It would be a waste to pass up this opportunity. Pagkakataon na niyang ipakita ang talent niya sa buong mundo. The project is really a promising one and only Romanov could do it. Ilang beses ko na siyang kinumbinsi pero lalo lang siyang nagmamatigas. Nang malaman ko ang tungkol sa iyo, nagkaroon ako ng pag-asa."

Huminga siyang malalim at pinagmasdan ang envelope. "I can't promise anything. Kukumbinsihin ko siya."

"Please try. Hindi lang ito tulong para sa production outfit namin at sa mga taong umaasa sa kanya. Pati na rin sa kay Romanov mismo. Napaka-talented niya. Malayo pa ang mararating niya. I want to see the old Romanov back. Ayokong sirain niya ang future niya dahil lang sa isang walang kwentang tao," umiiyak na sabi ni Jewel at napayuko. "Please help him."

Humigpit ang hawak niya sa envelope nang maalala ang babaeng nanloko kay Romanov. Hindi siya papayag na magpatalo sa babaeng sumira sa buhay nito.

Tumayo siya at pinisil ito sa balikat. "Don't worry, Jewel. Hindi ako papayag na palagpasin niya ang film festival na ito. Babatukan ko siya oras na tumanggi siya. He will finish this film and he will be back to his old self."

"Thank you, Illyze!" anang si Jewel at niyakap siya. "I owe you this one."

"You don't owe me anything." Ginagawa niya iyon para sa lalaking mahal niya. Para kay Romanov.

Related Books

Popular novel hashtag