Chapter 224 - Chapter 23

NAGMISTULANG mini-Japan ang Stallion Riding Club nang ganapin ang party ni Shuichira Hinata. Ancient Japan ang theme. Everyone was in his or her kimono and yukatan, ang traditional na damit sa Japan. May mga Japanese lantern na nakasabit sa paligid. Sa low table isine-serve ang pagkain. Bumabaha ng sake o Japanese ricewine, sushi, sashimi at iba pang Japanese cuisine. Traditional Japanese music din ang pumapailanlang na musika. Everyone was in a festive mood.

"Wow! Your gown is different. It is not a traditional kimono, right?" tanong ng Mama ni Hiro. "It is like an old traditional dress that only women like princesses wear." Maluwag kasi ang damit maging ang manggas. Di tulad ng kimono na hapit sa katawan. "The painting is also distinctive. I've never seen one like that."

Sumang-ayon pa ang ibang guest na nakapaligid sa kanya. Simula pa lang kasi ng party ay pinagkaguluhan na ang suot niya.

"Jenna Rose designed the dress I am wearing. But I did the painting myself. I could still remember the beautiful Sakura Festival when I was in Tokyo," paliwanag niya. "I am actually planning to paint some more."

"You are a great artist, Illyze. They should be placed in a canvass," wika ni Jemaikha na nobya ni nobya ni Hiro.

"Hindi mo naman maisusuot ang canvass," anang si Sindy.

"Jenna Rose, I want a gown that she could paint on," request naman ni Quincy. "And a matching bag as well. Pero gusto ko Filipiniana style at Palawan beach naman ang nakalagay. Or how about the Tubatahha Reef?"

"That seems like a nice idea," anang si Jenna Rose. "Parang gusto kong gumawa ng iba't ibang traditional dress sa iba't ibang bansa. Of course, you will take care of the paintings. Ipe-paint mo ang mga lugar or bagay maia-associate mo sa country na iyon. This would be a nice project. I am excited for my next fashion show. What do you think, Illyze?"

"Excited na rin ako," aniya at lalo pang dumami ang ideas na nasa utak niya. "Anyway, we can discuss this tomorrow."

Kung excited siya, hamak na mas excited ang patrons ni Jenna Rose. "Haute couture and a work of art. Parang walking art gallery, di ba?" sabi ni Quincy. "I am sure my camera would love it." Ito kasi ang official photographer ng mga fashion show ni Jenna Rose at iba pang events sa riding club.

"Mukhang mahal iyan," sabi ni Marist. "Hindi ko kaya iyan."

"Oil baron ang boyfriend mo. Emrei Rafiq!" anang si Tamara. "Kahit na hindi ka pa kumuha ng gown, ikukuha ka pa rin niya. So you have nothing to worry."

"You'll do the accessories, Marist," wika ni Jenna Rose. "Sa laki ng kinikita mo sa mga designs ng bag mo, nagtitipid ka pa rin?"

"Kahit ibili pa ako ni Hiro, bibili pa rin ako ng sarili ko," sabi naman ni Jemaikha. Sumang-ayon ang iba. Karamihan kasi sa mga ito ay career women. Di tulad ng ibang babae sa riding club na nakaasa sa pera ng mga nobyo.

"Where is your brother?" tanong ni Jemaikha sa kanya. Bilang hostess ng party, kailangan nitong I-check ang mga guest."

Luminga-linga siya. "I don't know. Pinauna na niya ako dito dahil si Jenna Rose naman ang kasabay ko. Wala rin sila Kuya Reichen at Kuya Eiji."

"At wala rin pati si Gabryel," nakakunot ang noong sabi ni Sindy.

"Well, Yuan is not here either. Hindi ko alam kung anong grand entrance ang pinaplano nila. Basta wala lang babaeng involve, lagot siya sa akin," banta ni Quincy.

"Bakit nga pala hindi mo isinama si Romanov?" tanong ni Jenna Rose. "You are already an item these days."

She breathed out. "Niyaya ko siya pero may date daw siya. Alam ko naman kung sino na naman ang ka-date niya. Sarili niya. Hindi pa siguro siya handang humarap sa maraming tao at sa mga tanong nila. Sumasama lang naman siya kina Kuya Rolf dahil di naman mausisa sila Kuya. Sa susunod sasama rin iyon."

"Heto na pala sila," wika ni Jemaikha.