Chapter 218 - Chapter 17

"THE view is spectacular, isn't it? It is lovely up here!" usal ni Illyze habang pinagmamasdan ang kalawakan ng Stallion Riding Club mula sa kinalalagyan nila ni Romanov. Nasa isang clearing sila sa Mountain Trail na nagsilbing picnic ground at tanaw ang buong riding club. Mula sa main clubhouse, sa Forest Trail hanggang sa bahagi ng Lakeside.

Umaga pa lang ay paikot-ikot na sila sa Mountain Trail. Marahan lang ang paglalakad ng mga kabayo dahil di pa siya sanay sa lugar. Iyon din ang unang pagkakataon niyang mag-horseback riding sa may katarikan na lugar. At magta-tanghali na nang maisipan nilang magpahinga.

"You look like a goddess watching mere mortals," Romanov commented.

Goddess? He called me a goddess. Ibig sabihin maganda ako. "Kapag narinig ka ni Reid Alleje, magagalit iyon sa iyo. This is his land. His alone. Baka pabayaran pa niya sa iyo kahit sabihin mong comparison lang naman iyon. Ultimo mga engkanto sa riding club, gusto niyang singilin ng upa."

"Well, at least I am not the only weird person here."

"You are not weird. Artist ka kasi. Pareho lang tayo. Sa isang pamilya na puro business-minded ang mga tao, di rin nila ako maintindihan minsan."

"Kumain ka na. This is not gourmet food. Sa dami ng naisip kong iluto, sa huli ito na lang ang nagawa ko," anito at inilapag sa harap niya ang pack lunch."

"Ano ito?" tanong niya habang sinisipat ang nakabalot sa dahon ng saging.

"It is popularly known as binalot," sagot nito at kinalas ang tali. May kanin, kamatis, longganisa at itlog na maalat. "Iyan ang kadalasang niluluto sa amin ni Nanay noong buhay pa siya. If you don't want it…"

"Sinong may sabi na ayoko? Ngayon pa lang ako makakatikim nito pero dati ko pa siya naririnig. Huh! Maiinggit si Kuya Rolf kapag nalaman niyang nakatikim na ako nito at ikaw pa ang nagluto," aniya habang naghuhugas.

"I haven't done this for a long time. Magluto para sa ibang tao. O kaya iyong may kasabay na kumain at may kakwentuhan."

Dahil siguro nawala na ang mga magulang nito at wala rin itong masyadong kaibigan. Pero hindi na iyon mangyayari ngayong naroon siya.

"Kung ako ang kasama mo, hindi ka mauubusan ng kwento," aniya at sumubo ng longganisa. "Magtagal ko nang gustong subukan na kumain nang ganito. Parang picnic style. Wala lang gustong sumama sa akin. And this tastes great! Kahit saang parte ako ng mundo pumunta, walang kapareho nito."

"That is just an ordinary food. Wala iyon kumpara sa pasta sa Italy o sa sushi ng Japan. You've traveled all around the world so you must know that."

Bahagyang bumagal ang pagkain niya. "Siguro nga iba ang lasa ng pagkain sa Japan o sa Italy o sa kung saan man. Pero masarap ang luto mo. It makes me feel like I am home."

"But you love traveling."

"Yes. I love learning about the culture and tradition of different people. Ikaw, mahilig ka rin sigurong bumiyahe." Importante iyon sa mga director para mas lumawak ang idea. Sabi ni Jenna Rose ay nakapag-aral ito sa ibang bansa.

"Bata pa lang ako, iyon na ang gusto kong gawin. I want to see the world and let the world see how I see things. Kaya nga pinagsumikapan kong mag-excel sa field ko," wika nito at tumingin sa malayo.

"Hindi mo na ba gustong gawin iyon?"

"The world is suddenly too loud and too crowded. Kaya pinili ko dito sa Stallion Riding Club. There are no prying press. And I can have time for my self. Walang nanggugulo sa pananahimik ko."

"Ako lang naman ang gumugulo sa iyo. Why didn't you just send me away?" Ganoon naman ang ginawa nito sa ibang babae.

"It is not easy to get of you. Siguro masyado nang tahimik ang mundo ko kaya hinayaan kitang manggulo. After all, I asked you out. Kailangan mo nga pala planong bumalik sa pagdye-jet setting? How long will you stay here?"

Tipid siyang ngumiti. "Wala na akong planong umalis ulit. My jet setting days are over." Unless Romaov would take her somewhere.

"Why? Mukhang marami kang gustong puntahan."

"I already found what I've been looking for." If he wanted to stay in his quiet world, she would stay with him. She had always been restless traveling from a place to another. And she was home with him.

Naghahanda na sila sa pag-alis nang lumakas ang hangin at tinangay ang ribbon na nakatali sa buhok niya. Sumabog kasabay ng hangin ang buhok niya. Pinigilan niya ang buhok niya at hinabol naman nito ang ribbon niya.

"Here," anito at inabot sa kanya ang ribbon.

"Thank you."

Akmang itatali ulit niya ang buhok nang pigilan nito ang kamay niya. "Don't. Your hair looks better if you leave it that way, goddess."

Saka nito hinaplos ang buhok niya. She held her breath. "Goddess?" Hindi na siguro siya pinaglalaruan ng pandinig niya. Pangalawang beses siya nitong tinawag na goddess. And he didn't conceal the admiration in his eyes. He was looking at her as if she was the most beautiful girl on earth.

Umurong ito at tumingala sa langit. "Mukhang uulan. Bumalik na tayo."

Tahimik sila habang pabalik sila. Di niya alam kung bakit tumahimik na naman ito. Baka nagkamali lang siya nang sabihin niyang diyosa ako. Parang ayaw na nga niya akong kausapin ulit. Maybe I am a lousy date. Baka naisip niyang di niya kailangan ng panggulo sa buhay niya. Hindi na niya ako yayayain ulit.

Unti-unti nang pumapatak ang ulan nang makarating sila sa main stable. "Thanks for asking me out." She tried to smile despite of a heavy heart.

"Kung wala kang gagawin bukas, yayayain ulit kita."

Sa pagkakataong ito ay naging totoo na ang mga niya. "Really? It's a date again? Same time? Same place? Ikaw ulit ang magluluto ng binalot?"

"Why don't you try making one? I guess that would be interesting."

Related Books

Popular novel hashtag