TININGNAN ni Marist ang sarili niya sa salamin. Marahil ay natunaw na iyon dahil kanina pa siya nakatitig. Tinitingnan niya kung perpekto na ang ganda niya. It would be her last night at the Stallion Riding Club. She wanted to look her best.
She was wearing a white ruffled dress. Halter din iyon kaya na-enhance ang maganda na niyang katawan. Inipon niya ang mahaba at itim niyang buhok sa kaliwa at itinali ang dulo. She looked like a Latina.
Kumunot ang noo ni Emrei nang makita siya. "Bakit? Ayaw mo?"
"Ayaw na kitang palabasin ng kuwarto. Baka kasi kahit ako ang ka-date mo, baka agawin ka ng iba sa akin. You are so beautiful tonight."
Kumapit siya sa braso nito. "Thank you!" Natuwa siya dahil nagbunga naman ang pinaghirapan niya. Na-appreciate siya nito. "Don't worry. Wala akong plano na makipag-date sa iba. Ikaw yata ang pinakaguwapo dito."
Pinisil nito ang baba niya. "Mabuti naman at natuto ka nang maka-appreciate ng kaguwapuhan ko," sabi nito. "Dapat laging ganyan."
"Pasalamat ka dahil ikaw lang ang sinabihan kong guwapo."
"And thanks for believing that you are beautiful. Hindi ka na sobrang defensive kapag binibigyan ka ng compliment na parang binobola ka lang."
"You don't lie, Emrei. Dapat kong tanggapin na maganda ako."
Humalakhak ito. "Tanggalin na lang natin ang tali sa buhok mo."
"Bakit?"
Ilang saglit siya nitong tinitigan na parang kinakabisa ang mukha niya. "Because you have a lovely hair. You should flaunt it, Marist."
Lalo lang siyang na-excite. Ano kaya ang ihinandang sorpresa nito sa kanya?
Pagdating nila sa tabi ng lake ay madilim. Wala siyang makitang kahit ano. "Emrei, sigurado ka ba na dito tayo magde-date?"
"Oo naman. Magma-magic ako."
Pumalakpak ito ng tatlong beses. Bumukas ang ilaw kasabay ng malakas na tugtog. "Surprise!" sigaw ng mga tao. Naroon ang members ng club at ang kanya-kanyang nobya at asawa ng mga ito. Pawang naging ka-close niya nang naroon siya.
Nagtaka siya. "O, a-anong mayroon?"
"This party is for you," anang si Neiji. "Gusto ka kasing makasama ng mga naging kaibigan mo dito sa club."
"Hindi naman ninyo kailangang gawin ito," sabi niya.
"She's right. Hindi ninyo ito kailangang gawin. This is our date," giit ni Emrei. "Kung bakit kailangan pang sumali kayo. Di kami makapagsolo."
"Huwag kang killjoy!" anang si Quincy. "I-share mo siya sa amin." At idinala siya nito sa may buffet table. "Tingnan mo ang ihinanda namin para sa iyo."
Nang buksan niya ang tray ay nagulat siya. "Ano ito?"
"Fishball, kikiam, meatballs, squid ball, crab meat at pati kwek-kwek," pag-iisa-isa ni Miles. "Lahat ng paborito mong kainin."
Inakbayan ito ni Gino. "Hon, huwag mong kalimutan na Chef Gino version iyan. Lahat low in calories."
Tumikim siya ng vegetable burger patties. "Masarap!" Nag-thumbs up siya. "Gourmet na gourmet. Parang napaka-espesyal naman."
"Espesyal ka sa pinsan ko kaya espesyal ka na rin sa amin," sabi ni Reichen, ang kapatid ni Reid. "O, tikman mo rin ang kwek-kwek. Oatmeal ang coating niyan. At mas masarap iyan kapag ako ang nagsubo."
Akmang susubuan siya ni Reichen nang harangan ito ni Emrei. "Huwag mong gayumahin si Marist. Ka-date ko iyan."
"Bukas, tapos na ang promo. Pwede ko na siyang yayain."
Ngumisi si Emrei. "Pasensiya na, insan. Ako ang pinakaguwapo sa paningin niya. At mukhang walang expiration ang kaguwapuhan ko."
"May itinatago ka palang kayabangan," aniya kay Emrei.
"Namana ko lang iyan kay Reichen. Siya lang naman talaga ang ubod nang yabang sa lahi namin."
"Ang Kuya Reid mo. Di ba, mayabang din siya."
"Sinabi mo bang mayabang ako?" anang si Reid na nasa likuran lang niya.
Napahawak na lang siya sa dibdib niya sa sobrang gulat. Mabilis siyang itinago ni Emrei sa likuran nito. "Wala siyang sinasabi na mayabang siya. Sabi niya, ibang-iba ka sa kapatid mong mayabang. Si Reichen lang ang mayabang."
Tumango-tango ito. "Mabuti nang nagkakalinawagan tayo."
Naisandal niya ang noo sa likuran ni Emrei. "Parnag hihimatayin ako."
"Huwag kang hihimatayin. Pareho lang tayo. Nanginginig ang tuhod ko. Huwag ka nang magsasabi ng kahit ano tungkol kay Kuya Reid. Si Haring Reid iyon. Masyadong mabilis sumagap ang radar niya kasi teritoryo niya ito." Ikinuha siya nito ng upuan. "Mabuti pa, ikukuha na lang kita ng pagkain."
"Saka isang drum na sago at gulaman." Isa iyon sa beverage na isine-serve sa kanila kasama ang buko juice at buko pandan.
"Huwag ka nang gumalaw. Ako ang magsusubo sa iyo," anang si Emrei.
"Para naman akong bata."
"Huwag ka nang umangal." Inumang nito ang crab meat sa bibig niya. "Teka, hihipan ko kasi medyo mainit."
"Kung kailan ako lumaki, saka ako nagkayaya," komento niya.
"Basta ba ikaw ang aalagaan ko," nakangiti nitong sabi.
"Teka. Dapat subukan mo din ang fish ball." Tumusok siya ng isa at inilapit sa bibig nito. "Hindi ka tao kapag di ka nakakain nito."
Di naman siya nito tinanggihan. "Hmmm… masarap nga. Subuan mo pa ako. Gusto ko naman ng squid ball."
Biglang nag-flash ang camera. "Ang sweet naman ninyo!" anang si Quincy na siyang kumukuha ng pictures.
"Wala bang kiss diyan?" kantiyaw ni Eiji. At nakikantiyaw ang iba.
"Sorry. Hindi kasama sa prize ko ang kiss," sabi niya. Hindi naman siguro siya hahalikan ni Emrei sa harap ng maraming tao. Kung hahalikan man siya nito.
"Actually, kasama iyon sa prize," kontra ni Emrei. "Pero kami na ang bahala doon. Ayaw namin may mga istorbo. Ano kayo, sinuswerte?"
Namumula siyang hinampas sa braso si Emrei. "Nakakahiya!"
Humalakhak ito at nakitawa ang iba. Pinigil niyang ngumiti. Kung totohanin man nito ang banta na halikan siya, hinding-hindi siya kokontra.