PARANG pinupukpok ng martilyo ang ulo ni Sindy nang gumising siya. She had a hangover from three glasses of Bloody Mary. Lalo pang nadagdagan ang sakit ng ulo niya nang katukin siya sa pinto ni Gabryel. "Good morning, breakfast in bed! Get up, Sindy!" He pressed the button near the light switch and the blinds of the window scrolled up. Lumagos ang liwanag at init ng sikat ng araw. "This is such a great morning."
Umungol siya at nagtalukbong. "My eyes and head hurt, Brye! Isara mo na lang uli ang bintana."
"Mukhang may hangover ka. Have some soup and I'll get you some pain reliever. Then you will feel better."
Halos subuan siya nito sa pagkain ng soup at pati sa gamot. "Huwag mo na akong intindihin. I can take care of myself. Mag-prepare ka na para sa competition. Baka ma-late ka pa. I will just rest for a while. Magsa-shower na rin ako."
"No. You have to stay in bed. You don't feel well."
"Pero gusto kong mapanood ang laro mo," giit niya. "I want to be there to cheer for you." Kahit masakit ang ulo niya ay kakayanin niya.
He kissed her forehead. "Hindi na. Magpahinga ka na lang. `Tapos, babantayan kita rito hanggang bumuti ang pakiramdam mo."
"Gabryel, no! Hindi ako papayag na hindi ka mag-join sa competition. Matagal kang nag-practice. Saka third consecutive year mo na sanang mananalo kung sakali. `Tapos, dahil lang sa akin, hindi ka na lalaban."
"May next year pa naman. Basta, dito lang ako sa tabi mo."
Itinulak niya ito nang bahagya. "Magagalit ako sa iyo kapag hindi ka pumunta dahil lang sa akin. Para saan pa ang pagyayabang mo sa akin noong isang araw?"
Itinaas nito ang kamay. "Okay. I will go to the arena and fight. At hindi ako babalik dito hangga't `di ako nananalo. And when I return, magse-celebrate tayo. Basta huwag kang tatayo rito sa kama. I will ask Gino to lend Quincy or Miles to look out for you habang hindi pa marami ang tao sa Rider's Verandah."
He claimed his good-luck kiss before he left. Nang gumising siya ay naabutan niyang nagbabasa ng magazine si Quincy. "Gising ka na pala."
Bumangon siya. "Gusto kong mag-shower. Tulungan mo na rin akong mag-ayos, ha? Pupunta kasi ako sa arena. Manonood ako ng laban ni Gabryel."
"Ha? Anong manonood? Sabi nga niya, huwag kitang patayuin diyan. Just take a rest, okay? Baka lalo pang sumama ang pakiramdam mo."
"Please! Gusto ko siyang mapanood. Kapag napanood ko na siya at nakita ko siyang manalo, babalik din tayo rito."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko?" anito saka inalalayan siya. It was an ordeal to take a shower and change clothes. Masakit pa rin kasi ang ulo niya. Pero mas nangibabaw sa kanya ang excitement na makita si Gabryel. Gusto niyang mag-cheer para dito.
"Are you sure about this?" tanong ni Quincy habang papunta sila sa arena kung saan ginaganap ang competition.
"Yeah. I will be okay once I see Gabryel."
Sinamahan siya ni Quincy hanggang sa loob ng arena. Gumaan ang pakiramdam niya nang tawagin ang pangalan nina Gabryel at Burglar. They were the last contenders for the competition. "You can do it. I know you two can do it. I love you," mahinang usal niya habang pinapanood ang pagtalon ng dalawa sa iba't ibang klase ng obstacles.
Nang makapagtala si Gabryel ng pinakamataas na score dahil mabilis na natapos nito ang laro at wala itong naging mali, napayakap siya kay Quincy sa tuwa. "He did it, Quincy! He did it! Sabi ko na nga ba, mananalo siya."
"Go to him and give him a kiss," udyok nito. "Tradition na rito sa Stallion Riding Club na dapat, unang bumati ang girlfriend ng winner."
Papatayo pa lang siya kay Gabryel para sundin ang sinabi ni Quincy nang makita niyang lumapit si Claudine dito at niyakap ang binata. Umugong din ang sigawan nang halikan ito ni Claudine. Nanlalambot na napaupo siya sa bench habang nakatitig sa dalawa. She thought at that moment that the joke was on her.
Heto siya, nagmamadaling pumunta sa arena kahit may sakit para lang kay Gabryel. She wanted to be there for him. Pero hindi na pala siya nito kailangan dahil naroon na si Claudine para dito. Her heart was trampled and broken into pieces. Sana pala ay hindi na lang siya umalis sa kuwarto niya. Ininda na lang sana niya ang sakit ng ulo niya at nagtiis na hindi mapanood si Gabryel.
Yumuko siya, pagkatapos ay tumayo. "Let's go, Quincy."
"Hindi ka ba magpapakita kay Gabryel? Ikaw ang girlfriend niya. Ikaw dapat ang nandoon para sa kanya," wika nito.
"He doesn't even have to know I am here," wika niya. "Kapag nagtanong siya, sabihin mo na natulog lang ako."
NAKASANDAL sa headboard ng kama si Sindy habang nakatulala. Ubos na ang luha niya. Manhid na rin ang puso niya. Pero kung ano ang susunod na gagawin niya ay hindi pa rin niya alam. She was just hurt to think of anything. Dahil kahit anong hakbang ang gawin niya, alam niyang masasaktan siya.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at nakangiting pumasok si Gabryel. "Look, Sindy! I won the competition. Kasama na ako sa Hall of Fame," excited na balita nito sa kanya habang hawak ang trophy. Niyakap siya nito. "You should have seen me a while ago. Naka-perfect ako!"
Ngumiti siya nang malungkot. "Sabi ko na, mananalo ka."
Hinaplos nito ang buhok niya. "How about you? Are you okay now?"
Tumango siya. "Yeah. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko. Pero medyo masama pa rin ang pakiramdam ko." It was her heart that was in pain.
May kumatok sa pinto at pumasok si Claudine. "Is Sindy ready for the celebration, Gabryel? Hinihintay na nila tayo."
Nawala ang mumunting pag-asa sa dibdib niya at naglaho na ang lahat ng ilusyon niya nang makita si Claudine. Bakit kasama pa ito ni Gabryel? Hindi pa ba ito masaya na nagmukha siyang tanga kanina? Malamang ay pinagtatawanan siya ng mga audience na nakakaalam na siya ang girlfriend ni Gabryel.
"Dito na lang siguro kami ni Sindy. She's not feeling well."
"No. You may go without me. Okay lang ako rito."
He held her hand tightly. "I won't leave you. Iniwan na nga kita kanina, `tapos iiwan pa rin kita ngayon."
Nilingon siya si Claudine. "Puwede bang ikaw na ang humila sa kanya papunta sa celebration ninyo? Nagpapaka-killjoy kasi si Gabryel dahil lang sa akin."
"Sweetie, let's go," wika ni Claudine saka inakay palayo si Gabryel.
His hand slowly let go of hers. At iyon mismo ang nararamdaman ng puso niya. She was hesitant to let him go. It was painful yet it was the right thing to do.
I have to let you go for good, Gabryel. I have to.