"DON'T be so harsh on her. Hindi mo siya kailangang ipakulong," malumanay na sabi ni Gabryel kay Sindy. Nasa restaurant sila di-kalayuan sa presinto na pinagkulungan kay Jennelyn Marciano.
"Serious damage of property and public scandal. Okay na sana iyong public scandal. Mapapalagpas ko iyon. But I won't forgive her for what she did with my laptop. It is my best friend! Ilang buwan akong diet para makabili ng bagong laptop. And she dumped coffee over it," nagngingitngit na sabi niya.
"She just did it out of jealousy. Nasaktan din siguro ang pride niya dahil ilang beses na akong `di pumayag na makipag-date sa kanya."
"Siya pa ba ang kailangan kong intindihin, Brye? My laptop is everything to me. Nandoon lahat ng files ko at matatapos na sana ang isang novel ko na ipapasa ko bukas. It took me several days to finish that one." Hirap na hirap nga siyang isulat iyon dahil sa kaiisip niya kay Gabryel. "Pera na sana iyon kapag pumasa. Sige nga, paano pa ako makakasuweldo? How will I pay my bills? Dapat lang siguro na masingil ko siya sa lahat ng perhuwisyong ginawa niya sa akin."
She was not in a forgiving mood at the moment. Lalo na't malaki ang damage na nagawa sa kanya ng Jennelyn Marciano na iyon.
"You can settle it with her properly. Babayaran naman niya."
"How will she pay it? Even her own manager refused to bail her out. Ni wala nga siyang pera." Nalaman niya na marami nang issue si Jennelyn at marami na ring utang. Kaya lang siguro ito naghahabol kay Gabryel ay para makapag-asawa ng mayaman. At nagdilim ang mga paningin nito nang makita nitong wala nang pag-asa sa binata. Puwes, nagdilim din ang mga paningin niya. Dapat lang ito sa kulungan.
"Ako na lang ang sasagot sa gastos. Pakawalan mo na lang siya."
Naniningkit ang mga matang pinagmasdan niya ito. "How generous of you," she said with sarcasm. "Palibhasa, babae, kaya mabait ka."
"Ayoko lang na lumala ang issue. Kung ako lang ang kasangkot dito, I don't really mind. But how about you? Pati ikaw, kakaladkarin niya ang pangalan mo sa press. And what will your family say? You are an Arevallo and you are involving yourself with insignificant people. That you are going down to her level."
"Mas iniisip mo pa ba ang iisipin ng pamilya ko? They can always say what they want to say. But I am just fighting for what I think is right. Lalo na iyang Jennelyn Marciano na iyan. Pakiramdam yata niya, sikat siya kaya dapat pagbigyan. Lalaki lang ang ulo niya kapag pinagbigyan. `Tapos baka ulitin pa niya sa iba."
Walang arti-artista sa kanya. Pare-pareho lang silang mga tao. May karapatan siyang ipaglaban ang karapatan niya. At alam niyang tama ang ginagawa niya.
"Ikaw ang iniisip ko. What's the use of putting her in jail if she can't pay you? Ako na nga ang bahalang sumalo sa lahat. Hindi ka naman guguluhin ni Jennelyn kung hindi dahil sa akin, `di ba?"
Bumigat ang dibdib niya at napaiyak. "Kasalanan mo ito. Ang laptop ko!"
"I will buy you a new one. Mas hi-tech pa."
"I want my old laptop fixed. I have to retrieve my old files. `Andoon din ang nobela ko. Saka may sentimental value sa akin ang laptop ko."
He held her hand. "I told you I would take care of everything."
Mayamaya ay humupa rin ang galit niya at nahimasmasan. "I am sorry, Gabryel. Hindi ko dapat sa iyo isinisisi ang lahat. Nagiging emotional lang naman ako kapag nawawalan ako ng kontrol sa maraming bagay. Pati kasi ang draft ng novel ko, nabasa nang ibuhos ni Jennelyn ang kape. I don't know how to start again."
Mahirap nang ulitin ang nobela na minsan na niyang naisulat. At dahil sa depression niya, mawalan na rin siya ng ganang magsulat. Naka-mind-set na kasi siya sa nobelang huli niyang ginawa. And she had to continue from what she had written last. O tuluyan nang masisira ang sistema niya.
"You will get your momentum back. Don't worry, kausapin na natin si Jennelyn. Let's tell her we will withdraw the complaint against her."
"At ano naman ang kapalit? Baka isipin pa n'on, interesado ka sa kanya."
"Huwag na siyang lalapit sa akin o sa iyo. Dahil kapag nanggulo na naman siya, tuluyan na siyang mawawalan ng career."
She didn't know if she should treat him as her hero or not. Ito ang dahilan ng mga kapalpakan sa buhay niya. But Gabryel was also there to pick her up. Hindi kompleto ang buhay niya kung wala ito.
"HOY, HUWAG ka nang umiyak diyan. Para ka namang namatayan, eh!" anang kaibigan at cowriter niyang si Sonja. Sinamahan siya nito sa service center na pinagpagawaan niya ng laptop computer niya.
"Narinig mo ang sinabi ng technician. Sira na raw ang laptop ko. Hindi na mare-retrieve ang files ko dahil sirang-sira na ang hard disk. `Andoon ang nobela ko na malapit nang matapos. Ano'ng gagawin ko ngayon?" aniyang pumalahaw ng iyak.
"Isulat mo na lang uli," anitong palingun-lingon sa kanya habang nagmamaneho. Ang lumang kotse nito ang dala nito.
"Sa palagay mo ba, makakapagsulat pa ako? Depressed na nga ako. Wala nang pumapasok sa utak ko. Wala akong nasa isip kundi ang laptop ko."
"Marami ka pa namang istorya, hindi ba? Lilipas din ang depression mo. Makakapagsulat ka pa uli."
"Pero hindi naman lilipas ang mga bayarin ko. Ang dami-dami nila. Baka putulan ako ng tubig at kuryente. Palalayasin na ako sa apartment kapag `di ako nakapagbayad ng renta. Alam mo naman kung gaano kasungit ang landlady ko."
"Eh, pareho lang naman tayo ng sitwasyon. Palalayasin na rin ako ng nanay ko sa bahay namin kapag `di ako sumuweldo. `Di rin kita matutulungan sa ngayon."
"Okay lang. Makakagawa pa rin ako ng paraan."
Nagpababa na lang siya sa labas ng subdivision at naglakad papasok. Gusto kasi niyang pag-isipan kung ano ang gagawin niya para makapagsulat uli. Subalit lumulutang na ang utak niya. Wala siyang maisip na kahit ano.
Pagdating sa bahay niya ay naghihintay na sa kanya sa labas si Gabryel. "Nagkasalisi tayo sa service center. Umalis ka nang dumating ako. Sabi ng technician hindi na raw maaayos pa ang laptop mo..."
Tuluy-tuloy lang siyang pumasok sa bahay at hindi ito pinansin. Malungkot na iniikot niya ang tingin sa bahay. It was bare. Halos wala nang importanteng bagay roon. "Baka `di na rin ako tumira dito sa susunod. Paaalisin na ako rito."
"Don't say that. Makakapagsulat ka naman uli, `di ba?"
Pinahid ng likod ng palad niya ang mga mata niya. Humikbi siya pero pinilit niyang huwag humarap kay Gabryel. "I am burnt out, Brye. Wala na ring idea na pumapasok sa utak ko. And my laptop is gone. Paano ako magsusulat?"
It was every writer's worst nightmare. Ang mawalan ng importanteng equipment sa pagsusulat at mawalan ng isusulat.
Niyakap siya nito. "I am sorry. Kasalanan ko ito."
Umiyak lang siya nang umiyak habang yakap nito. Gusto niya itong sisihin at magalit uli rito. Kasalanan naman talaga nito ang lahat pero hindi niya magawa. Ito lang din ang puwede niyang kapitan nang mga sandaling iyon.
"Huwag na tayong magsisihan. It is useless. And I am just too tired."
"You just need a vacation."
"I am practically penniless, Brye!"
"Go home to Altamerano."