ILING agad ang naisagot ni Sindy nang marinig niya ang suhestiyon ni Gabryel. "No! I won't go back to Altamerano."
"Why not? It is the perfect place. Naroon ang pamilya mo. You need them right now. At mas makakapag-relax ka roon."
Naging matigas ang anyo niya. "Do you know what it means if I step on Altamerano at this point? I achieved nothing and I've given up." Pagtatawanan siya ng pamilya niya at pagmamalakihan siya ng mga ito. "This is not my end, Brye."
Mahabang sandaling hindi ito kumibo, tila inaanalisa ang sitwasyon niya. "I have a suggestion. Why don't you stay at my house at the Stallion Riding Club?"
Nahigit niya ang hininga. "That exclusive riding club? Hindi lang naman iyon para sa mga bachelors?"
"Oo. Pero puwede ko namang isama kung sino ang gusto kong isama. And you can stay in my house all you want. Hindi ko naman iyon laging ginagamit."
Nakita na niya ang Stallion Riding Club sa commercial ng Stallion shampoo and conditioner. It was like paradise. Luntian ang paligid, maraming mamahaling kabayo na pagala-gala sa club at marami ring guwapo. Pero kahit ang mga babae ay hindi basta-basta nakakapasok nang hindi iniimbitahan ng kahit sinong member. Mangilan-ngilan lang ang impormasyong nakukuha niya tungkol sa club.
"Sino pa ang ibang tao sa bahay mo?"
"Wala. May tagalinis lang doon dalawang beses sa isang linggo. You can treat the house as your own if you want."
Nakagat niya ang labi. "Parang ayoko yata."
"Natatakot ka na baka ma-tempt kang pagsamantalahan ako?"
Hinampas niya ito sa braso. "Hindi, `no! Parang mas okay na ako rito."
The offer sounded so tempting but it was too good to be true. Mula nang humiwalay siya sa pamilya niya, parang hindi na siya sanay manatili sa magagandang lugar. Mas sanay na siya sa simpleng buhay. And entering the Stallion Riding Club looked a bit complicated.
"You need a new environment. Doon sa lugar na puwede kang mag-enjoy. Makaka-experience ka ng bagong bagay at makakakilala ka ng ibang tao. Treat it like a grand vacation."
"Pero marami pa akong aasikasuhin dito."
"Listen! I will take care of everything. I will buy you a new laptop to replace the old one. I will take care of your bills. At habang wala ka rito sa bahay mo, ako na rin ang bahalang magbayad ng upa. That is, if you still want to come back to this place after you have saved enough. Or you can rent a better place."
Hinawakan niya ang sentido. "Sandali. Isa-isa lang. Nagugulo ang isip ko sa mga sinasabi mo. You are practically providing everything for me."
Living an independent life for years, she was not used to the idea of someone helping her out again.
"Ano ang masama? It is my fault that you are in dire jeopardy right now."
"Oo na. Kung `di dahil sa kaguwapuhan mo, hindi ako aawayin ni Jennelyn. Oo na. Kasalanan mo na lahat. Pero baka may magalit kung sasama ako sa iyo. Baka mamaya, marami pang Jennelyn sa riding club na naghahabol sa iyo."
"Huwag mo silang intindihin. It's as if I will allow any of them to harm you."
Humalukipkip siya. "Huwag na lang sa riding club. Baka mamaya, lalo pa akong mapahamak kapag nakaharap ko ang mga babae mo."
"Ano'ng gusto mo? Sasama ka sa akin o sasabihin ko kay Tita Eliza kung ano ang nangyayari sa iyo ngayon," banta nito.
"Oh, gosh! She'll drag me home by the hair." At iyon mismo ang huling bagay na gusto niyang mangyari. Ang malaman ng pamilya niya ang kamiserablehan niya.
"Ibig sabihin, papayag ka nang sumama sa akin sa riding club?" nakangising tanong nito. Nahuli na nito ang kahinaan niya.
"I don't have a choice, do I?" The idea of spending her vacation at the Stallion Riding Club sounded more appealing than being caged in Altamerano with her whole family taunting her. At least sa riding club, si Gabryel ang kasama niya.