Chapter 117 - Chapter 6

Tumaas ang isang kilay niya. "May mga babae po ba siyang dinadala rito?"

Bago pa nito nasagot ang tanong niya ay binulahaw na sila ng isang malakas na busina. Napapitlag siya at nakita ang puting Mercedes-Benz SL550.

Lumapit siya sa kotse. "Hey! You have no right to blast the horn of your car. Nakakabingi! Akala mo kung sino ka! Kung may sakit lang kami sa puso, malamang, inatake na kami dahil sa iyo," gigil na sabi niya. Kung gasgasan kaya niya ang kotse nito para magtanda?

Nahigit niya ang hininga nang bumaba ang may-ari ng sasakyan. It was Yuan. Her old memories of him and the pictures in the magazine didn't do him justice. He was too handsome. He was tall, his jet-black hair was blown by wind, and his eyes were chinky like a typical Tsinoy. But he was too intimidating when his eyes pierced hers. His lips were unsmiling. The sheer power of his aura made her hard to breathe. Parang tutumba na lang siya bigla.

"Ikaw nga ang dapat kong ireklamo, Miss. Ang aga-aga, nandito ka na sa tapat ng bahay ko. I have the right to blow my car's horn since you are blocking my driveway."

"Pasensiya na po, Sir Yuan," sabi ng street sweeper. "Nagkakakuwentuhan lang po kami. `Di namin napansin na dumating kayo."

"Hindi ninyo kasalanan, Manang Luming," sabi ni Yuan.

"S-sige, ineng. Aalis na ako," anang matanda na nanginginig ang boses. Nagmamadaling lumayo ito sa kanila ni Yuan.

Matalim na tiningnan siya nito. "How about you, Miss? Don't you have plans of moving out of my way? O baka naman gusto mo na buhatin kita para tumabi ka lang?"

"Eh, di tumabi," sabi niya saka lumayo sa daraanan ng kotse nito. "The road is all yours, your majesty."

Sa halip na bumalik sa sasakyan ay tumayo ito sa harap niya. "Who are you and who are you with?"

"Bakit kailangan mong malaman?"

"Because you can't enter this club without an invitation. At ire-report ko sa kung sinumang member na nagpasok sa iyo rito ang ginagawa mo. Maybe you are some starlet or a socialite wannabe guest and you are interested in me." Walang init sa mga mata nito nang pagalain ang mga iyon sa katawan niya. "You don't look bad."

Napanganga siya. Iyon lang ang sinabi nito? She didn't look bad? Pagkaganda-ganda nga niya. "I didn't come here for you to assess me. Excuse me!"

Humalukipkip ito. "Nagpunta ka rito sa tapat ng bahay ko para kunin ang atensiyon ko. It looks like you are not wasting your time. You already got me as your target. Unfortunately, I don't need a companion right now. Next time maybe."

Umiikot sa isip niya ang sinabi nito. "Target? Companion? Ano ba'ng sinasabi ng kumag na lalaking iyon?" Habang inaanalisa niya iyon ay pasakay na sa kotse si Yuan. "Hey! Get out of the car. I still want to talk to you."

Subalit hindi siya pinansin nito at sa halip ay pinaandar nito ang sasakyan. Napaatras siya upang hindi masagasaan. Kusang bumukas ang mababang wooden gate na nakaharang sa bahay nito pagtapat ng kotse nito. Wala na siyang nagawa para habulin ito.

Sinipa niya ang sidewalk sa sobrang gigil. "Buwisit ka talagang Yuan ka! You have no right to treat me this way." Ganoon ba ang mga babae roon? Desperada na magpapansin dito kaya tatambay sa harap ng bahay nito at kulang na lang ay magpasagasa? "Well, I am not like your other women. I swear! Hindi ako papayag na makasal sa iyo. May araw ka rin sa akin. Just wait and see, Yuan Zheng!"

Related Books

Popular novel hashtag