Shanaia Aira's Point of View
" Baby please wag namang ganito." pagmamakaawa niya sa akin.
" Gustuhin ko man ay wala na akong magagawa. So please pabayaan mo na ako." pagpupumiglas ko sa mahigpit nyang hawak sa mga kamay ko.
" May paraan pa. Nangako ka na you will stay, no matter what happens. " pagsusumamo pa niya. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Yumuko ako upang hindi niya makita na nagsisimula na ring tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
" Nagawa na nating lahat. Hindi ko gagawin ito para sa sarili ko kundi para sa inyong lahat. I'm sorry." pabigla kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tsaka na ako mabilis na tumalikod.
" No! Baby please. Nooooo!!!!"
" Aira! Hey Aira, wake up! " isang marahang tapik sa braso ko ang nagpagising ng tuluyan sa akin. Napailing ako ng sunod-sunod. Bumalik na naman.
" Are you dreaming again? Yun pa rin ba?" tanong niya. Tumango ako.
" Hindi ko alam kung bakit bumabalik ang eksenang yon ng paulit-ulit sa panaginip ko."
" Maybe it's your guilty conscience." turan niya.
" Ewan ko ba Dada, hindi ko alam kung tama ba ang mga naging desisyon ko noon. Para sa kaligtasan naman nilang lahat yung ginawa ko pero ang kapalit non, nasaktan ko siya ng husto. Siguro kaya laging bumabalik yung panaginip na yon kasi siguro galit na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon. " mataman siyang nakikinig sa akin pagkuwan ay bumuntung-hininga.
" It's been almost 4 years Aira. Siguro naman napatawad ka na nun. Ginawa mo lang naman ang sa inaakala mong tama. Kung bakit kasi pinutol mo ang communication mo sa kanilang lahat, hayan tuloy wala kang kaalam-alam kung naging tagumpay ba yang naging desisyon mo." wika pa niya.
" Malalaman din natin yan pag-uwi natin. Kaya siguro palagi kong napapanaginipan yun ay dahil na rin sa nalalapit nating pag-uwi. Kinakabahan kasi ako kung tatanggapin ba nila ako."
" Huwag kang mag-alala kami ang bahala sayo. Kapag hindi ka nila tinanggap, malaki naman ang bahay namin. Kasama mo pa rin kami. "
" Dada? "
" Hmm.?"
" Thank you for being there especially during those times when I have no one by my side. " sincere kong turan.
" Wala yon. Masaya akong nakasama kita, kayo. Sa loob ng halos apat na taon, kayo na ang naging sentro ng buhay ko. Marami kang binago sa akin Aira, lalo na nung dumating sila. " habang nagsasalita siya ay may mga narinig kaming maliliit na yabag na nagtatakbuhan papunta dito sa silid namin.
" Speaking of sila. Here they are. " natutuwang anunsyo niya. Wala pa ngang ilang segundo ng bumungad ang makukulit na nilalang sa aming silid.
" Mommy! Dada!" sabay pa nilang bulalas. Lumundag sa kandungan ko yung girl at sa kanya naman yung boy.
" Why are you two doing here? Where's your nanny? tanong ko sa dalawa. Actually kambal sila. Si Yella yung girl at si Shan yung boy. Three years old na sila ngayon at sobrang kulit na.
" Dada we want to go with you in the hospital. Please. " sabi ni Yella. Nag puppy eyes pa sa ama.
" Yes dada, we will not make kulit. So that you and mommy can work properly." segunda naman ni Shan. Kahit 3 years old pa lang sila, matatas na silang magsalita. Hindi kasi kami nag baby talk sa kanila kapag kausap namin sila.
" Alright. But promise you will not make kulit." sabi ko kay Shan, ginaya ko yung sinabi niya kanina.
" Yes po. Promise!" sabay pa silang nag promise sign.
" Let's go. Mag breakfast na tayo." niyaya ko na silang lumabas ng silid.
" Hay nako, hindi na naman ako makakatapos ng trabaho ko nyan panigurado." reklamo ni dada habang palabas kami ng silid. Karga niya si Shan.
" Dada, I promised you I will not make kulit nga po. " natatawa ako sa paraan niya ng pagsasalita ng Tagalog. Kahit paunti-unti ay natuto sila ng lenggwahe natin kahit na dito na sila pinanganak sa Canada.
" Okay son. I believe you." natatawang turan ni dada sa anak.
Mabilis na naming tinapos ang breakfast. Binihisan ko na ang kambal habang nagbibihis si dada. Nung matapos siya ay ako naman ang naligo at nagbihis.
Sinama namin ang yaya nila at yung dalawang kasambahay ang naiwan sa bahay. Mga malalayong kamag-anak ni dada ang mga ito na kinuha namin sa Pilipinas.
Pagdating sa hospital ay tuwang-tuwa ang kambal. Kilala sila ng mga doktor at lahat ng staff dito dahil part owner ang pamilya ni dada dito. Sa katabing med school ng hospital na ito ay doon ko tinapos ang medical course ko, sa ngayon ay isang taon na ako sa residency ko dito sa ospital na ito. Si dada ay isa sa may mataas na katungkulan sa ospital na ito. Dati siya ang nagma-manage ng pharmaceutical company nila sa US pero inilipat muli siya ng daddy niya dito at ang kuya naman niya ang nasa US ngayon.
Nagkita kami dito sa Canada almost four years ago. Noong mga panahon na sirang-sira ang buhay ko. Siya ang naging sandigan ko. Bumuo kami ng bagong buhay malayo sa magulong mundo ng showbusiness. Ang mundong pilit kong niyakap ngunit siya rin ang naging dahilan kung bakit nalayo ako sa mga taong minahal ko ng higit pa sa sarili ko.
Sa loob ng halos apat na taon, natagpuan kong muli ang sarili ko na hindi na gaanong nasasaktan yun ay dahil sa kanila.
Kay Yella, kay Shan at kay Jaytee.
Sila ang bagong buhay ko. Ang bagong simula ko.