Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Iba't Ibang Tula Ni Lencemary O'Dozen Jade

🇵🇭LenceMary
--
chs / week
--
NOT RATINGS
15.8k
Views
Synopsis
Iba't ibang klase ng tula, Halo-Halong mga likha. Minsa'y pinag-isipang maigi, Madalas naman basta mayroon lang mahabi. Kung inyong babasahin, Pasasalamat ang sa akin. Lagi nang panalangin, Huwag naman pong lalaitin.
VIEW MORE

Chapter 1 - 1 Guro: Walang Hindi Magagawa

I

Teacher, Ma'am, Guro

Mga katawagang ibinibigay mo

Sa taong araw-araw nagtuturo sa iyo

Ng mga aralin upang ikaw'y matuto.

II

Ngunit hindi lamang siya basta nagtuturo.

Ng mga alphabeto at numero.

Naisip mo kaya at napagtanto.

Na siya ay may ibang talento.

III

Siya ay isang arkitekto.

Magandang kapalaran mo'y kanyang pinaplano.

Tulad ng plano mong umasenso.

Maunlad na buhay hangad ng guro mo para sayo.

IV

Siya ay isang inhinyero.

Pinatitibay niya ang pundasyon mo.

Mga aralin ang iyong buhangin at bato.

At ang mga payo niya ang iyong semento.

V

Siya ay isang manggagamot.

Pinagagaling niya sakit mong pagkalimot.

Patuloy na pagtuturo at paalala ang sagot.

Nang sa kagipitan ika'y may kaalamang madudukot.

VI

Siya ay isang piloto.

Ililipad Ka niya sa pangarap mo.

Pakpak mo'y kanyang mga payo at aralin.

Kaya pangarap mo'y mataas man, maaabot din.

VII

Siya ay isang bangkero.

Kalaban niya'y alon ng ingay at daluyong ng mga pasaway.

Ngunit siya'y may sagwan upang maakarating ng matiwasay.

Sa pangpang ng iyong pagkatuto at pagkaalam.

VIII

Siya ay isang pulis.

Binabantayan niya ang iyong grado at estado.

Araw-araw kanyang sinisiguro.

Na mga aralin'y natutuna't isabuhay mo.

IX

Siya ay isang sundalo.

Araw-araw sumusuong sa giyera.

Sandata niya'y chalk at pisara.

Bala niya'y araling binabaon sa puso at isip.

X

Siya ay isang tindera.

Lahat ng paraan'y ginagawa niya.

Upang mga aralin sa inyo'y bumenta.

Laban sa mga tukso ng bisyo sa bangketa.

XI

Siya ay isang artista.

Entablado'y harap ng klase at tabi ng pisara.

Lahat ng aralin dapat itanghal ng wasto at tama.

Dahil di tulad ng pelikula, ang totoong buhay walang take two.

XII

Siya ay isang mang-aawit.

Kung hinihingi ng aralin'y kailangan bumirit.

Walang alinlangang siya'y kakanta at aawit.

Sintunado man at tenga niyo'y sumakit.

XIII

Siya ay isang mananayaw.

Sumasayaw sa inyong kaingayan.

Matigas man ang kanyang katawan.

Sasayaw siya't upang ikaw'y may matutunan.

XIV

Siya ay isang bumbero.

Pinapawi niya ang naglalagablab na apoy,

Nang pag-aalinlanga't kawalang pag-asa sa puso mo.

Gamit ang tubig na puno ng pagmamahal at pag-asa.

XV

Siya ay isang mambabasa.

Nababasa niya ang iyong kilos at ginagawa.

Kaya alam niya kung ano ang kulang pa,

Upang ika'y mapabuti't magkamit ng gantimpala.

XVI

Siya ay isang detektib.

Mga clue at senyales sinusuri ng lubos

Kung mga aralin'y natutuna't natalos

O nangopya sa katabi na parang palos.

XVII

Siya rin naman ay isang ama at ina.

Sa paaralang pangalawang tahanan mo na.

Sa iyo'y may pagsuyo't pagmamahal Ni Nanay.

Nagbibigay ng lakas at tatag ng katulad ni Tatay.

XVIII

At higit sa lahat, siya ay isang tao.

Tratuhin mo siya nang may paggalang at respeto.

Kung may reklamo, pag-usapan ng mahinahon mga binibini, ginang at ginoo.

Sila'y may mga damdamin din naman, puso nila'y hindi bato.

XIX

Guro - Walang Hindi magagawa.

Kakayanin lahat para sa kapakanan mo.

Di bale nang maliit ang kanyang sweldo,

Basta ba pagkatapos ng klase, bigyan mo ng matamis na ngiti at simpleng "Thank you".

-Isang tula para sa mga guro