Chereads / Iba't Ibang Tula Ni Lencemary O'Dozen Jade / Chapter 2 - 2. Gat. Andres Bonifacio

Chapter 2 - 2. Gat. Andres Bonifacio

I.

Sa gitna nang abang

kalagayan ng Tondo.

Isinilang ang batang

Sa bansa ay babago.

II.

Anak ng mamamangkang

Si Santiago Bonifacio.

At ng superbisorang

Si Catalina De Castro.

III.

Hindi naging hadlang

Itong kahirapan.

Upang mag-aral

At magsikap sa buhay.

IV.

Naulila nang maaga

Itong ating bayani.

Itinaguyod ang mga kapatid

Ng walang pag-aatubili.

V.

Sa umaga, nagbebenta

Ng sombrero, baston, pamaypay.

Sa gabi, sa pagggawa

Mga kapatid ang kaagapay.

VI.

Natigil man sa pag-aaral

Dulot nitong kahirapan.

Subalit hindi naging hadlang upang mag-aral

Nitong politika at panitikan.

VII.

Nabuhay ang diwang Pagkamakabayan.

Ng mabasa at malaman

Mga nobela ni Rizal.

VIII.

Walang pag-aatubili

At handang lumaban.

Upang makamtan

Itong kalayaan.

IX.

Nanguna sa paghihimagsik

Sa Sigaw sa Balintawak.

Hindi nag-atubiling humawak ng tabak.

Maski man ito ay kanyang ikapahamak.

X.

Lumaban, umasa

Kasama ang kanyang asawa.

Ang lakambini ng katipunan.

Ang matapang na si Gregoria.

XI.

Upang mapalakas itong kanilang pwersa.

Magdalo at Magdiwang ay naging isa.

Subalit nabigo at doon sa Bundok Buntis.

Buhay niya'y pataksil na inamis.

XII.

Dangal ng ating bayan.

Huwaran sa kabayanihan.

Si Gat. Andres Bonifacio

Na ama ng katipunan.