Chereads / Warpeace / Chapter 1 - The Surge

Warpeace

🇵🇭kuyadiy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - The Surge

Aliwang-wang ng putok ng baril at sabog ng bomba ang tanging bumabasag sa katahimikan ng gabi. Balot ng takot ang bawat isa dahil sa gulo na nangyayari. Nagdeklara na rin ng Martial Law ang gobyerno ng Pilipinas, dahil sa banta sa siguridad. Libu-libong mga sundalo ang nakabantay sa bawat kalye upang protektahan ang mga mamamayan. Marami na rin ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa labanan. Marami na rin ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Tanging luha na lamang na pumatak sa bawat lupa ang naiwang alaala sa bawat taong nasawi. Pilit kong pinipikit ang aking mga mata upang dalawin ng antok at makapagpahinga, ngunit tila puno ng pag-aalala at pananabik sa aking pamilya ang aking nararamdaman. Takot at pangamba na baka bukas huling araw ko na at di ko na sila makita.

2 DAYS EARLIER

"Kuya, gumising ka na daw at kumain sabi ni Mama.", tawag ng maliit na boses ng aking nakababatang kapatid na babae.

Bumangon ako na parang ang bigat bigat ng aking katawan. Bigla kong naalala na 3 AM na pala ako nakatulog.

"Anong oras na ba?", aking malumanay na tanong.

"Alas syete na, tanghali na Marcus. Mukha atang wala kang pasok ngayon!", pagalit na sigaw ni mama.

Bigla akong natauhan sa kanyang sinabi. Unang araw ko nga pala sa trabaho.

"Mama, bakit ngayon nyo lang ako ginising, Alas syete ang pasok ko sa trabaho!", aking naiinis na tugon sa kanya.

"Aba! Kasalanan ko bang mapuyat ka dahil sa kalalaro ng baril barilang yan sa computer?", pagalit na sagot nya sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo, at hindi na nakipagtalo dahil powerful masyado si mama. Nagmadaling na lang akong nag-ayos ng sarili. 7:30 AM na ng makarating ako sa building ng aking trabaho, ngunit nagtataka ako na sarado ang building at walang tao sa paligid. Hindi ko na napansin dahil sa aking pagmamadali, hindi rin naman ako nagsakay papasok dahil malapit lang naman ito sa aming bahay. Nagbukas ako ng messenger para makapagtanong ako kung anong nangyari. Nang buksan ko ang data connection ko nagpop up sakin ang maraming messages, kasabay nito ang sunod sunod na pagdaan ng mga helicopter ng hukbong panghimpapawid. Hindi ko na nagawang magbasa ng messages sa messenger sa labis na pagtataka. Patakbo akong umuwi sa bahay, nasa daan pa lang ako ng biglang tumawag si mama.

"Marcus, anak nasaan ka na? Umuwi ka na! Bilisan mo!", nagaalalang sabi ni mama.

"Pauwi na ako mama, nasa daan na ako. Eto na tumatakbo na pauwi. Ano bang nangyayari?" aking nagtatakang tanong.

"Umuwi ka na lang. Dito ko na lamang sasabihin sayo.", kanyang tugon.

Dumating ako sa bahay na pawisang pawisan. Parang matatanggal na ang puso ko sa pagod at kaba kung anong nangyayari. Pagbukas ko ng pinto nakatayo silang lahat sa harapan ng T.V. na nanunuod ng balita. Niyakap agad ako ni papa ng mahigpit, habang umiiyak naman si mama. Wala namang reaksyon ang aking nakababatang kapatid na tila nagtataka din sa nangyayari.

"Anak, kagabi nagdeklara ang ating gobyerno ng martial law at lahat ng nagROTC noong college ay tinatawagan to join the army.", malungkot na sabi ni papa.

Nagtataka ako kung bakit hindi ko nabalitaan dahil hanggang 3AM akong gising. Naalala ko na hindi nga pala ako tumingin sa messenger ko, dumeretso na ako ng tulog after ko maglaro.

"Ano papa? Totoo ba yan? Baka pinaprank nyo lang ako huh?", aking tugon.

Masyado ata akong madaming napanood na prank this past few weeks.

"Anak, hindi kita binibiro. Take this seriously. Ayaw naming ng iyong mama na umalis ka ngunit palilikasin din tayo ng gobyerno at papupuntahin sa safe na lugar. Lahat ng mga kalalakihan na may kakayanan pang lumaban para sa bansa ay kanila ring haharangin at dadalhin sa kampo kahit nagtake ka man ng ROTC or hindi.", malinaw na sabi ni papa.

"Teka teka, ano bang nangyayari?" aking tanong.

"Sabi sa balita my banta sa siguridad ang bansa, may libo libong terorista ang dumating sa southern part ng bansa.", sabi ni papa.

"Tunay ba yan? Baka naman O.A. lang ang balita Papa. Libo libo? Seriously?", aking tanong.

"Maaring ayaw ng media na ilabas kung gaano kadami ang terorista na dumaong sa pangpang ngunit para seryosohin ng mga tao kanila na ring inilabas.", sagot ni papa.

Napagdesisyunan naming maghanda at makinig sa mga susunod na anunsyo ng gobyerno. Habang nagaayos kami ng gamit hindi pa din nagsisink in sa isip ko ang mga nangyayari. Magstart pa lang ako magtrabaho, 21 years old pa lang ako, madami pa akong pangarap.

"Is this for real?", salitang umiikot sa isip ko.

"Ang lahat ay pinapalikas na, marapat lamang na maghanda ang bawat isa. Ang bawat lalaking may kakayanang lumaban ay sumakay sa sasasakyang dala ng ating AFP upang madala sa training camp at ang ibang myembro ng pamilya ay sumakay sa bus na magdadala sa inyo sa masligtas na lugar.", anunsyo ng sasakyan sa labas.

Maluha luha akong nagpaalam sa aking pamilya. Di ko alam kung makikita pa nila ako ng buhay o makikita ko pa sila. Niyakap nila ako bago kami maghiwalay. Ayaw pa ngang bumitaw ng aking nakababatang kapatid na si Zoe, dahil alam nya na matagal ako bago muli kami magkikita. Pinipigil kong hindi umiyak upang hindi na ito makadagdag sa bigat na kanilang nararamdaman.

"Zoe, aalis lang si kuya saglit. Ano bang pasalubong ang gusto mo?", maluha-luha kong tanong sa kanya.

"Isang bulaklak lang, kuya Marcus. Yung kulay yellow.", naiyak na sabi nya sakin.

Mahilig kasi sya sa sunflower.

"Yun lang pala. Papasalubungan kita ng madaming madaming sunflower. Tahan na. Huwag ng umiyak.", nakangiti kong tugon sa kanya.

"Basta Kuya babalik ka ha? Pinkie promise?", kanyang naluhang tinig.

Ayaw ko sanang mangako dahil hindi lahat ng pangako natutupad. Ngunit para sa kanya, sa munti kong prinsesa.

"Oo, babalik ang Kuya. Promise. Si Superman kaya to.", masigla kong sagot.

Bumitaw din sya sa mahigpit na pagkakahawak sa akin. Tumalikod ako sa kanila at sumakay ng sasakyang pangdigma ng AFP. Durog na durog ang puso ko na iwan ang pamilya ko na umiiyak. I don't know what to do, what to feel dahil sila ung kasama ko sa simula. Bumuhos ang luha ko habang umaandar ang sasakyan. Ang araw na dapat kasiyahan sa aking unang araw sa trabaho ay nabalot ng lungkot. Hindi ko alam kung anong nag-aabang sa akin sa mga susunod na araw.