Chereads / ReD:Zombie Apocalypse / Chapter 3 - Chapter 2 : San Pedro

Chapter 3 - Chapter 2 : San Pedro

March 4 20++

Day of the apocalypse

10:00am

Naglalakihang sangay ng mga puno na para bang poste sa laki at tibay nito, mga dahon pa na mala crystal sa kintab pag ito'y nasisikatan ni amang araw,  mga bunga nitong berdeng-berde at ang amoy nito na nakakapang lunok laway sa asim.

Ito at iba pang punong kahoy ang makikita sa isa sa mga brgy. ng bayan ng San Pedro.

Isang masagana at mapayapang bayan ang bayan ng San Pedro, masasabing masagana ang bayan na ito, dahil sa kadahilang ito ay ang sentro ng isang probinsya.

Kilala din ang bayan ng San Pedro sa kanilang naiibang istaktura ng kanilang lugar, dahil ang bayan na ito ay nasa napakalaking bundok , ang kaibahan lang nito sa ibang bundok ay ang sliced na bahagi nito , na para bang isina-sliced ng isang higanteng kutsilyo ang ibabaw na bahagi ng bundok na isa nang napakalawak na patag , at ang nakakagulat pa nito ay ang mga napaka-kapal na mga punong kahoy sa patag na lugar na ito

Sa paanan naman ng bundok ay makikita ang para bang dagat sa lawak na Rice Fields ng mga magsasaka.

At kung ikaw ma'y nasa tuktok ng bundok na ito, na isa ng patag , ma-mamangha ka sa ganda at sa sariwa ng simoy ng hangin dito na para bang binubugahan ka ng hangin ni inang kalikasan at kung pupunta ka naman sa south side ng bundok ibang hangin naman ang malalanghap mo.

Isang mainit-init na hangin at ang nakakabighaning tunog ng mga naglalakihang alon ni amang dagat naman ang madadatnan mo.

Sa Dagat na ito rin kumukuha ng naglalakihan at napakasariwang isda ang mga mangingisda sa bayan na ito.

Sa katawan naman ng bundok makikita mo ang mga naghihigantehang gusali, mga mall , mga bahay aliwan , mga nagagandahang bahay, mga taong di maubos ubos sa dami at iba pang mga establemyento na makikita sa maangat na bayan .

At kahit pa man sa oras ng pagtago ni amang araw ay di mawawala ang sigla at saya sa lugar na ito , Mga nag gagandahang ilaw ng mga bahay at sasakyan rin ang makikita mo.

Masasabing sa parte ng bundok na ito ang sentro ng bayan kung saan naninirahan ang mga maykaya o mayayamang pamilya.

Sa lugar na ito din napaparoon ang paaralan na pinag-aaralan nila ReD.

Sa kasamaang palad isang nakakagimbalang kalamidad ang naganap sa bayan na ito. Isang mapatindig balahibong pagsabog ang nangyari sa mga kagubatan nito, na naging dahilan ng napakalaking sunog na naganap sa tuktok ng bundok .

Kung ano man ang dahilan ng malakas na pagsabog na ito, ay masasabing isang napakalaking misteryo sapagkat lahat ng mga bombero,pulis at mga volunteer na nagtungo sa lugar ng pagsabog ay di na nakakabalik.

At ang nakakapagtaka pa nito ay ang pagka biglang pagwala ng sunog sa lugar na iyon.

--

Day if the apocalypse

8:00am(same day)

Nang matapos magbiruan at mabangayan ang dalawang mag pinsan sa locker room, ay naghiwalay na sila at tumungo sa kani-kanilang silid aralan

Magka-iba'ng building kasi ang silid aralan ng mag pinsan sapagkat magka-iba ang kanilang department .

At dahil nga din iskolar ang mag pinsan sa ibat-ibang sangay ng edukasyon , Nasa magkaibang building din ang magpinsan . Si Red ay nasa DOST building na nasa timog na bahagi nang paaralan , at si Ryan naman ay DOSA building na sa hilagang bahagi nang paaralan .

At dahil din nasa locker room silang dalawa na nasa gitnang bahagi nang paaralan, kailangan talaga nilang maghiwalay para makapunta sa kani-kanilang silid aralan.

Sa paaralan kasi na ito ay may apat na magkaibang department for high school .

Ang mga department na ito ay ang Department of Science and Technology (DOST) na nasa timog na bahagi ng paaralan , Department of Basic Education (DOBE) nasa silangang bahagi naman , Department of Sports and Arts(DOSA) nasa hilagang bahagi naman , at ang Home Economics and Livelihood Education(HELE) na nasa kanlurang bahagi naman

Napapalagay naman sa gitna ng paaralan ang Principal Office, Locker Room, School Ground, Parks, Main Gym, Main Cafeteria at iba pang mga rooms na kailangan ng lahat ng estudyante na wala sa kani-kanilang department.

--

Nang makarating na si Red sa paanan ng building nila ay huminto muna siya at huminga ng malalim at sabay bulong sa sarili

"New Day, New Struggle nanaman! Hahahaixt!! , Ilang months nalang at ga-graduate ka na sa high school na ito ReD ! , kunting tiis nalang Red kunting tiis nalang ! " matapos niyang mabolong ang lahat na iyon ay ngumiti siya at sabay itinaas ang kaniyang kanang kamao at sumigaw ng

"Kaya Ko To !!"

Nang matapos nya gawin iyon ay lalakad na sana sya ng biglang may umakbay sa kanyang balikat at may ibinulong sa tenga nya

"Dapat ka na talagang ipadala sa mental Red, Para ka nang si Darna , kulang nalang ay lumunok ka ng bato at sumigaw ng Darna ! Tskk! Tskk! " sabay iling sa ulo na para bang ang laki ng problema niya

Nang marinig ni Red ang sinabi ng binatang umakbay niya ay nawala ang ngiti niya at natulala ng isang segundo

Nang mahimasmasan na siya ay napasigaw siya at napasabi ng

"Ay! Tae!" sabay lingon sa umakbay sa kanya

"Ka naman Nonie! Bat ang hilig hilig nyong manggulat! " sigaw ni Red sa umakbay sa kanya

"At at at anong Darna Darna ang pinagsasabi mo? May pailing-iling ka pang nalalaman jan!! " pulang-pulang mukhang bulyat ni ReD kay Nonie nang napatanto niya ang ginawa niyang pagsigaw kanina

"Wag ka nang magtanong jan Red , Tskk, Tssk,  Tara na Red at haharapin pa natin ang ating kinabukasan! " sabay lakad ni Nonie papunta sa hallway ng building habang iniiling iling pa niya ang kaniyang ulo.

Napahingang malalim nalang ulit si Red para mahimasmasan sa kalokohang nagawa at nang mahimasmasan na siya ay bahagya siyang ngumiti at hinabol ang nakasalaming matabang binata na nakasuot ng pastor liked polo (pastor liked which is yung nakasirado lahat ng butones sa polo) at black pants.

"Hoy Nonie! Hintay! sigaw ni Red sa kaibigan

Nang maabutan ni Red ang kanyang kaibigan ay inakbayan niya ito. At sabay sabing

"May pa harap-harapin ang kinabukasan kapang nalalaman ehh, ang hagdan lang naman ang tinutukoy mo.  Hahahaha! " sabay takbo sa hagdanan ng building habang tumatawa.

Nasabi ni Red iyon dahil sa kadahilang malaki talaga ang Building ng department ng DOST sapagkat may 5 floors ito maliban sa rooftop, every floor ay may benteng (20) silid aralan kwadrado (kwadrado means na square shaped ang building kung titignan ito via top view, 5 rooms every sides) maliban sa ground floor na napaparoon ang cafeteria , library at iba pang teachers room.

Hingal na hingal nakarating si Red sa kanilang silid aralan, ikaw ba naman di kba hihingalin kakatakbo sa isang 5 floor building? ay umupo na siya sa kaniyang upuan at hinintay ang kaibigang iniwanan niya kanina.

Makalipas ng ilang sandali ay nakita niya na si Nonie pa-papasok sa kanilang silid aralan .

"Ohh ano Nonie? Kumusta ang kinabukasan mo ? Hahaha!  Tawang-tawang tanong Red sa kaibigang kakaupo lang sa upuan niya.

"Edi ayun..... " sasagot na sana si Nonie nang biglang may sumapaw sa sasabihin niya.

"Hala?  Nonie?  Kakacr mo lang pala?  Kaya pala ambaho ! ! Guys guys kaya pala ambaho kasi kakacr lang ni Nonie ewww yuucks!" biglang sabat ng isang matangkad na binatang singkit ang mga mata

Nang marinig ng mga kaklase nila ang sinabi ng binata, naiba ang tingin ng mga studyante kay Nonie, may halong inis at pandidiri ang makikita mo.

"Ahh hindi totoo yung sinabi ni Norul ! Kakarating ko nga lang rito ga... " napatayong sagot naman ni Nonie ng ma sense nya ang tingin ng mga kaklase ngunit di pa rin niya naitapos ng sumabat na naman si Norul.

"Okay lang yan, Nonie, May mga oras talagang di natin mapipigilan ang kinabukasan,." tinapik tapik pa niya ang balikat ni Nonie na parang nagsasabing okay lang yan i feel you,  habang sinapawan ang sasabihin ni Nonie sa mga kaklase.

Nang marinig ni Nonie ang sinabi Norul, ay umupo nalang ito at tumahimik nalang, bakas sa mukha nito ang pagkatalo sa kanilang alitan. Habang si Norul naman ay pasimpleng kumindat at ngumiti sa kaibigang nasa gilid nakikinig.

Habang nangyayari ang lahat na ito ay nasa gilid lang si Red , na namumula na ang mukha sa kakapigil sa pagtawa. Lalo na nang makita niya sa Norul na kumindat sa kanya.

Sa paaralang ito ay may dalawang kaibigan lang si Red at ito ay sina Nonie at Norul, kaya nung kumindat sa kanya si Norul , napagtanto niya na pinag tri-tripan lang ni Norul ang kaibigan.

Laging gulat nga din niya nang kumindat ito sa kanya, kasi alam niyang si Norul ay ang seryoso at tahimik na klase ng tao.

Na kabaliktaran naman sa kaibigan niyang si Nonie na isang palabiro at ma-ingay na klase ng tao.