Chereads / ReD:Zombie Apocalypse / Chapter 5 - Chapter 4 : Apocalypse

Chapter 5 - Chapter 4 : Apocalypse

March 4 20++

10:00am

Naglalakihan at nakakataas balahibong usok na para bang dragon na kinakain ang sikat ni amang araw at ang nagbabagang ipo-ipo ng apoy ang makikita sa gitna ng mga makakapal na punong kahoy sa gubat ng bayan ng San Pedro.

Sa labas naman ng gubat na ito makikita ang mga naglalakihang sasakyan, may sampung fire trucks ,dalawang ambulansya, tatlong police cars at dalawang goverment bus at iba pang makabagong gamit, sa tabi naman ng mga sasakyan na ito makikita ang mga bumbero,pulis at iba pang volunteers na parang bang mga bubuyog na nagsisigawan at nagbabangayan kung ano ang gagawin nila.

"Sa kanan tayo! Bilisan niyo habang di pa nauubos ang punong kahoy doon!! !"

"Hindi!! Dun tayo sa kaliwa doon naninirahan ang mga residente dito!! "

"Ano ba ang uunahin natin! Ang gubat ba o ang mga residente!! "

Ito at iba pang bangayan at sigawan ang maririnig kumpulan ng mga tao dito sa kadahilanang pinapunta agad sila sa lugar na ito ng walang utos kung ano ang unang gagawin.

"Okay magsikinig kayo!" biglang sigaw ng isang lalaking na nasa edad na forties na nakasuot ng hard hat at may hawak hawak itong isang blue print na plano.

Dahil sa pagsigaw ng lalaki , napukaw ang atensyon ng lahat at napahinto sa kanilang mga ginagawa. Nang makita na niya na napunta na ang atensyon sa kanya, agad-agad niyang binuksan ang blue print na hawak-hawak niya.

"Ang main priority natin dito ay protektahan ang mga residenteng nakatira malapit sa gubat, kaya papalibutan ng mga bumbero ang gubat na ito para puksain ang apoy, at para maconfined na din ang sunog at di na ma-apektuhan ang mga residente." habang tinuturo-turo niya ang lugar na nasa blueprint na.

"Ang mga pulis at volunteers naman ay pupunta sa brgy. ng mga residente para ilikas ang mga residenteng nakatira doon sa malapit na paaralan dito....at ito ang St. Peter High!"

Nang marinig ng nila ang sinabi ng lalaki ay nagsitinginan nalang ito sa isa't-isa, kita sa mga mukha nila ang gulat at pag-alala sapagkat alam nila pribadong paaralan ang St. Peter High at isa pa halos lahat ng mga mag-aaral dun ay mga mayayaman.

"Wag kayong mag-alala kasi nasabihan na namin ang nag mamay-ari ng paaralan na si Mr. Guevera ukol dito, sumang-ayon naman itong magpahiram ng isa sa mga gym nila." dagdag pa nito ng makita niya ang mga mukha ng mga mangagawa .

Nang marinig nila ito ay di na sila naghintay ng hudyat ng lalaking nagsalita at ginawa nila agad ang mga naka assign na trabahong gagawin nila.

Agad agad na nagsimula ang mga bumbero puksain ang nakakakilabot na apoy gamit ang mga makabago nilang kagamitan, pinalibutan nila ang gubat at binumbahan ng tubig ang mga nasusunog na punong kahoy.

Nilikas naman ng mga pulis ang mga residente sa nasabing lugar katulong nila ang mga volunteer patungo sa evacuation center na ang St. Peter High gamit ang dalawang bus.

Dahil sa koordinasyong ipinakita ng mga manggagawa inaasahang pulido at perpekto ang nagawang respondi ng gobyerno sa sunog na ito sapagkat may mga makabagong kagamitan rin ang mga ito.

--

Sa isang sulok ng gubat makikita ang 5 taong na may pinupuksang apoy

" Ken! Vid! Pabagsakin niyo ang mga puno'ng malapit sa nasusunog na lugar, gamitin niyo ang *Scorpio!"

(*Isang controlled robot na may 6meters ang laki na may pang dalawahang compartment na parang scorpion na may dalawang malaking pincers na siyang ginagamit sa pagputol ng punong kahoy at ang buntot naman nito ay ang nagbubuga ng tubig)

Nang narinig nila ang utos lider nila ay, dali-dali nilang pinatay ang firehose at tumungo na papunta sa Scorpio.

"Yes! Haha! Magagamit ko na din ang baby ko Haha!" -nasasabik na sigaw ng isang binata ng maimaneho na niya ang scorpio

"Dan! palitan mo muna si John sa pagkontrol ng *RA-04 at John halika muna dito! " utos ng isang lalaking nasa 40+ na ang edad na nakasuot ng isang firefighter suit sa isang binatang na may hawak ding firehose habang patuloy parin niya pinapatay ang apoy

(*Isang controlled na makina na may 1 and half meters ang laki na may isang half meter fan na nakapaloob sa isang malaking tube na nagsisilbing daanan ng tubig na nakakonekta sa fire truck, at bumubuga ito ng 1200 litro ng tubig kada minuto.)

"Yes Sir! - sagot naman ng binatang si John, na pa ika-ika namang pumunta sa RA-04, kita sa mukha nito ang maputla mukha na para bang may iniindang sakit

-

"John! Ano ba ang ginagawa mo ! Sayang ang tubig na nagagamit ng RA-04 ! Bulag kaba! Wala kang pinapatamaang apoy!! at..... " sigaw ng lider nila sa namumutlang binata.

Di na niya nabigkas ang sunod na sasabihin niya sapagkat biglang natumba ang binatang nag ngangalang John sa kinatatayuan niya!

"Ahh sh*t! Ta*nang batang ito!" sabay lapit sa kamay niya sa bibig niya na may isang makabagong relo na ginagamit pag may emergency lamang.

"Com'in! Com'in! Delta 1 here! We've got a situation here! over"

"Yes ! Delta 1 what's your situation there! over "

"Nahimatay ang isang kasamahan namin kailangan namin ng medical assistant para kunin siya! over"

"Yes! Please keep your watch on for the coordinates over."

"Yes over! out!"

Nang matapos niyang humingi ng tulong ay tumakbo agad siya papunta kay john at binuhat ito pabalik sa firetruck , nang matapos niyang gawin iyon ay dali-dali siyang pumunta sa RA-04 para gamitin ito. Gagamitin na sana niya ng matuklasan niyang wala na itong tubig.

"F*ck!" kinuha niya ang isa pang firehose sa likod ng RA-04 at dali-daling pumunta sa fire truck para ikabit ito.

Papalapit na sana siya sa fire truck ng makita niya ang kasamahan niyang bigla naginginig, na para bang nakuryente. Nagulat siya sa nakita niya at dali dali niya itong nilapitan.

Di niya akalain ng malapit na siya sa kasamahan niya ay bigla itong huminto na para bang patay na naninigas, nang manigas na ito, di pa umabot ng 3 segundo ay gumalaw ang mga mata nito, unti-unting ibinuka nito ang kanyang mga mata, nang maibuka na niya ang mata nito, makikita mo na iba na ang kulay ng mga mata nito, naging kulay dugo na ito nakakapandig balahibo, at makita siya nito ay bigla itong ngumisi sa kanya.

Dahil sa nakita niya ay napahinto siya sa gulat at takot

Dahan-dahan namang bumagon ang kasaman niya habang nakatitig parin sa kanya ang kulay dugo nitong mata. Kita sa mukha ng kasamahan niya ang kabaliwan at ang kanaisang pumatay nito. Nang tuluyan na itong makatayo ay inistretch pa muna nito ang leeg nito at biglang tumakbo na para bang cheetah sa bilis papunta sa nakatayong kasamahan.

Nang makita ng lalaking napahinto sa takot si john na tumatakbo papunta sa kanya ay inikot pa sana niya ang katawan niya para makatakbo palayo. Nang mahawakan ni john ang katawan nito gamit ang matutulis niyang kuku.

Napasigaw na lang sa sakit ang lalaki habang kinakagat ni john ang dibdib nito gamit ang matutulis nitong ngipin.

"Ahhhhhhhhhhh!!! "

Dahil sa sigaw ng lider nila ay napahinto ang ibang kasamahan ni john at tiningnan kung ano ang nangyari sa lider nila, habang si Ken at Vid naman ay ipinatay muna at lumabas sa Scorpio

"John!! Anong ginagawa mo!!"sigaw ni Dan na siyang unang nakakita sa ginawa ni John sa lider nila.

Nang marinig ni John ang sigaw ni Dan ay inilingon niya ang ulo niya na may halong dugo kasama pa nito ang pulang mata nito kay Dan. At tulad sa ginawa niya sa lider nila, bigla itong tumakbo papunta kay Dan dala nito ang bagsik at kana-isang kumain pa ng karne ng tao.

Iba sa ginawa ng lider nila, Dali-daling kinuha ni Dan ang axe niya na nakasabit sa pantalon nito at inihanda ang sarili sa papalapit na halimaw. Taliwas sa ibang gumagamit ng axe, ibinaba niya ang Axe niya habang mahigpit niya itong hinawakan ng kisang kamay niya at inilayo sa katawan niya at huminga ng malalim

Nang makalapit na ang halimaw na si John, biglang inihampas ni Dan sa katawan ni John ang axe at dahil dun ay halos mahati ang katawan ni John na nakahandulusay sa lupa.

Nang makita ni Dan ang nagawang pinsala sa pagkahampas niya ay napabuntong hininga siya at binitawan ang axe na hawak hawak niya sa pagkaka akalang napatay na niya ang halimaw

Nang bigla itong gumalaw at kinagat ang paa niya , napasigaw nalang siya sakit at napatumba ng aakmang hugutin niya ang kinagat na paa.

Nang matumba siya ay di siya sumuko at sinipa-sipa niya ang mukha ng halimaw na si John habang sinusubukan hanapin ang kaniyang axe.

Nang makalabas na ang dalawa sa Scorpio, nakita agad nila ang nangyari kay Dan, akmang tutulong na sana sila nang makita nila ang lider nila naging halimaw na rin at tumatakbong papunta kay Dan, Dahil sa takot na din ay dali-daling silang pumasok ulit sa scorpio.

Habang si Dan naman ay kinakapa-kapa pa rin ang axe para magamit pampatay sa halimaw na patuloy pa ring kumakain sa paa niya. sa kakapa niya ay sa wakas ay nakapa na niya na rin ito. Aakmang ihampas na niya ito ay may narinig siyang tunog.

At dahil na rin na nasa lupa ang tenga niya ay may narinig siyang tunog, tunog na may parating sa kanya, at dahil din sa tunog na iyon ay inilingon ni Dan ang ulo niya sa tunog na naririnig niya, nang maiilingon na niya ito ay bumulagta sa kanya ang isang tumutulong laway at namumutlang dila.

At dahil dun ay di na magawang sumigaw ni Dan dahil biglang kinagat ng lider niya ang mukha nito at binawian na ito ng buhay.

Nang makapasok na din sina Kin at Vid sa Scorpio ay dali-dali nila itong pina-andar.

Lingid sa kaalaman nila, nung lumabas sila ay di nila nailagay ang trosong hinawak-hawakan ng scorpio at dahil dun ay naabutan at nasunog ang trosong hinahawakan ng scorpio.

Kaya nang ipina-andar nila ang Scorpio ay nag over heat ito at sumabog.

Nang sumabog ang Scorpio ay napatalsik din ang katawan ni Dan kasama ang dalawang halimaw.

Dahil sa lakas ng pagkasabog ay gumawa ito ng malaking crater, Sa di kalayuan ay may biglang gumalaw na lupa, sa lupa na ito ay may biglang lumabas na kamay, nang makalabas na ang taong natabunan ay may sumisinghot-singhot pa ito, nang may masinghot na ito ay bigla nalang itong tumakbo papalayo para maghanap ng ibang bibiktimahin , Sa di kalayuan naman ay may isang kalahating katawan na si john na pilit na gumagapang papunta sa lugar na nasusunog kasama nito ang walang mukha na si Dan.

Ito at iba pang kaparehong kaganapan ang naganap sa ibat ibang bahagi ng gubat .

Lalo na sa lugar ng mga residente kung saan makikita at maririnig ang iyakan at sigaw ng mga residente.

--

Sa isa sa mga goverment bus na nakaligtas sa malagim na nangyari sa kagubatan ay tahimik na nakaupo ang mga survivor,kita sa mga mukha nila ang lungkot,galit at saya sa nalagpasang pagsubok sa buhay nila.

Sa isang sulok ng bus na ito nakaupo ang isang payat na bata na para bang may iniindang sakit sa katawan katabi nito ang magulang nito na nakayakap sa bata na para bang itinatago niya ito sa higpit ng pagkakayakap

"Okay! Ihanda ang mga Residential Cards ninyo! Ito ang gagamitin ninyo pag may dumating tulong galing sa gobyerno o sa mga pribadong organisasyon, kaya ingatan ninyo iyon."

"Atsaka pala! Sa St. Peter High ang evacuation center ninyo kaya please please wag kayong magkalat o maglakwatsa doon!