The beautiful music of the rain drops echoed in the ears of every Lewsiville people. Some of villagers are in their house protecting their self from the bad weather, they are making soup and hot coffee or choco to get eas with the cold temperature, but some of them are outside-working, even tho there's a bad weather they are still doing their jobs for them to have money to buy foods for them and for their family.
In the orphanage, the children are in front of the chimney for them not to feel cold because of the weather, all of them are in their thick clothes to lessen the cold also. Even tho they can't play outside they are still happy in the front of the fire while a woman that's in her 60s is reading them some story.
But not all are listening, may isang batang babae ang nasa harapan ng binata, halata sa nukha nito ang kalungkutan at pag-aalala.
"Asan na kaya si ate?" tanong nito sa sarili. May lumapit sa kaniyang hindi ganun katandaang babae, she's in her long skirt na hindi lalagapas sa kaniyang paa and a shirt with lng sleeves.
"Laura, dun ka na muna sa malamit sa apoy para hindi ka lamigin." sabi ng nag-aalalang babae. Tinignan siya ng bata na may lungkot sa mga mata nito.
"Pero wala pa po si ate, gusto ko siyang hinatyin."
"Uuwi din ang ate mo, Laura. Ang kailangan mo lang na gawin ay mag hinaty. Sumama ka muna sa ibang bata at makinig sa kwento ng Lola Pia niyo, para hindi mag-alala ang ate mo kapag nag ka sipon ka." pag kukumbinsi ng babae sa dalaga. Yumuko anag bata dahil sa dissapointment na naramdaman nito.
"Opo, Ms.Tin." umalis na ang bata at sumama sa mga bata din na nakikinig sa kwneto ng matanda. Naiwan naman ang babae at naka tingin ito sa mga bata.
"Sana nasa maayos kang kalagayan. Lily."
"ACHOOO!" biglang bahing ng isang ababe, naka silong ito ngayon sa isang malaking puno habang hinhintay sa pag tila ng ulan, habang ang mga halimaw na knayang mga napatay ay nasa ilalim ng kaniyang punong pinag papahingahan.
Ilang araw na din siyang nag huhunting sa gubat ng mga halimaw, mas maraming halimaw na mapapatay mas maraming pera ang kaniyang makukuha. Kaya talagang nag lagi siya ng ilang araw sa gubat para makapag hunting, mas maganda kung maka hanap siyaa ng mas malaki at mas magandang kalse o mas malas na halimaw dahil mas malaking pera ang makukuha niya, pero sa ngayon ay mga maliliit at mahihinang halimaw lamang ang kaniyang naka sagupaan.
Iniisip ng dalaga na umuwi na kapag tumila na ang ulan, marami rami naman din ang napatay at na huli niya, sasapat na yun para sa ilang linggong pang bili ng makakain
Hawak hawak ng dalaga ang kaniyang dagger at piang lalaruan ito. Paunti unti nang tumitila ang ulan, ihahanda na sana niya ang kaniyang sarili para umlis ng bigla siyang napatigil sa kakaibang kaluskos, sa ibaba naman ng puno ang mga halimaw na hindi niya pinatay ay bigla nalamang umuungol na para bang may sibasabi ang mga ito. Biglang naging alerto ang dalaga, inihanda niya ang kaniyang pana at itunutok ito sa pinag gagalingan ng kaluskos.
Walang mababakas na kahit anong takot sa mukha ng dala, kahit na ang mga halimaw sa babay ay mga takot at nag wawala. Ilang sandali pa ay biglang bumalaga sa kanila ang isang napaka laking halimaw-tatlo ang mata nito at baluktot ang likod nito may mga matutulis na ngipin at lumalaway ito ng berding likido na masang sang ang amoy, kakaiba din ang balat nito dahil kulay lila at parang may mga lumalabas na kung anong parang uudod sa katawan nito para sa mga hindi sanay na makakita ng ganitong halimaw ay talagang maduduwal sa masasaksihan pero para sa kaniya ay normal nalamang ang ganito.
Papalapit ang kakaibang halimaw sa mga halimaw na nahuli niya, iniisip ata nito na pagkain niya ang mga halimaw na nakagapos. Nag hinatay ng tamang tyempo ang dala para asintahin ang halimaw, kahit na malaki at mataas ang halimaw ay hindi parin siya makikita nito dahil nasa pinaka mataas siya na parte ng puno at kung titingala naman ito ay hindi parin ganun makikita dahil may mga naka harang na dahon sa paligid nito.
Nang mas malapit na ang halimaw, kaagad niyang binitawan ang palaso at tumama ito sa isa sa mat ng halinaw. Biglang sumigaw ng napaka lakas ang halimaw at nag wawala, yumayanig din ng kaunti ang lupa dahil sa lakas ng pwersa na meron ang halimaw. Kamuntik muntikan nang malaglag ang dalaga kung hindi lang ito kaagad naka hawak sa puno. Hinanda niya ulit ang kaniyang pana para patamaan ang halimaw ng biglang natigil ang halimaw sa pagwawala at bigla itong napatingin sa kaniyang deriksyon. Hindi gumawa ng kahit anong galaw ang dalaga dahil sa kakaibang narardaman niya sa tingin ng halinaw, para bang alam nito na andun siya.
Agad rumihistro sa kaniyang mukha ang gulat ng biglang tumakbo ang halimaw saka tumalon sabay kapit sa punong kinalalagyan niya. Gamit ang payat ngunit malalakas nitong kamay pati narin ang malalaki nitong mga paa ay umakyat ito paitaas ng puno, malaki at matibay ang puno kaya kinaya nito ang bigat ng halimaw. Dahil sa gulat ay hindi kaagad naka galaw ang dalaga, ngunit ng malapit na ito sa kaniya ay kaagad siyang tumalon paibaba sa puno, kamuntikan pa siyang masabot ng halimaw ngunit sinipa niya ang kamay nito saka siya nakababa na ng tuluyan. Kaagad niyang kinuuha ang kaniyang espada na naka sabit sa likuran.
Humarap siya sa halimaw at kaagad niyang hinihanda ang sarili para sa papasugod na halimaw na naka baba narin ng puno, tumakbo ito papalapit sa kaniya. Matutulis ang tingin nito sa kaniya kasing tulis ng mga kuko nito sa kamay at paa na maaring pumiraso sa kaniya kapag nahuli siya nito at gawing tanghalian. Nang malapit na ito sa kaniya ay kaagad niyang iwinasiwas ang kaniyang espada at pinatama sa katawan ng halimaw ilang ulit niya itong ginagawa habang ang halimaw naman ay pinipilit siyang kalmutin nito. Nang may makuhang pag kakataun ay kaagad siyang tumakbo paalis sa harapan ng halimaw na kalaban niya. Tumakbo siya papuntang likuran nito saka sumagka sa puno at tumalon papuntang likurang ng halimaw at saka sinaksak sa leeg nito ang kaniyang espada.
"AHHHRGGHH!" hindi na pigilang humiyaw ng napaka lakas ng halimaw na naka bulabog sa gubat, nag siliparan ang mga ibon at may iilang hayop ang biglang nag sitago dahil sa nakakatakot na sigaw na kanilang narinig.
Hinila rin ng dalaga ang kaniyang espada at bumababa sa likuran ng halimaw na nag sisimula nang mag wala, dumurugo narin ng pula ang mga sugat na nakuha ng halimaw. Humarap ang halimaw sa babae saka ito sinigawan ng napaka lakas ang dalaga, napa ngiwi ang dalaga dahil sa mga laway ng halimaw na tumalsik sa mukha niya, ang lagkit at ang baho ng amoy nito at parang gusto niyang sumuka dahil sa baho nito. Pinunasan niya ang kaniyang mukha saka tinignan ng matalim ang halimaw.
Lintek!