Chereads / Lily (Taglog Novel) / Chapter 2 - 02

Chapter 2 - 02

Lintek!

Muling tumakbo papalapit sa kaniya ang halimaw, ang nasa isip ng dalaga ay kailangan na niya itong tapusin kaagad dahil gutom na gutom na siya at gusto narin niyang maligo dahil sa ilang araw din siyang walang maayos na ligo at dinagdagan pa ng laway ng halimaw na namumuot sa kaniyang katawan. Tumakbo rin siya papalapit sa halimaw saka kaniya ulit iwinasiwas ang kaniyang espada at saka pinutulan ng isang kamay ang halimaw--tumilapun ang hating kamay nito sa hindi kalayuan--dahil may kataasan ang halimaw ang balak nitong pagputol sa ulo nito ay kaniyang ikinatapon sa hindi rin kalayuan, sinagi kasi siya ng malakas ng halimaw at hindi niya iyon inaasahan.

Tangina!

Tangina!

Napamura siya ng sumubsob ang mukha niya sa basang lupa, nag mukha siyang marungis na bata dahil sa mukha nitong puno ng putik, nalasanhan niya din ang putik dahil may iilan na napa punta sa kaniyang bibig. Pinunasan niya ito ng kaniyang kamay saka dumura. Inis niyang kinuha ang kaniyang espada na nabitawan niya kanina, tinignan niya ang kaniyang damit mas lalo siyang na inis dahil puno din ito ng putik

Bago pa ulit siya sugurin ng halimaw na nag wawala umakyat muli siya sa isang punong kalapit, ibinalik niya sa kaniyang likuran ang espada saka kinuha ang naka sukbit na palaso at pana sa kaniya. Nang maka hanap siya ng magandang pwesto npara patamaan ang halimaw ay kagad niyang hinanda ang kaniyang hawaka at inasinta ito sa halimaw--tumama ito sa isa pa nitong mata kumuha muli siya ng dalawang palaso saka pinatama sa katawan ng halimaw, kung maaari ay ayaw nitong mas lalong sugatan ang halimaw ngunit hindi ito ganun kadaling patayin dahil sa may kakapalan ang balat nito. Kumuha ulit ang dalaga ng isa pang palaso saka na nito inasinta ang dibdib nito na kung saan andun ang puso nito. Nag wawa-wala pa ang hlimaw hanggang bumagsak nalang ito bigla sa lupa at nawalan na ito ng buhay.

NAGLALAKAD ang dalaga sa gitna ng kalsada habang ang mga taong nadadaraan niya ay napapatingin sa kaniya at ang iba ay umiiwas ng daan, ang mga ina naman ay tinatabunan ang mga mata ng kanilang anak at ang ibang bata naman ay napapanganga habang naka tingin sa kaniya kahit nga ang mga matatanda at hindi ganun katandaan ay napapa nganga at namamangha habang nakatingin sa kaniya.

Hila hila ng dalaga ang isang lubid habang naka tali doon ang mga maaamong halimaw at sa dulo nun ay may isang kariton na laman ang hati hating kwatan ng halimaw na nakalaban niya. Sunod sunuran ang mga halinaw sa kaniya at para itong hindi mababangis, para maging maamo ang isang halimaw ay kailangan mong alamin kung anong klasimg halimaw ba ito at dun mo malalaman ang kahinaan at pagpaaamo dito.

"Bigyan ng kalahati sako ng ginto ang Binibining ito." sabi ng isang lalake na naka upo sa labas ng isang malaking kulungan ng mga halimaw. May hawak itong papel at may kung anong sinusulat dito habang naka tingin sa mga halimaw na dala ng dalaga.

"Sayang at patay na ang isang toh, maganda sanang klasing halimaw ang isang ito." sabi ng isang lalake din na kumukuha na sa mga halimaw na dala ng dalaga, naka tingin ito sa halimaw na patay na, ito ang halimaw na napatay ng dalaga.

"Sa susunod Lily mag dala ka ng buhay na ganito ah? Dadagdagan ko ng mas maraming ginto ang bayad." sabi ng lalaking nag babantay. Tumango lamang ang dalaga at ng makuha na niya ang kaniyang bayad ay kaagad itong umalis ng walang paalam.

"ATE LILY!" sigaw ng batang babae habang patakbo itong lumapit sa dalagang bagong dating. Nang makita din siya ng ibang pang bata ay patakbo din itong lumapit sa kaniya at lahat sila yumakap.

"Ate, bakit ngayon ka lang po dumating?" tanong ni Laura ang kapatid ni Lily na siyang nag hihintay sa kaniyang pag dating. May namumuong kaunting luha sa kaniyang mata, matagal niya ding hinintay ang Ate niya at nag aalala talaga siya ng sobra sa dalaga.

"Kakaunti lang kasi ngayon ang mga halimaw na gala sa gubat." sabi ng dalaga, binuhat nito ang batang kapatid at ngumiti naman siya sa mga bata ding naKa paligid sa kaniya.

"Hali kayo, may dala akong pagkain para sa lahat." nag sigawan naman sa saya ang mga bata dahil sa sinabi ng dalaga, nag paunahan ang mga itong pumunta sa kusina. Nag lakad na din ang dalaga habang napapatawa dahil sa kakulitan ng mga bata.

Pag kadating niya sa intrada ng kusina ay andun ang isang matandang babae at hindi ganun ka edaran din na babae. Naka ngiti ang mga ito na naka tingin sa kaniya, nginitian naman niya ito pabalik.

"Mabuti naman at naka uwi ka ng ligtas, Lily." sabi sa kaniya ng matandang babae, kulukulobot na ang mukha nito at lahat na ata ng buhok nito ay maputi na, may tungkod na din itong hawak at pakuba narin ang kaniyang likod. Nag mano ang dalaga sa matanda. "Kaawan ka ng Diyos."

"Wala naman pong gaanung galang halimaw sa gubat at din rin naman ako nag layo kaya hindi ganun napa sabak, pero malaki naman ang nakuha kong ginto." inilabas ng dalaga ang lalagyan ng kaniyang ginto at inilahad ito sa kamay ng matanda.

"Ay nako Lily! Itago mo nalang ang mga iyan para sa inyo ni Laura." sabi ng kasama ng matanda. Pilit nito ibinabalik sa dalaga ang perang ibinigay nito.

"Ms.Tin, ok na po kami ni Laura. Marami rami na din akong na ipon, iyan po ay para yan sa mga bata at sa inyo ni Lola Pia. Masyado na din namin kayong naabala ni Laura lalo na kapag umaalis ako at malaki din ang utang na loob namin sa inyo dahil kinukop niyo kami, sa katunayan nga ay hindi pa yan sapat." mahabang lintaya ng dalaga, kamuntikan ng maluha si Ms.Tin dahil sa sinabi ng dalaga. Wala na siyang nagawa kundi ang ngumiti at mag pasalamat sa dalaga, ganun din ang matanda.

Ramdam talaga nila ang kabutihang puso ng dalaga kahit noong pang kinukop nila ito ng sampong gulang palamang ito at isang taon naman ang kapatid nito, parehong may busilak na puso ang mag kapatid kaya napamahal sa kanila ang mag kapatid. Nang mag dalaga ito ay hindi nila naka kitaan ng kahit na anong pag rerebelde o kasamaan sa ugali ng dalaga sa katunayan mas lalo pa nga ito naging mapagmahal at matulungin kaya naman napaka swerte talaga nila sa dalaga.

Sana nga lang hindi mag bago ang dalaga.