Rated SPG! Contains matured scenes not suitable for young readers. Read at your own risk.
Swy
"Swy Roque!"
Gusto na niyang magpalamon sa semento nang marinig ang sigaw ng kaniyang boss. Kanina pa siya nagdarasal na sana ay hindi nito mapansin ang natapunan na mga documents na itinago niya sa pinakailalim ng kaniyang office table. Pero nakita pa rin pala nito at ngayon nga ay tinatawag na siya. Paniguradong iba't ibang klase na naman ng mga salita ang matatanggap niya rito. Hindi lamang masasakit na mga salita, baka tuluyan na siya nitong sisantihen sa trabaho. Ilang beses na siya nitong pinagbibigyan sa kaniyang kapalpakan sa trabaho at binigyan na siya nito ng palugit.
Dahan dahan siyang naglakad papasok sa office nito, nananalangin na sana ay hindi siya i-fire ng kaniyang boss. Habol ang hininga na napahawak siya sa kaniyang dibdib nang pagbukas pa lamang sa pinto ay isang lumilipad na plastic bottle ang sumalubong sa kaniya. Napaatras siya at nanlalaki ang mga mata na tiningan ang kaniyang boss. Pero nagkamali siya, dapat pala ay hindi na siya tumingin dahil ang nagbabagang mga mata nito ang nakita niya.
"What the hell did you do? Don't you know that these documents are very important to me, you idiot?" asik nito sa kaniya. Para siyang jelly ace sa sobrang lambot dahil sa kaba.
Markus Del Rio is one of the famous business man around the world because of his hardwork and dedication to his work. While her, she's just a secretary trying to make good things on her boss but always ended up a mess.
"Sorry, Sir. Hindi ko naman po sinasadya. Gusto ko lamang naman-"
"I don't need your fucking sorry. What I need are these documents!" Putol nito sa kaniyang sasabihin. Nanlilisik ang mga mata na ibinagsak nito ang mga documents sa ibabaw ng table.
Napakagat-labi siya. Hindi naman niya talaga sinasadya ang nangyari, nagkataon lamang na biglang pumasok kanina ang kaibigan ng kaniyang boss at ginulat siya. Ang gusto lang naman niya ay maibigay lahat ng pangangailangan nito pero sa tuwing ginagawa niya 'yon ay minamalas siya. Nagdala siya kanina ng kape sa office nito dahil kita niya ang pagod nito dahil sa trabaho. He's been working non-stop. He's overdoing his body and she can see how tired he is. She arrived here at exactly 7 a.m and already saw her boss working his ass off and now, it's already 5 p.m and he's still working.
"Do something about it. I want it back in my office exactly 5:45 p.m. I need them later for the contract signing," utos nito.
5:45? Hindi naman niya kayang ayusin iyon at ibalik sa dati nang maayos sa loob lamang ng halos isang oras. Lalo na at masiyadong perfectionist ang kaniyang boss.
"What are you still doing here? Go out! Leave!" sigaw nito na ikinatalon niya. Nagmamadaling kinuha niya ang mga documents sa table nito at nanakbo palabas ng office.
Hinihingal na napasipol siya at pinaypayan ang sarili. Akala naman niya ay masesesanti na siya, mabuti na lamang at ipinapaayos lamang ang mga documents. Muli niyang tiningnan ang mga hawak at gusto nang maiyak. Paano naman niya maayos ang mga ito? Nangingilid ang mga luha na dinala niya iyon sa photocopy at printing machine. Kailangan na niyang simulan na baguhin ang mga documents dahil mamaya ay kailangan na ito ng kaniyang boss.
Tumagal ang pag-aayos niya dahil hindi halos ilang pages din ang uulitin niya bago i-photocopy.
"I'm done!" sigaw niya.