Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ako na ba si Mr. Right?

đŸ‡”đŸ‡­Muridayo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.1k
Views
Synopsis
"Wala na bang matinong lalaki sa mundong ibabaw maliban sa... Akin?!?" Yung sa sobrang galit niya sa cheater niyang walang kwentang asawa, nagpakalaksing siya mag isa for the first time. Pag gising niya kinabukasan... Ang unang naisip niya ay ang mga katagang... Boombastic telefantastic
VIEW MORE

Chapter 1 - Pambihira

Bilang isang anak mayaman, lagi si Lani (short para sa Melanie Xi) dinidikitan ng mga mukhang pera. Maging mga pekeng kaibigan, staff sa office o kaya'y mga lalaking hangad maging 1st son in law ng tanyag na XM corporation laging nakadikit sa kanya na parang langaw sa tae, pero of course siya na ata ang pinakamaganda at pinakamabangong tae. 10/10 ang beauty niya, kung ihahantulad nasa gitna lang siya ni Pia Wurtzbach at Catriona Grey. Wavy black hair hanggang sa gitna ng likod, magandang hubog ng katawan at pamatay na ngiti. Medyo singkit dahil may lahing Chinese at kasing puti ng papel.

Maganda, may poise, may charm at lahat na ata nasa kanya. Hindi siya natinag sa mga plastik niyang manliligaw, level 100 na rin ang pekeng ngiti niya matapos ang ilang taon ng pagiging big boss sa kompanya... pero never pa siya na in love hanggang sa makilala niya ang the one.

O akala niyang the one.

Mark Anthony Reyes ang pangalan ng super cute super bait at super lambing niyang asawa. Si Mark ay isa ring anak mayaman, matangkad, mejo curly brown hair, at light kayumanggi ang kutis. Pang limang anak sa Reyes industries at sobrang gwapo nito kung ngumiti. Hindi na ito nakipag away sa mana kaya go with the flow lang ang attitude niya. Nagkakilala lang sila noon sa isang party at nag click.

Nang kinasal sila hindi na pinagtrabaho ni Lani si Mark, tutal hindi naman na nila kailangan ng dagdag na pera. Kaya bawat pag uwi ni Melanie ang matitikman niya ang masarap na luto ng asawa. Pag bakasyon o kaya'y weekends matindi ang pagplaplanong ginagawa ni Lani para mapasaya ang asawa. Nag boobook siya ng trips abroad, maganda at extra luxurious na mga dinner, pati damit ng asawa, siya na din ang namimili pag outing nila. Secret lang, pero siya din namimili ng underwear nito.

Ang sweet sweet nila noon. Paborito niyang pinapamper ang gwapo niyang ahas. Lagi pa niyang hinihimas ang malambot na buhok ni Mark (sa ulo!) kasi cute na cute siya dito.

Kaya hindi niya maintindihan. Hindi niya matanggap.

2 buwan na silang kasal. 2 buwan palang. Two months. 60 days. Onti lang lagpas sa kalahati ng isang daang araw. Ganun lang katagal nang mahuli niya ang asawa niyang katalik ang secretary niya.

Kulang ang my god para i express ang nararamdaman niya.

'Mr. Mark Anthony wala kang kwentang nilalang!!'

Sabi nga nila mag jowa ka ng pangit diba? Baket pa kasi siya na inlab sa ka kyutan nitong buhok poodle niyang asawa.

Pinagbabato ni Lani ang mga mamahalin nilang vase, ang laptop, ang silya, oops hindi na niya mabuhat ang lamesa, ang tsinelas niyang fluffy, at ang picture frame na may litrato nila ng kasal.

"Bakit!?" Tanong ni Lani, sabay iyak.

Hindi niya inexpect and sagot ng magiging ex-husband niya.

"Sino namang lalaki ang mag mamahal sa babaeng katulad mo..." Ang itsura ni Mark, naka ngisi pa, ang sarap niyang tirisin. "eh mas lalaki ka pa kaysa sakin"

Ano raw?

"Nakakatakot ka, sobra ka kung..."

May mga sinabi pa siya pero hindi na nakarating kay Melanie.

'Kasalanan ko pa pala?'

Hindi na niya alam kung paano siya tumakbo o nag teleport sa isang bar, pero nagawa niya.

"Kuyaaaa, a-ako pa may kasalanan?? Masama ba maging isang successful na businesswoman?? Bakit ganun kuya, bakeeeeeet" Kung nakita siya ng mga staff nila sa opisina, siguro andami nang share sa FB ng pagkakalat niya sa bar.

"Miss, umm, lasing na po kayo. May pwede po ba sumundo sa inyo dito?" Ang tanong ng bartender. Kulang talaga sahod niya pramis.

"Kuyaaa baket ako nalang lagi. Ayoko na. Kung ako lang yung guy, hinding hindi ko sasaktan yung wife ko. Baket siyaaaa, kuyaaaa" Sabay ang laglag ni Melanie sa silya ng bar. 'Bwisit, ang taas nung bar stool.' Hilong hilo si Melanie habang umiiyak at ang huli niyang narinig ay ang pag sigaw ng bartender kuya ng "Miss!! Miss!!". 'Jusko kuya, paki hinaan, natutulog yung tao e.'

...

Nagising si Melanie sa sinag ng araw. 'Wow, kinukuha na ata ako ni God, ang hapdi ng mukha ko tapat na tapat sa araw, sana hindi mangitim and face ko'

Masakit ang likod niya, nakatulog siya habang nakaupo sa silya at nakapatong ang ulo sa lamesa. Tumayo siya at tinignan ang mesa. 'Ang weird, may ganito ba kaming lamesa? Mababa lang?'

Tinignan niya ang paligid, mukhang nasa hotel siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Naalala niya ang nangyaring pagkakalat niya kagabi at ang hampas lupa niyang asawa at secretary.

'Bwisit. Pakshet nila...' at kung ano ano pang mura ang naisip ni Melanie hanggang sa pag pasok niya ng CR. Parang maga na agad yung mata niya kakagising niya palang.

Napansin niya parang ang liit ng toilet bowl. Ang weird ng hotel na napasukan niya. Binaba niya ang pajama niya para umihi pero nasa gitna palang ng hita niya ang pajama ng mapasigaw siya.

Ang daming pumasok sa utak niya non, imposible, pambihira, wow, at kung ano ano pa, pero tumatak talaga sa kanya ay ang mga katagang...

"boombastic telefantastic"

Parang Lss daw kasi.