Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love Notes from the Playboy of Year 2050

maricetamol
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.1k
Views
Synopsis
Nagsimula ang lahat sa natapong ketchup, kaya naghanap ng pamunas. Pero sa kumpol ng mga tissue iba ang nahanap, isang love note - ang nakahanap isang babaeng broken hearted. Ang may-ari isang playboy na ang address - Future, year 2050.
VIEW MORE

Chapter 1 - Note 1 - From Stranger To Someone Else

• Love Note 1 •

Isang umagang maulan, tumatakbo sa maulang daan hawak ang gutom na tyan. Habang ang pusong sugatan nakikipaghabulan sa tindi ng sakit ng tyan.

Hanggang sa napadaan sa isang kainan na ang pangalan - JollyYug. Huminto, pinagpag ang basang damit at buhok - pumasok at pumunta ng counter umorder ng pagkain.

"One regular fries, one piece chicken, one regular burger, one spaghetti and one coke float."

"Yes po Ma'am, 'yan lang po ba Ma'am?"

"Ye--ah, one tuna pie and choco pie." Sabay paklang ngumiti.

"Okay Ma'am! Your order are one regular fries, one piece chicken, one regular burger, one spaghetti and one coke float. One tuna pie and choco pie."

Ngumiti uli. "Ah, idagdag mo isang regular fries."

"Okay Ma'am! Take - out o dine - in po Ma'am?"

"Dine - in!"

"317 po lahat Ma'am!"

Kinuha ang wallet sa bulsa ng jacket, kumuha ng pambayad at agad ibinayad.

"Ito po number niyo pakihintay lang po Ma'am."

"Okay!"

Agad lumakad at naghanap ng mauupuan. Ang daming gutom ngayon - walang bakante, ah hindi pala gutom naglalampungan lang aba aba ang kakapal ng mukha.

Hindi ako bitter sadyang broken hearted lang. Ahy buti naman tumayo na rin at sakto sa pwesto gusto ko, sa bandang sulok malayo sa mga malalantod. Ipinatong ang numero sa ibabaw ng mesa, my lucky number..

"9!"

Hay ang paghihintay ng order ay tulad ng pag- mo-move on - ang tagal. Napatingin sa labas at biglang napangalumbaba.

"Ma'am ito na pong order niyo."

Napatitig sa mga pagkaing inilapag ng crew sa ibabaw ng mesa.

"Enjoy po Ma'am!"

Nagbibiro ba siya? Paano ako mag- e enjoy? Kung hindi lang ako gutom hindi ako kakain, hayst!

Sumubo agad ng fries, hayst sarap talaga nito paborito ko 'to eh. Hindi na subo lamon na talaga, gutom eh ikaw kaya gutom broken hearted pa baka mesa makain mo pa.

Ah mas masarap pag may ketchop, kumuha binuksan ang problema napalakas ang paghila kaya ayon tumalsik, tumalsik sa damit. Biglang napakamot sa ulo, tanga na nga sa pag-ibig pati ba naman sa pagbubukas ng ketchop tanga pa rin.

Napabuntung-hininga bigla at mabilis na naghanap ng pamunas. Tissue ang nakita kaya agad kumuha at ipupunas na sana pero may napansing kakaiba. Tissue ba 'to? Mas makapal naman yata sa tissue eh papel na 'to eh.

Sinipat nang sinipat hanggang sa mapanganga, ano 'to listahan ng mga utang o listahan ng sindikato? Pero hindi eh iba ang nakasulat ganito oh..

My dearest honeycomb!

You are lovely, beautiful in white i am very happy you came in to my life. My forever, my destiny, my love, my one and only - Hasha!

Love,

Spike!

February 15, 2050 - Sunday - 7:05 AM.

February 15, 2050 - 7:05 AM, ulit niya sa isip. Whhat year 2050? Oh my is it real? Sunday nga ngayon pero year 2019, tiningnan ang wristwatch - 7:15, halos 10 minutes  May engkanto ba dito? Pero totoo talaga, hayst ang tindi ah ito pa aba ang tindi din kapangalan ko pa Hasha, at ito pa love letter pala, saklap ah sa akin pa napunta.

Kapanipaniwala o hindi ibinulsa ang papel isa lang ang sigurado gutom na gutom na kaya lamon na..