• Love Note 2 •
The almighty sun is shining bright, how luminous this day. Not my day, its always a dim and sorrowful, because my whole me was broken into small pieces.
Napakasakit ng sinag ng araw tulad ng puso ko napakasakit nakakapaso, kaya napatakbo, biglang huminto napatitig sa kainan nang biglang may maalala. Saka naisip na bibili ng paboritong fries, bago pumasok sa eskwelahan. Dali-daling pumasok at pumunta ng counter pumila, naghintay at umorder.
"One regular fries!"
"Okay Ma'am! One regular fries, 32 po Ma'am!"
Ngumiti ng mapakla, tapos nagbayad naghintay ng sandali.
"Ito na po Ma'am," sabay abot ng crew.
Tinanggap at agad lumakad. Tiningnan ang wristwatch, 7:15 eksakto parang tulad lang kahapon. Hindi pa ako late, kaya uupo muna.
Oommhh! Namili kung saan magandang umupo, ayaw na doon sa sulok parang may engkanto. Ahh dito na lang malapit sa pinto. Naglakad, umupo, kumain at patingin-tingin sa paligid. Kain na naman, naubos at naghanap ng pamunas.
Nakakita ng tissue kumuha, at ipinunas sa bibig. Tapos biglang sinipat ang tissue ng may maalala, na naman habang hindi makapaniwalang nakatitig sa tissue.
My forever sweetheart!
I love you very much! Wait for me tonight. My forever - Farah..
Love,
Spike..
February 16, 2050 - Monday - 7:15 AM..
May engkanto nga talaga dito, sinusundan yata ako. Napatayo bigla at kumaripas ng takbo palabas, huminto napititg sa gusali.
Anong meron dyan?
Biglang kinilabutan kaya napatakbo uli palayo.