Chapter 47 - Chapter 47

Matagal tagal din si Ashley sa banyo na nag e-emote. Pagkatapos niyang mailabas ang sama ng loob at nai-iyak na niya itong lahat, naghilamos siya at inayos ang kanyang sarili bago lumabas. Handa na siyang tahakin kung ano man ang nasa kapalaran niya, nakangiting lumabas ng pintuan.

Napatigil siya sa pintuan ng banyo nang mapansin niya na wala na si Tanaga at malinis na ang lounge na para bang walang naganap na kung ano pa man. Hindi malaman ni Ashley kung ano ang kanyang gagawin. Nagdadalawang isip siya kung lalabas ba siya at hahanapin si Tanaga, o' titigil sa sa loob ng lounge at antayin kung babalik pa ba?

Sa bandang huli, minabuti na lang niya na lumabas at hanapin si Tanaga.

Naabutan ni Ashley si Tanaga sa may deck ng yacht na kausap ang mayordomo. Nang makita siyang paparating, biglang tumigil ang dalawa sa kanilang pag-uusap, at mabilis pa sa alas kwatro na nagpaalam si mayordomo, pagkatapos batiin si Ashley. "Magandang umaga sayo ma'am!"

"Magandang umaga din po!" Sagot ni Ashley na nakangiti pero mukhang nag-tataka.

"Sige po sir, ma'am... mauna na muna ako, marami pa akong gagawin sa loob. Sabay alis ni mayordomo para hindi siya pag-hinalaan ni Ashley at baka biglang magtanong kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Nang makaalis si mayordomo, biglang tumahimik ang buong kapaligiran, munting ang sound lang ng alon ng dagat ang kanilang naririnig, para silang nasa punerarya sa sobrang tahimik. Pareho ang dalawang na nag-papakirandaman at di alam kung ano ang sasabihin.

Hindi na nakatiis si Ashley at siya na mismo ang nauna. Ang problema lang ay hindi niya malaman kung pano nya tatawagin ang pangalan ni Tanaga. Kaya naman, mahinang- mahina ang kanyang boses ng siya ay mag-salita. "Tanaga, meron sana akong tatanong kung maaari lang?"

Si Tanaga na nakatingin lang sa dagat ay binigay ang kanyang buong attention ke Ashley at nakinig kung ano man ang kanyang itatanong or sasabihin. "Go ahead! Ano ang itatanong mo?"

Sumigla ang mukha ni Ashley ng makita niya na malumanas ang pagmumukha ni Tanaga at nakangiti pa ng sumagot. "Ganito yun, tungkol sa relasyon natin. Alam ko na hindi tunay ang kasal natin at meron tayong kontrata... Anyway, gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ako naghahangad na maging tunay ang ating relasyon. Kaya wag kang mag-alala na balang araw eh.... Alam mo na!"

Biglang tumaas ang kilay ni Tanaga sa sinabi ni Ashley. Hindi niya nagustuhan na pinangungunahan siya ng kahit sino. Lalong mas masama ang loob niya sa narinig niya na sinabi ni Ashley na wala siyang balak na totohanin ang kanilang relasyon. Kahit na ba wala rin siyang balak na totohanin ito, walang karapatan na sabihin at pangunahan siya ng taong kinontrata lang niya na bigyan siya ng anak...

Kaya naman biglang nagbago ang ihip ng hangin at dumilim ang langit na para bang me habagat na darating... Dahil tinopak na rin si Tanaga, hindi na napigilan ang sarili dahil natapakan ang kanyang pride.

"Wag kang mag-alala, kahit minsan ay hindi sumagi sa aking isipan na totohanin itong relasyon natin. Pag dating ng panahon na ako ay mabigyan mo ng anak na lalake, iyon din ang araw na matatapos itong kontrata natin. Naiintidihan mo ba?!" Galit na sinabi ni Tanaga sabay talikod at umalis ng walang paalam.

Naiwan si Ashley na nakanganga at gulat sa nangyari. 'Ano yun? Bakit siya galit? Pwede naman niyang sabihin ng hindi malakas ang boses ah, anong ibig sabihin noon... sumama ang loob niya dahil ipinaalala ko na kontrata lang ito at hindi tunay? Nag-kakagusto na rin ba siya sa akin? Hmmm?' Tanong ni Ashley sa sarili habang naglalakad papasok sa loob ng yacht para sundan si Tanaga...