Naabutan ni Ashley si Tanaga na nakikipagusap ke mayordomo. Habang si mayordomo naman ay parang nakikipagtalo at ayaw sundin kung ano man ang sinasabi at ini-u-utos ni Tanaga sa kanya.
"But... Sir, boss! Pano..." Hindi na natapos ni mayordomo ang kanyang sasabihin dahil nakita niyang paparating si Ashley. "Sige po! at gagawin ko ang utos nyo." Sabay tango lang ke Ashley to acknowledge her, habang sila ay nagkasalubong.
Si Tanaga naman ay paalis na papunta sa bridge ng yacht para kausapin ang kapitan. Nagmadali si Ashley na habulin si Tanaga habang tinatawag niya ang pangalan. "Tanaga! Sandali! Pwede ba tayong mag-usap? Please!!!!" Sigaw ni Ashley para siguradong marinig siya.
Tumigil si Tanaga sa paglalakad at humarap ke Ashley na walang ka emosyon - emosyon ang mukha. Inantay niya munang maka-abot si Ashley sa mismong harapan niya bago nag-salita.
Ng makaabot si Ashley at nakatayo na sa harapan niya, " Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan... Malinaw naman ang lahat diba? Sabi mo nga, kontrata lang ito at walang kasamang emosyon. So' tell me... Ano pa ang kailangan nating pag-usapan?"
Halatong galit sa Tanaga sa tono ng pananalita niya. Hindi naman tanga si Ashley para hindi niya ito maiintidihan, pero hindi siya nagpahalata na nasasaktan siya sa mga salita ni Tanaga. Imbes ay ngumiti siya ng pagka-ganda-ganda bago nagsalita.
"Diyos ko po naman! Hindi naman iyon ang gusto kong pag-usapan natin. Malinaw na malinaw naman ang nakasulat sa kontrata, at handa ako sa mangyayari ng pinirmahan ko ito. Sa totoo lang ay Ibang bagay ang gusto kong pag-usapan, pwede ba?" Naka-ngiti pa rin si Ashley kahit na masama ang loob.
Hindi muna sumagot si Tanaga, imbes ay nakatitig lang siya sa mga mata ni Ashley na halos hindi makatingin ng diretso sa kanya. Pilit niyang inaaninaw kung nag-sasabi ba ito ng totoo o' hindi?
Me kasabihan na kung gusto mong makita at malaman ang katotohanan, tingnan mo sa mga mata ang tao at makikita mo pati ang kanyang sikretong tinatago. Kaya naman Ito ang ginagawa ni Tanaga, pero mabilis umiwas si Ashley, kayat hindi niya malaman kung tunay ba ang lumalabas sa bibig nito?
Minabuti ni Tanaga na postponed ang pakikipag-usap niya sa kapitan. "Sige! Halika at sa kwarto tayo mag-usap para walang maka-istorbo." Sabay talikod ni Tanaga at nauna ng maglakad papuntang kwarto na hindi tiningnan kung sumusunod si Ashley.
Nang makarating sila sa silid, diretso si Tanaga na umupo sa sofa at nag-antay na makarating si Ashley. Maya-maya lang ay papasok na si Ashley na matamlay ang mukha, pero as soon as na makapasok siya at malapit na ke Tanaga, biglang nagbago ang tema ng mukha niya at meron ng konting buhay.
Hindi na nag-antay si Ashley na imbitahan ni Tanaga na umupo. Basta na lang siya umupo sa tabi nito sa sofa ng nakatagilid para magkaharap sila. Si Tanaga naman ay nakasandal at nag-aantay lang na simulan ni Ashley ang pag-uusap nila...
"So, ano ang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong niya na walang ka emosyon-emosyon ang boses.
"Ganito yun... Diba papunta tayo ngayon sa Pilipinas?"
"Oo! Bakit?"
"Pag-dating ba natin doon, pwede ba akong bumisita sa pamilya ko? I mean... Bisita lang, promise hindi ako tatakas sa kasunduan natin. Pangako! Cross my heart!" Sabay nag exis siya sa puso niya at pag-katapos ay itinaas niya na parang siyang 'nag-papanata ng maka-bayan'
Napangiti ng pasikreto si Tanaga sa itsura ni Ashley. Na kyu-kyutan siya sa ginagawa nitong pag pangako. Para si Ashley na isang bata na humihingi ng permiso sa magulang... 'Hahaha!' Napatawa si Tanaga sa isip niya habang nakatingin ng walang kakurap-kurap ke Ashley.
Si Ashley naman ay seryosong-seryoso sa ginagawang pangako, payagan lang siya. Nag-aalala kasi siya na baka pina-hahanap na siya ng pamilya niya dahil hindi pa siya tumatawag sa kanila. Habang nanlalaki ang mga mata ni Ashley na walang kurap-kurap, at nagaantay ng sagot ni Tanaga...