Chapter 25 - Chapter 25

Nanlaki ang mga mata ng mga sekretarya nang marinig ang malakas nyang tawa habang sya ay naglalakad pabalik sa kanyang opisina.

Si Ashley naman ay biglang natauhan at namula ang mga pisngi na kakulay ng isang mansanas ng dahil sa nakaw na halik ni Tanaga.

Noong una ay nag-aatubili syang sumunod, pero kalaunan ay wala na rin syang magawa dahil hindi naman sya puedeng doon na lang sa conference room tumigil. Wala syang magawa kundi lumabas ng silid at lumakad ng nakayuko para hindi makita ng mga tsismosa ang kanyang namumulang mukha.

Papasok na sana sya sa opisina ni Tanaga ng bigla itong bumukas at tumambad si Tanaga na ready na para sila ay umalis.

"Ba't ang tagal mo? Kanina pa ako nag-aantay." Pagalit na tanong ni Tanaga na narinig ng mga sekretarya nya. Sabay hinawakan ang palad ni Ashley at lumakad papalabas. Hindi malaman ni Ashley kung ano ang gagawin, hindi naman nya matangal tangal ang kamay ni Tanaga na napaka higpit ng pagkakahawak sa palad nya.

Si Tanaga naman ay parang wala lang ang kanyang ginawa. Sa isip nya ay normal lang ang paghawak nya kay Ashley, hindi nya alam na dahil sa ginawa nya ay lalong nahihiya ang dalaga sa mga taong nakatingin.

Samantala biglang lumiwanag ang mga mukha ng mga babaeng sekretarya ni Tanaga ng marinig na pinagaglitan nya si Ashley.

"Humph, kala ko pa naman eh special, di rin pala." Bulong ng isa sa katabi nyang isa pa ring sekretarya.

"Oo' nga! Saan kaya napulot ni CEO Jones yan, hindi mo naman iisiping bayaran na babae, kasi tingnan mo na naman ang suot. Kahit ang katulong ko sa bahay eh mas maganda pa dyan ang suot." Pagyayabang ng isa pang sekretarya na narinig ni Tanaga at Ashley.

Biglang humarap ang boss sa mga tsismosang sekretarya. Habang nakatayo na parang tigre, nagsalita si Tanaga. "You! You! and You! Simula ngayong oras na ito, "Your Fired!!!!" Sabay hawak sa kamay ni Ashley at lumakad papuntang private elevator nya ng walang lingun-lingon.

Sa oras na ito, ang utak at tenga ni Ashley ay unti-unting nakapag-adjust sa accent ng mga Hapones at unti-unting bumalik sa isipan nya ang pinag-aralan nyang Niponggo sa Pilipinas, kasi ito ay isa sa mga requirements bago sya tinanggap ng pekeng ahensya. Kaya unti-unting naintindihan nya ang mga sinasabi ng mga tao at kung magsalitang Hapones si Tanaga.

Si Ashley naman ay tahimik lang pero nahihiya, gusto nyang tanggalin ang kamay ni Tanaga na nakahawak pa rin sa palad nya, pero natatakot sya na baka magalit ito sa kanya. Kaya naman binayaan na lang muna nya hanggang sa makababa ang elevator at makalabas sila hanggang sasakyan. Pero hindi pa rin sya binitawan ni Tanaga.

Nang makarating sila sa sasakyan, saka pa lang naglakas ng loob si Ashley na subukang muling tanggalin ang kamay ng binata. Pero imbes na lumuwag ito at pakawalan sya, lalo pa itong humigpit at hinaltak sya papalapit sa kanya. Sabay binuksan ang kotse at pina-una syang pumasok.

Wala namang magawa si Ashley kundi sumunod lang. Pagkapasok nya sa loob ng kotse, umusod sya ng medyo malayo layo sa binata habang ang katawan nya ay halatadong nanginginig sa takot.

Sa loob ng sasakyan ay napakatahimik, daig pa ang nasa simenteryo. Si Ashley nakayuko at hindi makatingin ke Tanaga. Habang si Tanaga naman ay mukhang galit pa rin, pero hindi ke Ashley kundi sa mga empleyado nya na nanglait ke Ashley. Wala tuloy syang masabe ke Ashley na maaring ikalulubag ng loob ng dalaga, kaya naman nanahimik na rin lang si Tanaga.

Umusad ang sasakyan, pero wala silang destinasyon, kaya naman ang driver ay dahan-dahan lang ang pagmaneho. Nang mapansin ito ni Tanaga, saka lang nya naisip na hindi pala nya nasabi kung saan sila tutungo. "Driver, sa boutique tayo!"

Napatingin si Ashley kay Tanaga nang marinig nya ang boutique, sabay tingin sa suot nya, at parang napahiya. Hindi sya makatingin ng diresto kay Tanaga dahil alam nya na kaya sila pupunta sa boutique ay para bilhan siya ng damit na isusuot.

Iniisip nyang tanungin kung totoo ang hinala nya, at kung sakali man ay gusto nya sanang tumangi. Pero sa dulo dahil useless din naman, tumahimik na lang sya dahil wala rin namang mangyayari kung tatanggi sya.

Sa isang private boutique sila dinala ng driver. Napanga-nga si Ahley ng makita nya ang nag gagandahang mga damit sa eskaparate. Sa hitsura pa lang, halatadong pribado ito at pang-mayaman lang. Bigla tuloy nag-atubili si Ashley kung bababa ng sasakyan o hindi.

"Ano? Gusto mo bang buhatin pa kita?" Pang-asar ni Tanaga kay Ashley.

Hindi sumagot si Ashley kahit na feeling nya eh! nainsutlo syang big time for the way he said it. Ano pa nga ba ang magagawa nya kundi sumunod. Dahan-dahan lang syang bumaba at nang makalabas, tumayo sya ng diretso at inayos ang suot nyang suits. 'Nandito na ito, make the best of it na lang.' Isip ni Ashley habang sumusunod sya kay Tanaga papasok sa botique.

Pagpasok na pagpasok ni Tanaga, lumapit kaagad ang isang napakagandang Haponesang babae na mukhang modelo ang itsura. "Tanaga, Welcome!" Sabi ni Kazuma, manager ng boutique, sabay lapit para mag beso-beso sya ke Tanaga na umiwas naman at umupo sa isang sofa para sa mga kliyente.

Napahiya si Kazuma, pero hindi nito pinahalata. Habang nakangiti ng napakaganda, labas ang kanyang ngipin na straight at puting-puti, lumapit sya kay Tanaga at umupo sa kabila ng silya. Si Ashley naman ay nakatayo lang sa may gilid at naghihintay ng utos ni Tanaga.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, bakit bigla kang napadalaw?" Paarteng nagtanong ang babae.

"Hindi ako ang kailangan mong tulungan, siya!" sagot ni Tanaga habang sabay ang turo nya kay Ashley.

Sinundan ng tingin ni Kazuma kung saan nakaturo ang kamay ni Tanaga. At noon nya lang napansin na may kasama pala ito. Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Ashley, bago humarap uli kay Tanaga. "At ano naman ang maitutulong ko sa kanya? Wag mong sabihin na kailangan ko syang gawing mukhang tao? Hindi ako diyos na gumagawa ng milagro ano!" Inis na sagot habang nanlilisik ang mga matang tumingin uli kay Ashley.

Nang marinig ni Ashley ang sinabi ng Haponesa, biglang tumindig ang kanyang mga tenga at sasagot na sana sya pero naunahan siya ng binata sa pagsagot.

"Well, dahil hindi ka makakagawa ng milagro, I guess hindi na kita kailangan pa. Simula ngayon ay tanggal ka na sa pamamahala ng boutique ko. I want you out of my sight, right now!"