Chereads / All the White Roses / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

June 17, 2016

"Etong si Jiana, ang plastik!" Reklamo ni Gal kay Griffie nang minsang magdeep talk sessions ulit kami. "Wala raw crush! Hindi na lang umamin!"

I never told my friends that I like someone. Kahit ihambalang nila sa mukha ko ang confessions nila sa kani-kanilang crushes, pinanindigan ko na ang linya ko mula Grade 7.

Hindi pa ako nagkakacrush. Ever.

I always said that because I hated the feeling of being teased. May pakiramdam akong asar-talo lalo ako pag nakaabot kina Mommy kaya hindi ako nagsabi ng kahit ano.

The truth is, there was this one person that I've been secretly admiring from afar. Nakasimulan ko na yata itong kakaibang pagkagusto ko sa kaniya noong pumasok kami ng grade 11 sa bago naming university.

Second year college siya nang magsimula kaming pumasok doon. Gallustine was the first one to notice him. Nasa photo studio ito para kumuha ng ID picture ng mga bagong enrollees.

"Grif!" Tili ni Gal, kala mo panty ang sinusuot at hindi briefs. "Pogi, girl!"

Inginuso niya ang lalaki na nakangiti sa estudyante at pinaaayos ang posisyon sa harap ng camera. Tahimik lang ako habang nakapila. Hindi sumasama sa usapan. Hindi na rin naman nila ako sinasali dahil nga raw, wala akong alam sa lalaki. Wala akong hilig sa lalaki. Hindi ako nagkakagusto sa lalaki kaya sila na lang ang mag-uusap na dalawa.

"Gwapo, ano?" Pilit ni Gallustine kay Griffie.

"Oo nga, girl! Pag brainy 'yan, ay, go na ako!" Si Griffie, na ang top priority daw sa lalaki ay utak muna bago mukha.

"Ala, brainy naman na ako, kahit hindi na siya!"

"Wow!" Griffie's violent reaction was fast and immediate. "So ano ako, hindi?! Excuse me, kailangan lang sure akong walang pagkukuhanan ng kabobohan yung anak 'ko no!"

"Defensive!" Umirap si Gal. "At saka, kaunti na lang ang complete package ngayon. Di na ko masyado naghahanap."

"Kah-pal!" Matunog at maarte ang pagkakasabi ni Griffie habang tawa lang ako ng tawa sa kaniya.

"True enough," sabi ko, na sumali na sa pambwibwisit kay Gallustine. "Wag ka mag-inaso girl. Kasi kung hindi rin man naghahanap ng complete package 'yan, sure ako ang hanap naman niyan..."

Hindi ko tinuloy. Tumawa lang ako at pati si Griffie.

Simangot na simangot si Gal, "Ano ha? Ano? Sige, ituloy mo!"

"Walang itlog." May ubo sa ilong na sagot ni Griffie, hindi man lang iniwasan ang nasagasaang puso ng kaibigan.

"Ang bastos!" Hinampas niya ang braso ni Griffie habang pulang pula sa karumihang narinig. "Ang bastos bastos nito!"

Tumago si Gal sa balikat ko, pinang-iilagan ang babae sa kaliwa niya na ano pa't ayon sa kaniya, nuknukan ng dugyot at kababuyan.

"Ang arte nito!" Griffie, with another roaring laughter.

Kahit tumatawa, hindi ko naman maiwasang balikan ng tingin yung lalaki. He really was good-looking. He looked very neutral. Parang hindi nakakaintimidate pero hindi rin pwedeng kaya-kayanin.

Nagpatuloy ako sa mabangis na paninitig. Sinisiguro ko nga lang na smooth at medyo may pagkasimple ang galawan ko. Malakas kasi makaramdam itong dalawa. Lalong lalo na si Gallustine sa mga kaagaw niya.

"Hi!" Sa gitna ng pagsuksok sa'kin ni Gal at pagpilit sa kaniya ni Griffie na kausapin ulit siya, may babaeng nasa unahan namin sa pila na biglang nagsalita.

Griffie looked at her and returned a wave, "Hi." Sabay pilit ulit kay Gal na harapin siya.

"Ano... si Kuya Vance ba ang pinag-uusapan niyo?" The girl carefully and shyly asked.

"Ay girl! Kilala mo?!" Excited na sabi ni Gallustine. Umahon na sa balikat ko pero sinisiko pa rin ang bastos daw na si Griffie.

"Ah, pinsan ko. Sorry kung nakisali ako out of the blue, natatawa lang kasi ako sa pag-uusap niyo." Tumawa ito habang pinapanood ang giyera ng dalawa sa tabi ko.

"Hindi, okay lang!" Griffie told her with a big friendly smile. Sa aming tatlo, sila rin yung mabilis kumuha ng kaibigan. Samantalang ako, nagiging kaclose ko na lang pag nakaclose na nila. "Hala kwento ka naman! Pa'no mo naging pinsan? Buo ba? Second cousin?"

"Yung daddy ko at mommy niya, magkapatid."

"Ang pogi, beh! Sabagay pretty ka naman!" Griffie shamelessly told her, sounding a little gayish.

Hindi ko naman siya masisisi. Ako man, nakukuha na ang lenggwahe ni Gal sa tagal at dalas naming magkakasama.

"Ano nga palang name mo?" Ako, na pormal na tanong lang ang kayang ibato sa bagong kakilala. Hindi tulad nitong dalawa. Anything under the sun ang category ng Question and Answer ng mga ito.

"Luxine," she smiled at me and I just smiled back. "Luxine Saavedra."

"Jiana," I said casually for an introduction before pointing the two beside me. "Si Gallustine, bading kong tropa."

Humagikhik ako pero isang lagitik lang sa braso mula kay Gal ang natanggap ko. Griffie was laughing her ass out, pissing Gal more.

"Tsaka si Griffie," turo ko kay Grif. "May gusto sa bading."

"Ay ala! Dumali!" Natigil bigla sa pagtawa si Griffie at sinamaan ako ng tingin.

Pati si Gal, natahimik at natigil sa pagpisil ng braso ni Griffie. The most effective way to stop their war is to tell them how they have chemistry. And how, in my eyes, they look like developing love birds. Thankfully, it's still working because Gallustine is still uncomfortable dealing with the truth.

"Wag kang maniwala!" Tanggi ni Griffie. But of course, my statements weren't baseless suppositions. Griffie admitted it to me multiple times. Matalino si Gal. Jack of all trades, ayon kay Grif. Kaya ang lola ko, ayon, hindi napigilang mafall. Napapaamin lagi sa akin. Iyon nga lang, hindi niya sinabing asarin ko siya all the time. Pinagkusa ko na ang part na 'yon.

"Share ka na lang sa pinsan mo, girl! Matalino ba?" Gallustine asked. May feeling akong para lang ibahin ang topic. Pero siguro hindi rin, malandi talaga ang isang ito at curious sa gwapo.

"Si Kuya Vance? Oo, matalino 'yon! Second year, ECE. At number two ang GWA sa buong College of Engineering ng batch nila last year."

Natahimik ako. Pinagmasdan ko ang Kuya Vance niyang may magaang ngiti. Panay ang kausap niya sa lalaking katabi na seryoso lang sa printing at lamination. Minsan hahampasin niya ang balikat nito, in a very manly way, pero hindi lang talaga masyadong kumikibo ang katabi.

"Ay weh?" Ani Griffie, sobrang curious na dahil nakarinig ng matalino. The thing about this two, gusto ni Griffie si Gal pero sabay silang nagfafangirling sa mga tipo nila. Ang stand kasi ni Grif, naghihintay lang siyang makamove on. Makahanap ng bago na, hopefully, lalaki naman at kayang ibalik sa kaniya ang atensyon. "Ano full name? Iadd ko pala!"

"Ako unang nakakita! Pabida 'to!" Gal pushed Griffie's arm.

Tumawa lang si Luxine sa dalawa, "Vancellion Andrei Vienavista."

Wala na kong masyadong naintindihan maliban sa nagwagwapuhan si Gallustine ultimo sa pangalan nito at sa hindi pagpayag ni Griffie na maunahan siya ni Gal sa kung anomang pag-aadd ang pinagplaplanuhan nila.

With the two fighting endlessly, hindi na namin namalayan na si Luxine na ang magpapapicture kung hindi pa siya tinawag noong Vance.

"Lux!" He called her with proper room volume. "Nakapila ka pala! It's your turn," tumawa ito at pinaupo siya sa high chair.

I couldn't help how he could make the atmosphere so light and very boyish.

"Dahil pinsan kita, pwedeng wacky." He chuckled as Luxine made faces to her cousin's remark.

Mabilis na natapos si Luxine at dumiretso ito sa lamination sa side para hintayin ang finishing ng ID niya. Nakalimutan kong manalangin na bumagal ang oras para hindi muna ako sumalang. Abot-abot tuloy ang kaba ko nang dumapo ang tingin sa akin ni Vance.

Hindi alam kung saan babaling, nag-iwas na lang ako ng tingin at hinayaan ang mata sa unang makikita. Unfortunately, my eyes landed to the eyes of the man beside Vance. Nagtama ang paningin namin at parang mas higit pa ang heart attack ko doon kaysa sa idea ng pakikipagtitigan ko kay Vance.

This man's eyes were dark and menacing. Para bang wala itong ibang kaukulan kundi mang-intimidate ng sinomang tititig doon. His thick eyebrows only made it darker and more intense. Dagdagan pa ng labing hindi marunong ngumiti, sunod-sunod tuloy ang tahip ng puso ko bago nagawang magbawi ng tingin sa kaniya.

I returned my gaze to the now busy Vancellion. He was fixing the camera before he looked at me.

Nanginig ang labi ko sa kaba. Inilugay ko ang buhok para may lumaglag sa magkabilang side at hindi ako magmukhang kalbo gaya sa previous school IDs ko. Kabado nga lang ako habang naghahawi ng ligaw na mga hibla.

"Good to go?" He asked with a bright smile that only showcased his perfect white teeth.

Wala sa sarili akong napatango.

"Okay, in three, you must smile." Bilin niya bago sumilip sa camera. "One, two.. three!"

I smiled my best, trying to hide my awkwardness with my curved lips yet also trying to look as breath-taking as I could be. I have to leave an impression. I have to be remembered. Gusto kong matandaan niya ako kahit na siguradong I look pretty normal compared to all the faces he had been capturing that day. Nakakatawa pero iyon talaga ang gusto kong mangyari ng mga panahong iyon.

I didn't know how I finished the pictorial. Basta nakita ko na lang ang sarili kong pumalit kay Luxine sa pila ng ID printing.

Nandoon na naman yung lalaki. Nagulat pa ako nang makita siyang nakatingin sa akin. Binawi ko ang mata ko at ibinalik kay Vance na nagpipicture naman kay Gallustine.

Gallustine has no marks of gayness. Lalaki ito tumindig, manamit at lumakad kapag gusto niya.

Pag magsalita man ito ay ganoon din. Inaatake nga lang minsan nang kabaklaan at nasisira lahat. Mula paglakad hanggang pagsasalita, nababahiran ng kabaklaan.

However, his normal mode was man-mode. Main reason why Griffie sometimes forgets our friend is a man-hunter, too.

Natatawa ako habang minamasdan si Gal na ngumiti sa camera. Mukhang lalaki at makakagoyo talaga.

"'Tol, medyo stiff ka," puna ni Vance.

Muntik na kaming mapabunghalit ng tawa ni Griffie.

'Tol ka pala eh!

Labas na naman sa ilong ang hininga ni Griffie. Kaunting kaunti na lang ay sasabog na at ang tahimik na photo studio na lang ang pumipigil sa kaniya.

I bit my lips and tried to stop my laugh. Tuwang-tuwa pa 'ko sa panonood nang tuktukin nang mahina noong lalaki sa printer ang lamesa.

Napabaling ako sa kaniya. He had these dark and annoyed eyes, "You look so amused." Malamig ang boses nitong sabi.

Nagparte ang labi ko sa gulat. Ako? Halos lumingon ako sa likod to check if he was really talking to me. At kung ako nga, ano na naman kung amused ako?

"Bawal po ba... kuya?" Nahuli pa ang pagtawag ko sa kaniya ng kuya.

Kinakabahan kasi ako sa dilim ng titig niya sa akin. Parang may hindi siya nagustuhan sa ginawa ko when as far as I could remember, tumayo lang naman ako dito at pinanood sina Vance at Gallustine.

Hindi siya sumagot. Isinenyas niya lang ang ID ko na nasa harapan ko na at pinangtuktok niya pala kanina.

Ah.. galit yata ito dahil pagod na. He wants his works done.

Alanganin kong kinuha ang ID bago siya tiningnan ng isa pang ulit. Seryoso na ulit sa computer ang mata niya at busy sa editing.

Tumalikod na sana ako paalis nang mapansin ko si Vance na tulalang nakatingin sa amin.

What? Ano na naman? At bakit siya tumitingin ng ganoon?

Pakiramdam ko nahuhulog ako sa maliliit niyang kilos.

Laglag ang panga nito bago lumapit sa side namin. Iniwan niya si Gallustine na nakaupo pa rin sa high chair na hindi pa tapos dahil nagwacky ito sa first shot.

"You talked to her?" Bulong ni Vance.

Mahina iyon pero sapat lang para magkarinigan kaming tatlo. Pinagtaasan siya ng kilay noong lalaki sa computer.

"The student," iminuwestra nito si Gal pero umiling lang si Vance, ayaw siyang tantanan.

The guy on the computer looked at me after. Probably, to check my reaction because the two of them are weird.

"Miss, kinausap ka nito?" Mahinang tanong din sa akin ni Vance.

Tinabig siya noong lalaki sa braso at sinimangutan. "Vance, finish your work."

Vance chuckled and probed more, pissing the guy more and enjoying himself more with something I couldn't figure out.

What's the big deal if he talked to me? He sure looks very antisocial pero hindi naman siguro big deal na kumausap siya ng iba. And besides, his remark a while ago wasn't very friendly nor patient.

"Di nga, Miss?" Vance was on it again.

Napatango na lang ako. "Yes, but he seemed.. annoyed." Hindi ko matingnan ng diretso ang lalaki.

Tumawa lang si Vance at tinapik ito sa likod. The big brother beside him only scoffed and diverted his dark gaze on the computer screen.

I took that chance for an awkward exit. But since then, I always had my eyes.. set on Vance.

He's the upperclassmen I secretly admired. At tama sila, habang lalo mong tinatago, habang lalo mong dinedeny, lalo kang.. nahuhumaling.