Chereads / All the White Roses / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

August 14, 2018

Hindi na nasundan ang interaksyon ko kay Vance o kahit.. sa kaibigan niya. I realized na sobra-sobra na yata ang pagkahumaling ko kay Vance na pati ang mga taong malapit sa kaniya ay napagtutuonan ko ng pansin.

At the back of my mind, I concluded it's starting to get unhealthy for me. Baka mamaya ay maging obsessed na ako dito na handang alamin maski brand ng boxer nilang magkaibigan.

That's why when the school year ended with us no longer having accidental meet-ups and that I managed to survive everyday without them passing on my mind, I was convinced that I'm not getting in that horrifying obsession level.

Hindi pa ako adik sa kaniya. Hindi rin ako malapit dumating sa puntong magpapahaging ng nararamdaman ko para kay Vance. Hindi rin siguro kahit umamin sa kaibigan niya na tama ang hinala nito na oo, gusto ko si Vance.

I'm keeping my feelings to myself. I'm not ready para maging kumpulan ng tukso. I'm too young for love and relationships, anyway.

Bumaba ulit ako ng school bus, isang normal na hapon ko noon bilang Grade 12 student.

May variation na ang oras ng uwi ko. Hindi gaya last year na puro alas tres. Iba-iba na kada araw pero ang pinakahuli namang oras ng uwi ko ay 5:30. Tuwing Thursday iyon na tulad ngayon.

Bitbit si Dunzen sa kaliwang kamay at ang bag pa din sa kanan, maligaya akong pumasok sa gate namin. Ganito lang lagi ang ginagawa ko. If only the white roses in our garden have a brain, for sure, they would have memorized my going home routine by now.

Papaliparin ko sana ulit ang pinto gaya ng araw-araw kong stunt pero natigilan ako nang may makitang isang pares ng panlalaking sapatos sa doorway. Hindi ugali ng sinoman sa amin ang mag-iwan ng sapatos sa labas. At hindi rin ganito kalaki ang paa ni Jat o ni Daddy man.

The shoes seemed to be around size eleven or twelve.

Isa pa, wala rin akong matandaan na may ganitong sapatos si Daddy o Jat. May Nike sila oo. But this one seemed to be a limited edition.

Kanino ba 'to? At saka.. ang galang ha! Nag-iiwan pa talaga ng sapatos.

Mahinhin akong nagbukas ng pinto. Wow di'ba? May ganoong side pala ako! Lahat naman yata.. plastik pag may bisita.

My eyes quickly surveyed the area but no one was there. Malinis ang salas. Parang hindi man lang nagusot ang sofa. Even the floor had no traces of a weird human being.

Nagkibit-balikat ako at dumiretso sa kusina. Mommy was in front of the oven, waiting for the browning of whatever pastries she put inside.

"Mother!" I said mimicking a British accent.

"Shh!" Suway agad ni Mommy. She shoved her hand, gesturing for me to keep quiet even for a while.

Umupo ako sa isa sa mga bangko at humalumbaba.

"Bakit ba parang busy ka masyado d'yan?"

"Huwag ka masyadong maingay at baka maistorbo mo ang kapatid mo sa taas. May tutor siya ngayon."

"Eh?"

"Oo. Hindi ba't nanalo siya sa Division? He's going to the Regionals by September." Pagpapaalala ni Mommy sa'kin.

I immediately remembered that it's about the Math Quiz Bee. Jat was aiming for another National Trophy. Kaniya na iyon mula noong Grade 3 siya at Kumon lang ang pinasukan niyang training.

But since Grade 7 na siya ngayon, medyo naiba na ang pinag-aaralan. Maybe, there enters the need for a personal tutor. Baka ayaw niyang Kumon lang ang back-up niya.

Sa pagkakaalam ko din kasi, he wants to enter a certain international contest. Ewan, bahala siya.

Matalino man ako but not to Jat's level. He's certainly three steps ahead of me and my friends. National contest for us is a dream and to survive Regionals is already an achievement. Pero para sa kaniya, National Champion is an annual award and the real deal to close is SIMOC.. or higher.

Hindi kami umabot sa four-year winning streak na tulad ni Jat. Hindi man lang kahit back to back. And I have long accepted that my brother is much more gifted than I am. Hindi ko naman iyon ipinanaghili sa kaniya.

And that also means that my pet name 'rotten' for him is nothing but a lie. I just wanted to tease him. He was nowhere near the level of bulok. Alam kong Math Wizard talaga siya.

Nakakatuwa lang talaga siyang asarin noon. Kapag kasi may pinapasagutan siyang problem sa akin, namumula ito na parang masakit ang ego niya na hindi niya pa rin iyon kayang sagutan at kailangan niya pang humingi ng tulong sa akin.

Solving those algebraic expressions at the age of 10 was a feat but I don't want to fill his head with air so I kept telling him he has lots left to learn.

Noon 'yon. Ngayon kasi ay wala na yata akong alam na hindi niya alam. He had every Math book in the house covered.

Palagay ko naman ay hindi siya lumaking mayabang. Adik lang siguro at obsessed sa Math. Mas tamang deskripsyon iyon.

"Bakit po nasa kwarto sila?"

"Dahil baka raw dumating ka."

"Grabe! Ano naman kung dumating ako?" Ngumuso ako.

"Maingay ka," walang prenong sabi ni Mommy. Hindi man lang napigilan ng pout ko ang pagkaprangka niya.

Umismid ako at kinuha ang tissue holder na nakatayo sa lamesa. Tinusok ko ang tagiliran ni Mommy gamit iyon.

"Jiana!"

Humalakhak lang ako bago sumibat paalis.

I passed by Jat's door as I walked towards my room. Tahimik ang kwarto niya. Mukhang katulad niya lang ang tao doon na mababa ang boses.

I remembered the shoes outside the door. Nasisiguro kong lalaki ang tutor niya at mukhang bata pa dahil sa style ng sapatos. Kasi.. come on, I couldn't imagine some oldies sporting that neon-colored Nike Limited Edition. I'm sure teenager ito o di kaya'y nasa 30's man lang.  Not that neons isolate an age, ha.

Malapit ko nang lampasan ang kwarto ni Jat nang bigla iyong bumukas. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ang pagbukas ng bibig ko.

Again?!

"You! W-What are you.. w-why are you.."

I cannot formulate a question out of shock.

Dice Del Sierra standing outside my brother's door in a fresh gray shirt and cargo shorts had my linguistic skills flying away. He stood there with those enigmatic black eyes, arrogant eyebrows and pursed lips. Litaw na litaw ang maputi nitong balat sa braso at habang tinitingala ko siya ay lalo kong napapansin ang agwat namin sa height.

This cold tower!

Tinaasan lang niya ako ng kilay. I realized we never really had a proper conversation. Bukod sa pagsusungit niya at pautal-utal kong mga pangungusap, wala kami masyadong napag-usapan noon man.

We are plain acquaintances. Kung iiba man kami ng label, mas malapit iyon sa enemies kaysa friends. Patunay doon ang hindi mabilang niyang ismid tuwing nag-uusap kami.

And.. and last time I checked, hindi maganda ang lumabas sa bibig ko! At ang sagot niya sa seminar na iyon.. nagbigay pa sa akin ng maraming problema.

Tumingin ako sa silid ni Jat. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko doon. Perhaps textbooks? Wala. Gusto ko lang iverify na iyon nga ang sadya niya dito.

Kaso.. hinarangan niya bigla ang line of vision ko! At pinagsarhan ako ng pintuan!

Napabaling ako sa kaniya pero sinalubong lang ako ng tiim-bagang nito.

"Wala siya sa loob."

Napakurap-kurap ako. "H-Huh? Wala si Jat?" Eh anong ginagawa niya doon?

"Wala si Vance sa loob."

Nalaglag ang panga ko. Vance again? Paano na naman nadawit ang kaibigan niya dito? Is he really going to push that every time we meet?!

"Kung hinahanap mo siya, sorry to disappoint you. It's just me, Jiana." Mapakla niyang sabi.

"H-hindi ko.."

"Yeah right." At pagkatapos ay nilampasan ako ng glacier! Huh!

'Yan ang hindi insecure ha?

Kabado ako nang bumaba ako sa hapunan. Akala ko ay nandoon pa rin ito pero buti at wala na. I feel like I was suddenly born free.

"Ano palang napag-usapan niyo?" Si mommy habang nagsasandok ng rice para kay Daddy.

"Sabi ni Kuya Dice, every after class ko daw po. Except Fridays and of course, weekends. Gaya kanina, three hours po." Jat replied nonchalantly.

Nabulunan naman ako ng kanin.

Four days?! At tatlong oras kada araw?!

Mukhang mabubulok ako sa kwarto ko hanggang hindi nananalo itong si Jatrium!

"And if you win the Regionals? The tutorials would stop?" Ako, umaasa na hanggang Setyembre na lang ang nagbabadyang araw-araw na kaba para sa akin.

"Are you kidding Ate?" He took a bite, swallowed it fully before replying again. "Of course, I have to train more for Nationals. Baka nga araw-araw na kami pag ganoon. At mga apat o limang oras."

Araw-araw! Limang oras!

Damn it! I need to pluck this brat's brains out! Binibigyan niya ako ng sakit ng ulo! Kung wala na siyang utak, edi walang contest! At kung walang contest, walang tutor! Brilliant! Sayang at ilegal iyon.

The next day, I was fine when I was in school. Normal ang takbo ng pangyayari sa buhay ko. Tamang recitation at pagkakaipit sa World War nina Gallustine at Griffie.

Naramdaman ko na lang ulit ang kaba nang nasa school bus na ako. 3:30 pa lang ngayon. Kahapon ay 5:30 ako umuwi. 7:30 nang magdinner pero wala na daw si Dice at mag-iisang oras nang nakaalis. Kung three hours siyang nagturo, wala na siya by 6:30, ibig sabihin dumarating siya around 3:30.

Tama, di'ba?

Lumunok ako habang lumalapit ang bus sa gate namin. Gusto kong sabihin sa driver na wag muna akong ibaba. Ipanghuli na ako dahil masaya sa bus niya pero sayang sa gasolina dahil out of the way na pag ibinalik pa ako ulit dito.

The bus stopped. I went down, picked up Dunzen and died when a black car dropped a freaking Del Sierra in front of me.

"Ate, pick me up by 6:30."

"Roger that," kumindat ang ate niya at tiningnan muna ako bago nagdrive paalis.

I stood there like a tree. Inugat na lang at hindi na nakaalis.

"He's not with me."

Nang-aasar na ang tono niya nang sabihin iyon. It wasn't as bitter as yesterday. It sounded like a mock and tease now.

"I said I wasn't looking for him!" Tanggi ko.

Why is he teasing me that I ache for his friend so much? Well yeah! Totoong gusto ko ang tao pero halata ba 'yon? At isa pa, hindi naman ako ganoon na hahanap-hanapin iyon anomang oras!

He passed by me. Dire-diretso siya sa pavement papuntang front door namin.   Kumatok. Inimbitahan ni Mommy. Naghubad ulit ng sapatos nang pumasok na sa loob.

I followed afterwards. Humalik ako kay Mommy pero wala sa akin ang buong atensyon niya.

"Dito ka muna sa salas, hijo. Hindi ba nagtext sa'yo si Jat? Ang batang 'yon talaga. Malelate daw siya ng uwi dahil may review siya ng kalahating oras sa coach niya." Ani Mommy.

"Nagtext po. Pero ngayon lang pong nasa tapat na ako ng bahay niyo." Magalang niyang tugon.

"Ah ganoon ba. Naku, magpahinga ka na lang pala muna d'yan. Galing ka din yatang school. I'll prepare some snacks."

Totoo naman dahil nakauniporme pa ito. His school bag hanging on his left shoulder, he sported the college uniform in a good school boy attack. Isang tingin mo sa paraan niya ng pagdadala ng sarili, it leaves an impression that he's a potential Summa Cum Laude.

"Kahit wag na po. I just ate, Tita."

Mommy didn't listen but had her way on our kitchen. Katwiran niya ay magugutom din sila mamaya. Mahaba pa ang tutorials at kakailanganin din nila ng meryenda.

"Ibigay mo ito kay Dice, Jiana."

Kabababa ko pa lang galing kwarto. Nagbihis ako at may balak lang sanang uminom ng tubig bago ulit magtago sa lungga but Mommy's handing me a tray of cookies with a glass of fresh milk.

"Ako po?"

"Hindi. Baka ang Daddy mo, Jiana. Sige at tawagin mo sa planta dahil uutusan ko kamong magdala ng meryende sa salas."

Napangiwi ako sa sarkastikong sagot ng ina.

"Ikaw na, Mommy."

Ngumanga si Mommy at ipinagduldulan sa kamay ko ang tray. "H'wag kang tamad. Maglakad ka."

At nagkutingting muli siya sa kusina. She wasn't even aware how much she's driving her daughter to a heart attack.

My walk to our salas felt like a death march. Pigil ko ang hininga ko nang ilapag sa coffee table sa harap niya ang tray.

"Merienda daw.." maliit ang boses na sabi ko.

I looked at him. Napapitlag ng kaunti nang makitang sinusundan niya ang bawat galaw ko. Like an officer on patrol, watching me intently.

"Have you eaten?"

May kung ano sa napapaos niyang boses ang palaging nagbibigay sa akin ng palpitation. Pinakiramdaman ko ang sarili. Inalalayan ng husto ang tuhod at baka biglang manlambot sa harap niya.

Umiling ako, "I-I'll just get my own."

Tumango siya. Silence stretched and before it becomes too awkward, pumihit na ako paalis.

Sana.

Dahil parang ayaw ng panahon na sa ganoon na lang matapos ang kabado kong moment, biglang tumunog ang telephone sa tabi ng inuupuan niya.

Nagkatinginan kaming dalawa bago niya itinuro ang obvious na nagriring na telepono, "There's a call."

My breathing hitched when I walked past him to pick up the call.

"Hello?"

"Jiana babes!" Nailayo ko ang telepono nang sigawan ako ni Griffie.

Nagkatinginan pa kami ni Dice. Tumalikod ako dahil hindi ako komportableng nanonood siya.

"Why are you calling here?"

She usually chats me or calls over my phone. Ano ang trip niya at biglang sa landline namin tumawag?

"Nagkaroon ng problema sa net namin huhuhu!" She cried loudly. "And.. wala akong load!"

Napairap ako sa hangin.

"Why are you calling me anyway?"

"Calculus beh! Hindi ko masolve!"

Griffie is usually the diligent type. She wants her tasks done as early as possible. Kaya kauuwi pa lang namin ay umuungot na ito ng assignment.

"Hindi ko pa nakikita. Anong number ba?"

"Three! Grabe nawindang na ako! Hindi ko alam kung inaatake ba ako ng pagkaslow o ano."

"Hindi.." sabi ko. "Mahirap lang talaga lesson natin sa calculus ngayon. Nakakabuffer. Ano bang nasa problem?"

"Basta tingnan mo! Cook your brains out!"

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Hay naku! Kung may boyfriend lang akong Engineering, edi problem solved! Si Vance o kaya yung kaibigan niya, pwede na!" She laughed wickedly again.

I was so thankful na hindi siya naririnig ng lalaki sa salas namin na tahimik na umiinom ng fresh milk. Nakakahiya pag nagkataon.

"Shut up," saway ko pero tawa lang ang sagot niya. "I'll call you back. Check ko muna notebook ko sa taas. Sa phone mo na lang ako tatawag." I said before ending the call.

Yumuko ako para lumakad sa harap ng bisita. Doon lang kasi talaga ang daan paakyat ng kwarto.

"Homework?"

Napalingon ako bigla nang magtanong siya. He was lazily flipping his phone with his left hand habang sa kanan ay pinaglalaruan ang cookies.

Napatango ako, "Y-yeah."

"You need help?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi kami close para magpatulong ako sa kaniya. At saka.. ang awkward lang!

Anong sasabihin ni Mommy? Inabuso ko na ang tutor ng kapatid ko.

"Or.. hindi ako ang gusto mong tumulong sa'yo?" Tumango siya. "Ah.. baka ibang engineering student.."

"Fine!" Napasigaw ako bago niya pa madawit na naman si Vance! Mamaya ay marinig pa ni Mommy ang pang-aasar niya sa akin doon.

He chuckled hearing my forced yes.

"A-And will you stop mentioning your friend?" Sumilip ako kay Mommy dahil baka nakikinig.

Lilingon din sana siya pero hinawakan ko siya sa pisngi at iniharap sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa. His lips parted and his eyes softened for a while. Para naman akong napapaso na binawi ang kamay mula sa pisngi niya.

"S-sorry." Tumikhim ako. Alright, I was touchy there. Bad reflex. "B-basta kasi wag mo akong inaasar dito. Baka marinig ni Mommy.."

Tumango siya. "Bawal ka magboyfriend." He concluded.

Umiling ako. Mabilis na tumaas ulit ang kilay niya sa pagtanggi ko. "I mean.. Yes, bawal nga.. pero h'wag mo iparinig dahil.. ayoko ng inaasar.."

"Good."

"Huh?"

"It's good to hear na bawal ka magboyfriend."

Napanganga ako. Ano naman sa kaniya? Isa talaga siya sa mga taong may pinakamalabong issues sa buhay.

"What?" I asked, a little left in the dark.

"You can't make a move to Vance. It's good to hear." He said softly.

Napuno naman ako ng inis sa narinig. Ano ba talagang problema niya sa akin? Why is he so against with me and Vance? Ayos naman ako ah! Tingin niya ba hindi ako deserving para sa Rank Two ng College of Engineering?!

Umirap ako at nagmartsa paakyat. Galit akong naglakad sa hagdan but he had one more thing to say.

"Get your notebooks down here, Jiana. Or.. I'll really tell your Mom."

Napahinto ako sa inis at tinapunan siya ng masamang tingin. Nervousness be damned, I glared at him.

Nagdadabog ako hanggang sa kwarto ko pero mayamaya din lang ay nakikita naman ang sariling.. heto.. bumababa ng may dalang notebook!

You cold-blooded, badass, blackmailing tower! Grr!