"KUYA ORANGU NAMAN! LUMAYAS KA NA NGA DITO SA KWARTO KO. ANG GULO MO NAMAN EH!" yamot na bulyaw ko sa kuya ko dahil sa panggungulo nito sa tulog ko. Ang aga-aga pa e naninira na agad siya ng araw. Kainis naman oh!
Kinuha ko ang kumot ko at saka nag talukbo ulit para matulog.
"GUMISING KANA KASI DIYAN! ISA NALANG TALAGA CHEMPANZ AH! MALILINTIKAN KANA SA'KIN!" pambabanta nito na ikinaikot ng eyeballs ko. 'Bw*sit naman oh!' Padabog akong umupo sa kama ko at saka ginulo ang buhok ko dahil sa pagkayamot.
"Good morning Chimpanzee! Mag-ayos kana! May pasok pa tayo!" Nakangiting aso na tugon ng hinayupak kong kapatid tsaka marahang ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Dinampot ko ang unan na katabi ko tsaka ito binato sa kaniya pero sa kasamaang palad ay hindi na siya tinamaan dahil tumabko na agad siya palabas ng kwarto ko. Nakakairita talaga ang damoho na iyon. Araw-araw nalang e sinisira niya ang umaga ko. Bakit pa kasi ako nag karoon ng kapatid na unggoy? Tsk!
"DAMN YOU KUYA ORANGU!!!!!" pahabol na sigaw ko pa dito habang inaayos ko ang salamin ko sa mata. Tumayo na ako at saka dumeretso na sa may bathroom.
Habang naliligo e magpapakilala na muna ako sa inyo. ^________^
Hi. Mandy Hezeya Evans is my name. 18 years old. Galing sa mayamang angkan. My mom is a doctor and my father is a famous business man. May-ari kami ng isang sikat na entertainment company at iba pang businesses na pinagkakaabalahan naman ni Dad. Meron akong nag-iisang nakakatandang kapatid na lalaki. He is Greg Evans. Ang damoho na'yon ang dahilan ng pagkasira ng araw ko tuwing umaga. Matanda siya sa'kin ng isang taon at nasa second year college na siya ngayon. Myembro siya ng isang sikat na banda na kung tawagin e Kings at sobrang sikat ng banda na'yon worldwide. Dalawang beses nga sa isang buwan sila kung mag concert sa iba't ibang sulok ng bansa. Teka. Bakit ba 'yong kapatid ko na'yon ang ipinapakilala ko? Balik na nga tayo sa akin. 'Yon na nga, hmm... Isa akong dakilang nerd. Yes po! Nerd ako at hindi isang sikat na individual. Wala rin akong kaibigan hindi dahil walang nakikipag kaibigan sa'kin kung hindi dahil umiiwas ako sa mga plastik. Mararami namang nakikipag kaibigan sa'kin at ang reason nila e.... Gusto nilang mapalapit sa kuya ko. Tsk! =________=
Patakbo akong bumaba sa malawak na hagdan ng mansion namin at dumeretso agad sa may kusina. "Nanay Teresa asan napo si kuya Orangu?" Humahangos na tanong ko kay nanay Teresa. Siya ang nanny ko simula bata palang ako. "Nako ija. Kanina pa umalis ang kuya Greg mo." Napabusangot naman ako sa sagot ni nanay Teresa. 'Bwesit talaga ang orangutan na'yon!' Inis na bulalas ko sa isipan ko. Huwag na kayong mag taka kung bakit Orangu ang tawag ko sa kaniya at chempanz naman ang tawag niya sa'kin. Paraan kasi namin 'yon para asarin ang isa't isa. Hanggang sa kinasanyan na nga namin na 'yon ang itawag sa isa't isa. Ang galing 'diba? ^____________^
"Mang teroy mag cocommute po ako mamayang uwian. Huwag niyo na po akong sundoin." Paalam ko sa driver ko habang bumababa ako ng kotse. Nandito na ako sa harapan ng eskwelahan ko ngayon at nagpahatid nalang ako sa driver namin dahil iniwan ako ng magaling kong kapatid. Mabuti nalang at hindi pa ako late. "Sige ho ma'am Mandy. Mag-iingat nalang po kayo. Maraming masasamang loob ang nagkalat ngayon sa paligid. Baka mapano po kayo!" Nginitian ko lang naman siya tsaka tumango. "Okay po." Tugon ko. Nag paalam muna ako sa kaniya bago nagsimulang mag lakad papasok sa gate ng Kings High University. Ang pinaka sikat na school sa buong bansa. Kilala itong school na'to bilang school for elites. Puro kasi anak ng mayayamang persona ang mga nag-aaral dito.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko papasok sa KHU ay mapanghusgang mga mata na agad ang sumalubong sa'kin. Humigpit tuloy ang hawak ko sa strap ng bag ko ng mag-umpisa nanaman silang mag bulongan.
"YUCK! LOOK AT HER. NAKAKADIRI TALAGA ANG MUKHA NIYA!"
'nakakadiri talaga? Ansakit namang magsalita ng isang 'to! Kala mo naman ang ganda niya. E mukha namang pwet ng kabayo ang mukha niya! -_____-'
"KAPATID BA TALAGA SIYA NI GREG? BAKIT ANG PANGIT-PANGIT NIYA? SIGURO AMPON LANG SIYA!"
'Baka siya ang ampon. Kala niya ikinaganda nila ang pang kukutya nila sa'kin. Tsk!'
"MAY SUOT PA SIYANG EYEGLASSES AT BRACES. MAS LALO TULOY SIYANG NAGMUKHANG WEIRD!"
'Eh ano naman kung may suot akong eyeglasses at braces? Pag nagsuot ba ng mga 'to weirdo agad? Tsk!'
Yumuko nalang ako at hindi nalang pinansin ang mga bulongan nila na kung tutuosin ay hindi na matatawag na bulongan dahil naririnig ko naman ang mga ito. -_________-
*SPLASSSHHH*
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng malamig na tubig sa ulo ko. Hayst! Ang aga-aga may pa ice bucket challenge na agad sila para sa'kin. Ang sweet naman nila. =__________=
"Ohhwwww!!!! Poor nerd!"
"Iiyak nayan! Iiyak nayan!"
Napabuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang sarili ko. Siguro kung unang beses itong nangyari sa'kin e maiiyak talaga ako. Pero dahil nga araw-araw namang nangyayari sa'kin ang mga bagay na'to ay nasanay na ako. At masyado na akong sanay para ngumuwa pa na parang bata sa harapan nila.
Iniangat ko ang paningin ko at nakitang halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa'kin at pinag tatawanan ako. Lahat sila e nag sisigawan nang 'iiyak na'yan!' pero hindi ako isang robot na susunod sa mga gusto nila. Imbis na umiyak ay binigyan ko nalang sila ng isang malawak at totoong ngiti. Ika nga nila 'Smile is the best form of revenge' at 'yon nga ang ginagawa ko ngayon. Mamatay sila sa inis dahil hindi na naman nila nagawang sirain ang araw ko.
^____________^
"Thanks for the effort. I really appreciate it!" Magalang na saad ko sa kanilang lahat na siya namang ikinalukot ng mga mukha nila. Gusto ko tuloy matawa habang nakatingin sa kanila ngayon. Their faces are priceless. 'Sorry bitches, but bully can't ruin my day.!'
"NASA KABILANG CORRIDOR NA DAW ANG KINGS!!!" sigaw ng isang beki at mabilis na tumakbo papunta sa kabilang corridor. Nag tilian naman ang mga estudyante na kanina lang e pinag kakaisahan ako at saka mabilis na nagsitakbohan din papunta sa kabilang corridor kung saan daw dumadaan ngayon ang kinababaliwan nilang Kings.
Napailing nalang ako sa nakitang ganap ngayon sa kabilang hallway. Parang bigla tuloy nag ka apocalypse dito sa KHU dahil sa mga nababaliw na babaeng halos maputolan na ng litid dahil sa kakatili.
=______________=
Napatingin ako sa limang lalaking taas noo na nag lalakad ngayon sa gitna ng hallway sa kabilang corridor. Sila ang Kings. Grupo ng isang sikat na boyband na binubuo ng limang nag gagwapohang mga lalaki. They possessed both goddess faces and popularity. And also those bunch of dumbass came from a very rich families. Kasama si kuya orangu sa kanila. Kung hindi niyo pa nakakalimutan, sinabi ko kanina sa self intro ko na myembro si kuya ng isang sikat na boyband worldwide at ang boyband na'yon ay kilala bilang Kings. Napairap ako ng makita ko si kuya orangu na panay ang kindat sa mga babaeng nadadaanan niya. Nasabi ko narin ba sa inyo na mga ultimate playboys ang mga Kings nayan? Kung hindi pa, e ayan at nasabi ko na. Hehe
^__________^
Napatingin ako sa lalaking nangungunang mag lakad sa kanila. Nakapamulsa pa ito at nakapoker face. He is Adam King. Leader at ang lead vocalist ng grupo. Sobrang sikat at kinababaliwan ng mga babae. Gwapo naman siya kaso nga lang playboy. =________=
Simula elementary ay mag kaklase na kami ng mukong na'yan. Isa siya sa mga nambubully sa'kin at siya din ang nag pauso sa pag tawag sa'kin ng nerd. Nabansagan tuloy akong campus nerd ng dahil sa kaniya. Pft >____<
Mga lalaking dinaig pa ang mga babae kung lumandi. Araw-araw kung mag palit ng mga babae. Dahil nga sa pagiging playboy nila e nauso ang tinatawag nilang the playboy's playlist. Isang listahan kung saan mapapabilang ka lang once na nakarelasyon mo ang isa sa kanilang lima. Bawat isa sa kanila ay merong playlist. And yep! Kasama na po doon ang orangutan kong kapatid. Tsk!
Makaalis na nga lang. -______-
Nagpatuloy na ako sa paglakad at dumaan muna ako sa locker ko para mag palit ng uniform bago nag punta sa first subject ko.
"Wow girl. Kayo naba talaga ni Veno? Ibig sabihin malalagay kana sa playlist niya. wow. Nakakainggit!"
"Oo nga. Huhu. Sana ako din. I like Zeko so much. Handa akong gawin ang lahat para lang mailagay sa playlist niya."
"Veno is a sweet guy. Alam niyo. Kahit 2 days palang kami. Nafefeel ko na ang sweetness niya sa'kin and shit! Nakakakilig mga bess."
"Pang ilan ka ba sa playlist niya?"
"Pang fifty-five. But that doesn't matter. I'm pretty sure naman na ako na ang huli sa playlist niya."
Itiniklop ko ang libro na binabasa ko.
=________________=
Hay. Kailan pa kaya matatapos ang tsismisan na'yan tungkol sa mga playboy na'yon. Araw-araw nalang e napupuno ang tenga ko dahil sa mga tilian at tsimisan ng mga babae tungkol sa mga Kings na'yon. Tsk! Embyerna.
"KYAAAA!!! KINGS ARE HERE NA.. BLAH-BLAH-BLAH-BLAH!"
Hindi ko nalang pinansin ang tilian na iyon ng mga kaklase ko. As always. Nagkaka apocalypse na naman dito sa klasrom namin. Para tuloy akong nasa train to busan dahil sa mga nag wawalang mga babae sa labas ng klasrom namin. Para silang mga zombie na sabik makakagat ng tao. Creepy =________=
Nakita kong pumasok na sa klasrom si Adam King, Veno Fraser at Renso Harris. Tatlo lang sila dahil si kuya ay nasa second year college na at 'yung isa naman nilang myembro na si Zeko ay tourism ang kurso kaya nasa ibang klasrom siya. Business Ad naman ang kurso namin.
Agad na nag kumpolan ang mga kaklase kong babae sa last raw ng classroom at impit na tumitili. Natural na ang ganap na ito sa klasrom namin araw-araw. Ganon talaga siguro kapag may kaklase kang sikat. Ako lang ata ang naiwang babae na nakaupo at hindi nag abalang makisabay sa mga babae sa likod e.
=____________=
Ibinalik ko nalang ang focus ko sa librong binasa ko. Wala din naman akong mapapala kung titigan ko nalang na parang tanga ang tatlo na'yan. Masasayang lang ang oras ko.
"A-adam!"
"...."
"Ahmm--ginawa ko itong cookies for you. Sana magustohan mo!"
"...."
"Babe. Bakit hindi ka sumasagot? You don't like it? Gusto mo ba na cake nalang ang e b-bake ko?"
"What's this for?"
"Masaya lang kasi ako dahil umabot tayo ng 24 hours. Kaya iginawa kita ng cookies. Masara----
"Are you serious? You really want me to eat this trash?"
"H-huh?"
*Blag*
Naisara ko ang libro na hawak ko ng marinig ko ang kalabog na'yon. Nakita ko ang cookies na nag kalat sa sahig at ang lalagyan nito na mukhang nasira ata.
"Break na tayo!" Adam.
Si Selena pala ang kaharap nito. Isa sa cheer leader dito sa school. Maganda si Selena at sikat din siya. Kahapon lang e bali-balita na sila na ni Adam pero tignan mo nga naman. Mukhang na 24 hours mag jowa challenge ata itong si Selena. Tsk! Tsk!
Kung bakit ba naman sa isang playboy pa siya nakipag relasyon? At kay Ivan king pa talaga na walang ibang ginawa kundi ang paglaroan ang feelings ng mga babae. Tsk! Halang pa naman ang kaluluwa ng playboy na'yan. Ayan tuloy't nasaktan siya! Napailing ako. Kawawa naman si Selena.
Umiiyak na tumakbo naman si Selena palabas ng klasrom namin. Binalingan ko ng tingin si Adam na bored lang na naglalaro ngayon sa cellphone niya. Tsk! Playboy talaga ang hinayupak na'to.
Napatingin din ako sa katabi nitong si Veno. Nakakandong sa kaniya si Eleza na isa sa mga nag tsitsmisan sa likud ko kanina.'Tsk. Isa pa 'tong damuhong na'to!'.
Tinignan ko ang katabi ni Veno at napangiti ako. 'Buti pa itong si Renso, mabait at hindi playboy.' Wala pa kasi akong nabalitaan na pinaiyak niya. Hindi din siya kagaya ng ibang Kings na mahahangin at gwapong-gwapo sa sarili. Kaya nga lihim akong humahanga sa kaniya e. Simula no'ng high school kami ay lihim na akong humahanga sa kaniya. Pero mukhang hanggang dito nalang ako. Isang nerd na lihim na humahanga sa isang sikat na lalaki. Sighed
'Oh-Renso. Bakit kay hirap mong abutin?'
"GOOD MORNING CLASS! SETTLE DOWN. MAY BAGO KAYONG KAKLASE!" Umiwas nalang ako ng tingin kay Renso at itinuon nalang ito kay sir Castillo. Napatingin ako sa babaeng nakasunod sa likod ni sir.
"Oh my gosh! Nakakatakot siya."
"Tignan mo. Para siyang multo!"
"Bakit ganiyan ang mukha niya? Gosh. She's creepy!"
Grabi naman 'tong mga 'to! Wala namang masama sa mukha nitong bago naming classmate ah. 'Yun nga lang masyadong mahaba ang bangs niya tipong natatakpan na ang mga mata niya. Medyo nakayuko din siya at mahaba ang kulay itim na itim niyang buhok.
"Ms. Perez, kindly introduce yourself!"
Tumingin sa amin iyong babae at saka marahang kumaway. Medyo nakayuko parin ito at hindi man lang ngumiti.
"I'm Natsumi Perez. Nice meeting you all!" Saad nito at saka marahang yumuko.
"Okay. Mag hanap ka na ng mauupoan mo ms. Perez."
Napairap ako ng makitang agad na inilagay ng mga kaklase ko ang mga bag nila sa mga bakanteng upoan na nasa tabi nila. Tsk! Ang a-arte talaga ng mga lamang lupa na'to.
"Dito ka nalang sa tabi ko umupo Natsumi!" Offer ko kay Natsumi. Naglakad naman siya papunta sa bakanteng upoan na nasa tabi ko.
"Salamat!"
Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Welcome. By the way. I'm Mandy Hezeya Evans. Nice to meet you Natsumi." Nakangiting tugon ko sa kaniya tsaka inilahad ko ang kamay ko. Tinanggap niya naman ito. Nakayuko parin siya at ni hindi ko man lang masilayan ang mukha niya pero kahit ganon, alam kong mabait siya.
'Mukhang mag kakaroon na ako ng kaibigan ngayong taon a.' Napangiti ako sa naisip.