Napangiti si Miguel nang malaman na susundan ni Jason si Yen sa Amerika.
Sa wakas ay natauhan na ang kanyang anak.
Sana lamang ay magkaayos sila ni Yen.
Sana lamang ay maging ok ang lahat.
Hindi niya masisi si Yen sa naging desisyon nitong pagtago.
Kahit siya ay walang ideya kung saan hahanapin ito.
Hindi siya nagtatanong dahil nirerespeto niya ang naging desisyon nito.
Isa pa, boss niya ito at alangan siya magtanong dito.
At kung magtatanong siya ay baka wala din siyang makuhang sagot.
Naibukas na niya kay Rico ang mga pangyayari.
Sinabi nito na susubukan niyang kausapin si Yen.
Kaya naman mainam din na makasunod doon si Jason.
Isa pa, para pormal na makilala ni Jason ang ama ni Yen.
Ibinigay niya kay Jason ang sketch patungo sa bahay ni Rico.
Naitimbre na din niya kay Rico ang pag sunod nito.
Sumang ayon naman si Rico at nais nito na kausapin ang dalawa.
Kinakabahan si Jason.
Hindi niya alam kung bakit siya kabahan ng gayon.
Marahil ay dahil iyon sa pananabik.
Nasasabik siya na muling makita si Yen.
Mahal pa kaya siya nito?
Mapapatawad pa ba siya ni Yen?
Bibigyan pa kaya siya nito ng chance ulit?
Kinakabahan siya.
Natatakot siya...
Baka sa dulo ng lahat ng ito ay maghihiwalay pala sila.
Alam niya na.
Si Yen at si Jesrael ang buhay niya.
Mahal niya si Yen. Mahal na mahal. Sobra.
Napangiti si Jason nang inipit sa pinaka tagong sulok ng kanyang bag ang maliit na kahitang naglalaman ng singsing.
Oo...desisdido na siya.
At kung sakali mang patawarin at muli siyang tanggapin ni Yen ay aayain na niya itong pakasal.
Sigurado na siya sa sarili niya na si Yen ang nais niyang makasama habang buhay.
Iba ang kabang nararamdaman ni Yen ni nong umagang iyon.
Maaga siyang bumangon at tila ba nininerbiyos siya nang hindi niya maintindihan.
Kaya naman ay agad niyang tinawagan si Manang Doray na kasalukuyang nasa poder nina Berto na kanyang ama.
Inalam niya ang kalagayan nito at nakahinga ng maluwag nang malaman na maayos naman ang lagay ng anak. Isang linggo ang kanyang bakasyon. Pangalawang araw pa lamang iyon. Pero parang gusto na niyang bumalik para makasama ang anak at makausap na din si Jason.
Humigop si Yen ng mainit na kape na nakapatong sa maliit na lamesa sa sulok ng garden ng kanyang tita Sophia. Nahilig ito sa paghahalaman kaya ang mansiyon nito ay napapalibutan ng ibat ibang uri ng pananim na kaaya aya sa paningin.
Sa kinaroroonan ni Yen ay kitang kita ang mga pumpon ng mga rosas. Pula, puti.. nakakabighaning pagmasdan at nakakarelaks Panoorin ang ilang paru-parong pasalit salit ang pagdapo sa mga bulaklak.
Napakaganda ng tanawin.
Naisip ni Yen na masarap manirahan doon.
Payapa, presko at tila paraiso.
" narinig ko na hindi pa kayo nagkaka usap ng asawa mo."
Napalingon si Yen sa amang may malapad na ngiti.
" alam mo ba anak? Ang mag asawa ay hindi dapat nag aaway ng matagal. Hindi dapat pinapaabot ng bentekwatro oras ang alitan. Hindi dapat natutulog nang magkagalit."
Bumuntong hininga si Yen.
" anak.... natural sa mag asawa ang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. May iba pa nga na nagkakasakitan pero at the end of the day sila pa rin naman ang nagdadamayan."
Lumabi si Yen. Hinfi niya alam kung papano niya sasagutin ang ama. Kahit siya ay hindi niya din maipaliwanag kung bakit sila umabot sa gayon. Siguro ay dahil pinili niyang tumakas at lumayo. Ginawa niya yon sa kauna-unahang pagkakataon.
Hindi niya ugaling takbuhan ang problema. Hinaharap niya ito nang buong tapang at mag isa. Subalit si Jason ay ibang usapin. Nasaktan siya. At pakiramdam niya ay nabalewala siya nito. Pakiramdam niya ay napilitan lamang itong panagutan siya dahil sa bata. Na hindi naman talaga siya nito mahal. Nagkataon lamang na siya ang nandiyan. Lalo nong mga panahon na nagmo-move on ito.
Naaliw niya lang si Jason.
Nakuha niya lang ang atensiyon nito dahil malungkot ito noon.
Masyado lang siguro siyang nag assume.
Bakit nagawa nitong palayasin siya dahil kay Angeline na hindi naman nito karelasyon?
Ang dahilan ay mas nauna niya itong makilala kaysa sa kanya?
Best friend niya daw ito at sa ginawa nito ay pinamukha ni Jason sa kanya na higit na may tiwala siya sa Angeline na yon kaysa sa kanya.
Makitid na kung makitid ang utak niya.
Pero bilang ina ng kanilang anak, bilang kinakasama, o bilang asawa ay karapatan niya din naman magreact. May karapatan din naman siyang magselos. O masakatan.
Bakit sila magkikita ng sila lang?
Kakain sa labas ng sila lang? Wala namang business na pag uusapan.
Pagkatapos ng breakfast sa labas ihahatid si babae sa condo.
Tatambay daw doon tapos anu nang susunod?
Magbabato batopik sila?
Kung talagang mahal siya ni Jason ay sana isina-alang-alang nito ang damdamin niya. Isina-alang- alang nito ang magiging reaksiyon niya. Kung ano ang iisipin niya. Anong mararamdaman niya. Hindi naman siya bato. May damdamin siya at hindi din siya bulag para hindi niya makita na mismo si Jason ay hindi alam ang lugar niya sa buhay nito.
Masakit yon.
Kahit na sabihin na hindi din maganda ang sinapit ng babae pagkatapos niyon masakit pa rin yon.
Dahil hindi ang babae kundi si Jason mismo ang nagdesisyon at nagtaboy sa kanya nong araw na yon.
Mabigat ang kanyang mga paa.
Parang dinudurog ang puso niya habang sumasakay siya sa kotse.
Umaasa siya na last minute ay hahabulin siya nito pero hindi.
Umabot ang isang araw..
Dalawa...tatlo pero ni tawag ay wala siyang narinig dito.
Ang pinakamasakit na parte ay yung itinuloy pa rin nito ang pakikipagkita kay Angeline kahit na alam na nitong ayaw niya.
Mababaw para sa iba.
Pero para sa kanya, masakit na. Masakit na masakit na.
Sumungaw ang luha sa kanyang mga mata.
Naramdaman niya ang haplos ni Rico sa kanyang likod.
Naalala niya si Berto.
Noong mga panahong nagmo-move on siya kay Jeff.
Gayon din ang ginagawa nito.
" ayaw ko nang nasasaktan ka... Ayaw ko nang umiiyak ka. Ayaw ko nang malungkot ka. Pero wala akong magawa para pawiin yan lahat anak. "
Lalo siyang napahagulhol nang marinig ang sinabi ng ama.
Nalulunod siya.
Nalulunod siya sa kanyang emosyon.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niya si Rico bilang ama.
Masarap sa pakiramdam.
" nablock list si Angeline dahil pinablock list ko siya. "
Napanganga si Yen.
" sorry anak. Ayaw ko na panghimasukan ang personal mong buhay. Pero ayaw ko sa mga taong nanakit sayo noon pa man."
" nasaan si Angeline? "
" nagtitinda ng gulay sa palengke." sagot ni Rico.
Natulala si Yen. Hindi niya alam. Wala siyang alam na si Rico pala ang may kagagawan ng sinapit nito.
" akala ko ay isasalba siya ni Jason. Dahil si Jason ang huli niyang nilapitan...pero mariing tinanggihan ni Jason si Angeline. Dahil yon sa sakit at lungkot na dinadanas niya ngayon." sabi ni Rico.
" alam mo? "
" oo anak. Alam ko. Lahat ng nangyayari sayo alam ko. Kahit narito ako ay nakasubaybay ako sa malayo. minamasdan kita. Pinapanood. "
Hindi nakapag salita si Yen.
Hindi niya ito sinisisisi.
Dahil kahit naman kapag siya ang lumagay sa sitwasyon nito ay gayon din ang kanyang gagawin.
" masyado nang marami ang hirap na pinagdaanan mo. Ayaw ko na sanang makita kang nahihirapan. Pinagkait sayo noon ang lahat ng bagay pero ngayon ay nais kong ibigay sayo ang lahat ng para sayo anak. "
" ok lang ako papa."
Natigilan si Rico.
Maging si Yen ay nagulat sa tinuran.
Subalit yon na yon. Hindi nila maitatatwa ang katotohanan.
Niyakap ni Rico ang anak.
Hinaplos haplos ang likod nito.
" hindi kita kokontrahin sa kung anuman ang iyong magiging desisyon. Ang akin lang, gusto ko na piliin mong maging masaya. "