Humarap si Juan at ang kanyang batang Angel na si Angelo sa TV at nagumpisang lumabas dito ang pangyayari bago maganap ang aksidente nakita ni Juan na naglalakad siya sa kalsada at pinag mumukhang malungkot ang kanyang mukha napangiti si Juan sa kanyang nakita pero my halong kaba kasi ito na mismo yong uras na mababangga siya subalit lumipas ang ilang minuto at di siya nabangga at siya ay nakating sa harap ng kanilang pintuan at siya ay napabuntong hininga. nagsalita ang batang angel at sabing manood kang mabuti at malapit ng maguumpisa ang una kung katanongan tumango si Juan at tumotuk sa TV.
Pumasok ng bahay si Juan at naabotan ang kanyang inay na naglalaba ng mapansin siya ng kanyang nanay ay dali daling tumayo at nakangiti pa sabay sabing anak kamusta ang iyong interview mukhang tuwang tuwa na kinakabahan na tanong ng kanyang ina si Juan naman ay merong alanganing ngiti sa kanyang mukha sabay sabing Nay hindi po ako natanggap naluluhang sabi niya dinagdagan pa niya at sabing my nauna na daw kasi silang nakitang aplicante na tingin nila ay mas nararapat na posisyong inaaplayan ko pero wag po kayong mag alala nay naghanap ulit ako ng papasokan ko at my nakita ako tatawag nalang daw ako para sa eskedule ng interview ko pabulong na sagot ni Juan mukhang lalong napagod ang kanyang inay pero mas bakas sakanyang mukha ang pag aalala at awa sa kanyang anak. Ayos lang yan bigkas ng nanay ni Juan mukha lang namang pipitchugin yong sinabi mo sakin sa companya di ka rin magtatagal don dahil mukhang di malaki magpasahod at papagorin ka lang nila dagdag niya kumain ka na ba tanong ulit ng kanyang inay hindi pa po sagot ni Juan kumain ka na halika't pagsasandok kita mukhang pagod na pagod ka di ka na sana nagpagabi pinag alala mu naman ako masyado sambit ng kanyang inay na may halong pagaalala
Habang nananood si Juan parang nakaramdam siya ng hiya sa kanyang katawan subalit hinayaan niya lang ito at tumutok sa panonood baka bigla kasi siya tanongin at wala na siyang maisagot.
Anong ulam patanong na sagot ni Juan pinag luto kita ng paburito mong adobo sa ng kanyang inay kakain na sana siya ng maalala niyang malapit ng mag 9pm at usapan ng kanyang mga kalaro na magkikita si sa computer shop ng 9:30pm kaya sumagot siya sa kanyang inay na wag nalang nay wala pa po akong gana papaalam lang po sana ako lalabas lang po at mag cocomputer para mailibang ko ang aking sarili. Lumingon ang nanay ni Juan at nakita ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata kaya sumagot ang kanyang inay na sige at ngbigay ulit ng isang daan sabay sabing yan laru ka muna pero wag mu kalimutang kumain din ha... medyo ngumiti si Juan at sumagot sige salamat nay.
Huminto ang pinapanood nila Juan at ng kanyang anghel at nagtanong ang kanyang angel. Juan anu ang sunod mong gagawin sumagot si Juan at sabing pumonta sa computer shop at nag laru hanggang 6am ng umaga sagot ni Juan Tama sigaw ng kanyang angel magaling magaling 9 nlng na natanongan at babalik ka na sayong katawan galingan mo sagot ng kanyang angel sige sabi naman ni Juan ngunit walang bakas na kasiyahan na makikita sa kanyang mukha. Nagpatuloy na ang kanilang pinapanood subalit bago ipakita ang pag punta ni Juan sa computer shop ipinakita muna saglit ang nangyayari sa loob ng bahay ni Juan nakita ni Juan na bumalik sa paglalaba ang kanyang inay na subrang tamlay para bang naramdaman niya ang kanyang pagod bigla subalit kailangan pa rin ituloy ang paglalaba dahil nakuha na niya ang upa niya rito at kailangan nang makuha ng may ari sa susunod na araw kailangan ng matuyo hinawakan niya ang kanyang biwang na at mababakas sa kanyang mukha ang kirut habang punong puno ng lungkot merong mga pawis na sing lalaki ng butil ng monggo na dahan dagan pinonasan ng kanyang kaliwang kamay sabay sabing mamaya kailangan ko na tong masampay.
Nakita ni Juan lahat ng pangyayari at kung puwedi lang sanang lumuha ang kaluluwa malamang napaiyak na siya pero bago pa siya madala sa nakita niya lumipat ang pinapanood nila ng kanyang batang angel at napadpad ito sa computer shop nakita niya din don ang kanyang mga kaibigan nilapitan pa nga siya ng kanyang best friend na tinutorin sabay sabing game andito na si team captain kaya habang nanonood siya napangiti siya at nagmukha xang proud sa sarili niya at nag umpisa na sila sa kanilang paglalaru gaya ng dati sila ay inumaga na ng uwe at gaya ng dati ang ganda ng kinalabasan ng kanilang mga laru halos lahat ng game nila sila ay panalo at laging si Juan ang nagpapanalo at sinabihan siya ng kanyang mga kagroupo na sasali sila sa isang tournament na magaganap sa susunod na araw kaya sumagot si Juan na sige asahan niyo ako dyan.
Magaling ka pala sabi ng angel ni Juan sumagot naman siya na hindi naman mahina lang kalaban sumagot ng patanong ang kanyang angel at sabing so kamusta naman di alam ni Juan ang sasabihin kaya nagsalita ang batang angel at sabing o sige manood ka nalang at malapit ng dumating ang sunod ko na katanongan kaya di na nagsalita pa si Juan at tumotuk uli siya aq panonood.
Dumating sa bahay si Juan at naabotan niya ang kanyang inay na nagkakape nag aalalang tanong ng kanyang inay bat ngaun ka lang umuwe sumagot naman ng maayos si Juan pero punong puno ng kasinungalingan ang sabi niya nanlibre kasi ng laru ang isa sa mga kaibigan ko kasi birth day niya asa abroad ang kanyang mga magulang at kami na lang ang puwede niyang makasama na para na rin niyang pamilya kaya nahiya naman po akong umalis sagot niya kaya tumango na lang ang kanyang inay at sabay sabing sige matulog ka na at mukhang puyat na puyat ka.
Nagsalita ang angel ni Juan at nagtanong Juan ano ang sunod mong ginawa nag isip ng kunti si Juan at parang iniisip niya na baka tricky question yan kaya pinag aral niya muna lahat ng maari niyang isagot subalit kahit anong isip niya isa lang talaga pumapasok sa isip niya ang humiga at matulog kaya di na niya tinagalan pa masyado ang pag iisip at sinabi niyang humiga at syempre natolog ako hahaha.. tama tama sagot ng kanyang batang angel magaling ka ah..8 nalang na katanongan at magigising ka na. napahinga ng maluwag si Juan at may makikitang ngiti sa mukha niya pero nawala lahat ng ngiti sa kanyang mukha ng makita niya mga sumonod na pangyayari sa TV.
Pagkadating niya sa kuwarto pagkapikit ng kanyang mga mata biglang lumipat ang palabas sa kanyang inay nakita niya ang buntong hininga ng kanyang inay at narinig niya ang mga pabulong na salita buti pa yong kaibigan mo lagu mo nakakasaman samantalang ako na wala naman sa ibang bansa madalang mo makasama kahit sa pagkain ni na nga tayo nagkakasalo pa sabay buntong hininga uliy ng kanyang ina tumuloy sa labas at nag umpisang nasampay bumalik sa loob ng bahay tumingin sa relo na nakasabit sa haligi ng kanilang bahay nagbuntong hininga sabay sabing naku naman ako'y inumaga na rin pala sa paglalaba sabay nagluto ng kanin dahil napanis ang niluto niyang kanin na di naman nakain dahil umalis agad ang kanyang anak at siya naman ay di na naharap dahil sa dami ng kanyang mga labahin nakalimutan na rin niyang kumain buti na lang at yong adobong ulam ay ok pa naman kaya nag init na lang siya ng tubig para magkape at siya na rin ay nag saing. Nakita lahat ni Juan at lahat ay kanyang narinig gusto niyang yakapin ang kanyang inay at sabihing matolog ka naman na din pero wala siyang magawa kaya umiling iling lang siya at walang masabing salita.
Ang sarap ng tulog ni Juan walang gumising sakanya kaya 3pm na nong bumangon siya at kumakalam ang tiyan niya nagpunta siya sa kusina at nakita ang sulat ng nanay niya anak pinag saing na kita ng kanin at meron pag adobo sa my lamesa natin pasensya ka na at di na kita mapad sasandok dahil maimportante akong lakad ngayon nag iyan di ako dyan ng pera para my gamitin ka. Dali daling kumain si Juan at kinuha ang singkwenta pesos na nakita niya sa lamesa dagdag pa yong natitirang pera na hawak niya ay bumalik siya sa computer shop at naglaru ulit siya hanggang 6pm na gabi napilitan lang siyang umuwi dahil kailangan niyang makausap ang nanay niya sasabihin pa niya na tumawag yong inaplayan niyan trabaho at my interview siya kinabukasan para mag kapera nanaman siya at makasama sa tournament sa Dota kung saan siya ay niyaya ng mga kaibigan niya.