Chereads / Juan Tamad (The Millenial) / Chapter 3 - Panalo?

Chapter 3 - Panalo?

Dumating ang nanay ni Juan sa kanilang bahay na pagod na pagod nanggaling kasi siya sa pagdedeliver ng mga nilabahan niyang daming nong nakaraang mga araw. Paglalabada lang kasi ang trabaho ng kanyang inay subaliy madami siyang customer dahil sa mga pakulo nitong pick up and deliver at sa malinis niyang trabaho subalit kapaliy naman nito ay matinding pagod at sakit ng katawan ngunit baliwala lahat ng ito dahil sa pagmamahal niya sa kanyang nag-iisang anak na si Juan. Nay sambit ni Juan na nakangiti o bakit anak sagot naman ng kanyang nanay tumawag na po yong inaplayan ko at bukas po ay interview ko sana makapasa na ako sabi niya maganda yan anak nakangiting sambit ng kanyang inay habang nakangiti at para bang nawalan ng pagod sa katawan at nabigyan ulit ng sigla kahit na wala pang tulog dahil sa magdamag na paglalaba at pagdedeliver naman sa umaga ng mga labada at agad niyang inabutan ng limang daan si Juan yan anak para di ka maunahan agahan mo bukas ang pag punta sabi ng kanyang inay sige po nay sagot naman ni Juan.

Magaling at masipag talaga si Juan sa pag gawa ng palusot at kuwento at madali niya lang naluluko ang kanyang inay. Sulit practice ko sabi ni Juan sa kanyang sarili tama nga naman kunting salita lang meron na siyang limang daan at nakangiting umalis si Juan at bumalik sa kanyang kuwarto para magpahinga at di naman kumontra ang kanyang inay subalit pag kaalis niya biglang naubo ng dugo ang kanyang ina umiling lang ito at pabulong na nagsabing Panginoon wag mo pa po akong kunin kahit hanggang sa magkaroon lang ng matinong trabaho ang aking anak paluhang bigkas nito sabay tingin sa kanyang wallet at binilang ang naiiwang pera dito meron pa namang isang daan tamang tama lang sa maghapon na pangkain ng kanyang anak pero hindi na makakasapat sa pampacheck up at bamibili ng gamot kaya sinasantabi nalang niya ang sarili syempre para sa magulang kapakanan lagi ng anak ang iniisip. Di naman sila sana ganyan naghirap kung di maagang namatay ang taxi driver niyang asawa nakakaipon naman sila nagpag aral si Juan hanggang college kahit na inabot ng pitong taon at nakapag patayo ng maayos na bahay subalit dahil sa sakit sa puso ay namantay ang kanyang asawa na siya ring dahilan ng kanilang pagbagsak subalit di basta bastang sumuko ang nanay ni Juan at lalo itong nagsumikap.

Di na lumabas ng kuwarto si Juan nagpahinga na ito at di na inabala pa ng kanyang inay inisip nitong naghahanda si Juan para bukas at baka makasama kung gugulohin pa niya ito. Totoo nga naman nanghahanda si Juan nagrerelax siya para sa tournament niya sa Dota ay handa at condisyon siya nine nalang ng umaga siya lumabas ng kuwarto kumain ng nakahandang pag kain naligo nagbihis at nagmamadaling umalis di niya napansin at di niya namalayan kung asan at kung ano ginagawa ng kanyang inay nagmamadali siyang umalis at di na nakita ang kanyang inay.

Nahinto ulit ang pinapanood at nagtanong si Angelo ang ang batang angel ni Juan sambit niya Juan pangatlong tanong sino ang panalo sino tumingin si Juan at sumagot na ng walang makikitang reaksyon sa mukha na parang di nag isip ang sabi niya kami di na niya inisip kung tricky question ang katanongan dahil sa binabagabag na siya ng kanyang kunsenya sa kanyang mga nakikita di na rin nagsalita ang angel niya at nagpatuloy ang palabas pero imbes na sa pagpunta ni Juan sa computer shop nagtuloy ang palabas nagsimula ito sa bahay nila at nakita niya ang kanyang inay na naglalaba nananamlay at nanghihina na parang inaapoy ng lagnat ngunit patuloy pa rin sa pagtratrabaho habang nanonood si Juan di niya mapigilang umiyak ngunit ganon pala pag kaluluwa na walang luha hagulgul lang ang naririnig napasigaw siya at sabing ang bobo bumalik ka sa bahay di mo man lang tinignan si nanay napaka walang kwenta mong anak balik ka don tulongan mo si nanay sambit niya ayaw na niyang mapanood ang laro niya sa Dota gusto niyang siya mismo pumonta sa inay niya sabay sabi sa kanyang sarili buti na lang at nadisgraxa ako di na pagdadaanan ni inay hirap niya pero kahit anong bulong sa isip niya narinig iyon ng kanyang angel at tinigil ang palabas nagtatakang tumingin at sabing Juan mukhang wala ka na sa fucos ayaw mo na atang bumalik gusto mo itigil na natin ang laro at dalhin na kita kay San Pedro para malaman kung san ka mapupunta tanong ni Angelo di na nag dalawang isip ni Juan at sumagot siya ng sige dalhin mo na ako pero tumawa lang ang kanyang batang angel at nilabas ulit ang isang malaking TV sabay sabing ito na muna panoorin mu kaya lumingon si Juan sa kabilang TV at nakita niya ang sarili niyang nakahiga at may babaeng nakaluhod nakayakap sa kanyang katawan umiiyak ng malakas habang nagsasalita ng Juan lumaban ka iniwan na ako ng iyong itay pati ba naman ikaw iiwan muko di ka ba naaawa kay nanay anak sige na lumaban ka pasigaw na iyak ng kanyang nanay anak anak ko bumangon ka lumaban ka walang tigil sa na sambit ng kanyang inay at biglang nawala ang TV.

Juan ano itutuloy pa ba natin ang laro tanong ng batang angel ni Juan di na alam ni Juan ang isasagot at hirap na hirap na siya gusto na niyang mamatay para di na mahirapan ang kayang inay pero ayaw naman niyang maging makasarili at iwan itong nag-iisa kaya nag isip siyang mabuti at napag desisyonan niyang kailangan niya bumalik kahit anong mangyari at kailangan niyang maitama ang lahat ng kanyang pagkakamali may pag- asa pa habang may buhay bigkas niya babawi ako inay magpapakabuting anak na ako pag nakabalik ako panganko ngumiti lang ang kanyang batang angel at sabing sige itoloy nanatin ang laro.

Nasa Computer shop na si Juan at kasagsagan ng mainit na laro sa bawat laban nila ng kanyang grupo laging panalo at laging malupitan ang laban na kanya namang naipapanalo kaya tuwang tuwa at manghang mangha ang kanyang mga kasama at iba pang manonood para siyang sikat na artistang sinasamba ng mga gamer at kinakatakotan ng bawat makatapat niya tuwang tuwa din siya at proud na proud sa kanyang sarili habang naglalaro subalit ang kanyang sarili na nanonood sa kanya galit na galit at pauliy ulit na nagsasabing umuwi ka na hayaan mo na yan pero wala siyang magawa at hindi naman siya naririnig ng sarili niya na nag-eenjoy manalo at tinatamasa ang paghanga ng ibang tao.

Juan magaling tatlong tamang sagot na ang nakukuha mo panalo ng kayo ng grupo mo sabi ng batang angel na si angelo panalo nga ba kami may nanalo nga ba tanong naman ni Juan sa kanyang angel subalit ngumiti lang at nagtanong kung itutuloy na ang palabas sige sabi naman ni Juan at nangakong babalik siya para bagohin lahat