Chereads / The Rising Of Two Brothers / Chapter 3 - Ang Transaksyon

Chapter 3 - Ang Transaksyon

Pagkatapos mangolekta ng koleksyon sa bayan ng Ribeth ay nag tungo si Marco sa kalapit bayan na tinatawag na bayan ng "Alulod" para puntahan ang isa pa nilang kliyente na si "Ginoong Havoc"..

Mayamang negosyante at kilalang hasyendero sa kanilang bayan..

Sya rin ang nag mamayari ng mga nag lalakihang pasugalan at mga bar..

Kilala si Ginoong Havoc na mortal na kaaway ni Ginoong Daviz, Ang may ari ng mga palaisdaan sa kalapit bayan at naunang naging kliyente nila Marco..

Alam ng binatilyo na mag kaaway ang dalawang ito ngunit tinanggap parin nya ang mga alok ng mga nila dahil sa pinansyal na mga pangangailangan.

Nakarating na ang binatilyo sa mansyon ng kanyang kliyente..

Maayus syang binate ni Ginoong Havoc at pinapasok sa loob..

Sinara ng mga gwardya ang pinto at nag tungo ang dalawa sa lamesa na kung saan ay may mga naka handang pagkain at mga mamahaling alak..

Nag usap ang dalawa tungkol sa kanilang transaksyon.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung baket kita pinatawag muli. " -tumango ang binata at sumangayon..

"May nais akong ipagawa sayo na alam kung kaya mong gawin at alam kung hindi mo ako bibiguin."

"Sino po ang ating itutumba?" -Tanong ng binata habang nakangiti..

"Gusto kung itumba mo lahat ng tauhan ni Daviz sa kanyang negosyo kapalit ng isang daang libong ginto at pilak bawat isang ulo." -Umaasa ang ginoo na papayag ang binatilyo sa kanyang inaalok..

Nag dalawang isip ang binata kung tatanggapin ba ang alok sapagkat ngayon lamang sa buong buhay nya na may nag alok ng napaka laking halaga at mas maraming tao ang papaslangin..

-Nag alok muli ang ginoo.

"Nakukulangan kaba bata? Kung gayon ay dadagdagan ko, Tig dalawang daang libo ng ginto at pilak bawat ulo?" -Nakatitig at seryoso.

"Kung yan ang nais mo ginoo, Bawat ulo ay makakarating sa inyu." -Desididong pumayag sa alok..

Natuwa ang ginoo sa pag sangayon ng binata sa alok kayat binigyan nya pa ito ng mas maraming pag kain at pinatagay pa ng mga mamahaling alkohol na inumin..

Mga ilang oras din ang itinagal ng binata sa mansyon ni Ginoong Havoc.

"Mukang naparami yata ako." -Habang nag lalakad palabas..

"Kung sa liwanag ay lantad ang kagandahan, Sa dilim mo gawin ang balak na maitim." -Wika ng ginoo sa binata..

Napangiti nalamang ang binata sa sinabi ng ginoo..

"Oo na ginoo, Sa gabi mas maganda gawin ang balak." -Sa isip ng binata