Alas kwatro ng hapon ng magkita kita ang grupong "Blood Axe".
"Makinig mga kaibigan, Malaking halaga ang nakapatung sa bawat ulo ng ating mga biktima, at di narin nakakapag tataka na hindi basta bastang tao lang ang mga ito." -Seryosong wika ni Marco.
Agad namang nag tanong ang iba pang kasamahan ni Marco.
"Mukhang napaka seryoso nga ng bagay nayan, Magkano ba ang bawat ulo ng mga taong ating papaslangin?" -Nakangising pag wika ni Kaizer.
"Dalawang daang libong pilak at ginto bawat isang ulo" -Seryosong pag wika.
Nagulat ang apat sa kanilang narinig.
"Mamayang alas diyes ng gabi ay magkita-kita tayo sa may bayan ng Ribeth at siguraduhin nyung lahat kayo ay kargado" -Pautos at seryosong pagwika.
Agad na nag hiwalay ang mag kakagrupo at nanatili lamang si Magy sa tabi ni Marco.
Habang nasa gilid ng sapa ay nag usap ang dalawa.
"Mukang malaking kita ang ating gagawin mamayang gabi, Bakit di muna tayo mag painit sa malamig na sapa na ito?" -Paakit na pagsabi ng dilag.
"Alam mo talaga kung kailan ko kailangan ang init mo mahal ko.."
Nag dikit ang labi ng dalawa at napahiga..
"Bakit hindi pa natin aminin sa iba pa nating mga kasamahan ang ating relasyon?" -Patanong namay pagsamo.
"Hindi pa sa ngayon Magy, Sa susunod nalang kapag may naipon na akong sapat na pera pambiling lupain at bahay." -Habang nakatitig sa dilag.
Labis na naantig ang puso ni Magy sa sinabing iyon ni Marco kayat niyakap nya ito ng mahigpit at naglapatan ng labi..
Tumayo na ang dalawa at pumunta sa may gilid ng puno at tinuloy ang kanilang natigil na pag iibigan..
Alas Nuwebe Singkwentay Nuwebe nag kita-kita na ang lahat sa pinagkasunduang lugar at agad na tinuloy ang kanilang balak..
Pumunta ang lima sa sinasabing palaisdaan ni Ginoong Daviz at nag kanya-kanya itong tago at sabay na nag masid...
Nagulat nalamang si Marco ng biglang naaninag nyang pinapanood sya ni Ginoong Daviz at ng mga tauhan nito habang sya ay tinututukan ng mga ispada..
"Batang Marco anong maitutulong ko sa iyo?" -Nakangising pag wika ni Ginoong Daviz..
Lumabas sina Ilorick At Kaizer na may nakatutok na pistol sa kanilang sentido.
"Mga hangal, Ang akala nyu ba ay hindi ko malalaman ang inyung binabalak?." -Galit na wika ng ginoo.
"Wala po kaming intensyon na mag tungo dito at gumawa ng gulo." -Patanggi na pagwika ni Marco.
Sinuntok ng napakalakas ni Ginoong Daviz si Marco at hinawakan ng mahigpit ang kanyang damit at iniangat pataas..
"Alam mo bata hindi ako isinilang kahapon para malinlang ng ganyang klaseng dahilan, At kung may katotohanan man ang iyong mga sinasabi ay anong pinagusapan nyu ng berdugong si Havoc? Ang patayin ang tauhan ko at negosyo tama? Alam mong mortal kaming mag kaaway, Ang ibig sabihin ay hindi mo pinapahalagahan ang inyung buhay, Dito na kayo mamamatay!!" -Galit na pag wika ng ginoo..
Ilang saglit pa ay may mga nag siliparang mga kotselyong maliliit at mga bala ng pistol na tumama sa mga sentido ng ilang tauhan ni Ginoong Daviz..
Lumabas sina Magy at Kaizer sa kanilang pinag tataguan..
Nakatakas si Marco sa kamay ni Ginoong Daviz at pinaslang ang ilan pang mga tauhan nito..
Agad namang naagaw ng dalawa ang pistol na nakatutok sa kanilang sentido at agarang pinaslang ang dalawang tauhan ni Ginoong Daviz..
Biglang may dumating na dalawa pang tauhan at kilala din silang mga mersenaryo ng ibang grupo.
Agad na nakatakbo si Ginoong Daviz at sumakay sa isang bangka kasama ang iba pa nyang tauhan bit-bit ang mga kahon ng mga isda at mga ipinag babawal na gamot..