Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Conspiracy Of Silence

Unaphrodite_Wp
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.6k
Views
Synopsis
Matatagurian siyang masayahin pero sa loob ay kinikimkim niya ang lahat ng sakit. Tiniis niya ang higpit ng mga steps niya at in-laws. Hindi niya alam sa anong dahilan bakit na lang lagi siyang pinagbubuntungan ng galit. Ang asawa niya't lola nito ang tanging nagpapalakas sa kanya. Ngunit isang araw ay saksi niya ang pagtaksil sa kanya ng asawa. Maiyak-iyak ito hanggang sa nagkaroon siya ng ideya. Lumayas siya't natuguriang patay sa pagkahulog ng kanyang sasakyan sa bangin. Sa pagkamatay niya ay ang pagkabuhay ng bagong anyo niya. Bagong anyo't bagong buhay ngunit naiisa pa rin ang kanyang hangarin. Maghiganti sa nagpahirap sa kanya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

I've once lived in a very cruel life of old me. Where everything in this world only values beautiful people. And to those who's imperfect like me became their slaves.

Ayoko yung pakiramdam na tinatapakan ako. Ayoko yung lagi akong iniinsulto. Pero tiniis ko lahat ng mga yun dahil sa pamilya ko sila. Imbis daughter-in-law at sister-in-law ang ituri nila sa'kin, tinuri nila ako na parang walang kuwentang tao. Akala ko makakatakas na ako sa mga higapit nang naranasan ko sa mga stepsisters at stepmom ko. Ayun pala magkasambuwat sila. Ngunit kibit-balikat ako sa nangyayari sa'kin. May nagpapalakas naman ng araw ko at yun ay si Markien Villalobos. Ang asawa ko. 

Isang araw ay nagpaalam siya sa'kin na aalis siya. May business trip sa taiwan. Naiwan akong mag-isa kasama ang mga in-laws at steps ko. Ang tanging naging kakampi ko lamang rito habang wala pa si Markien ay ang lola niya. May sakit siya. Bumabalik sa pagka-bata ang kanyang pag-iisip sapagkat kahit ganun ay inalagaan ko siya. Siya naging kaibigan at pamilya ko sa loob ng bahay. Kapag malungkot ako, nandyan siya para pasayahin ako. Ang madalas namin ginagawa ay ang magluto. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ang taba-taba ko. Kain ako ng kain. Wala namang kaso sa'kin ang tingin ng iba sa weight ko. Basta mahal pa rin ako ng asawa ko. Yun lang.

Ngunit isang araw ay nakatanggap ako ng tawag sa matalik kong kaibigan. Nakita raw niya si Maiken malapit sa apartment ng kanyang boyfriend. Hindi ako nagdalawang isip na pumunta d'un. Ayoko magduda pero ayun na ang naramdaman ko sa panahong yun. Natataranta ako't hindi alam ang gagawin ko hanggang sa kumatok ako sa kanyang pintuan.

Isang lalaking bumukas ng pintuan na ang tangging suot ay shorts. Nanginig ang buong katawan ko at naghahanda nang tumulo ang luha ko. Narinig ko kasi yung boses ng isang babae sa loob ng kanyang unit, "babe" pa ang tawag. Lumaki ang mga mata niya at ngiting namutawi sa kanyang labi.

"Let me explain," ang salitang lumabas sa kanyang bibig. Ang tanging inuutos sa'kin ng isipan ko ay ang umalis.

Binalak ko pa nga kausapin ang babaeng nakasama niya sa apartment nung kinabukasan. Rather than talking to her in a nice way, she started to insult me. Kung bakit nasasawa na sa'kin si Markien.

"Bakit hindi mo tignan ang sarili mo sa salamin? Baka may mahanap kang sagot sa mga tanong mo." Kumpiyansang sabi niya sa'kin. Tama nga sila. Kung sino pa ang kabit, siya pa yung umaaktang may karapatan magalit. Kinuyom ko ang kamaong tinatago ko sa ilalim ng lamesa.

Alam kong wala akong laban sa kanya lalo na sa pagandahan. Ayun talaga ang nagpahina sa'kin. Nawala ng sigla ang buhay ko. Ilang araw akong naging malungkot. Wala sa isip ko ang maghiganti kundi ang ipaglaban pa rin ang meron samin ni Markien. Tanga na kung tanga pero ayun ang pinili ko. Noon.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko't lumayas sa pamamahay namin. Gusto ko na siguro tapusin ang paghihirap ko kaya ayun na lang ang tanging solusyon na isip ko. Hanggang sa isang araw, nakita ko ang balita sa T.V. They've declared that I'm dead. And even worst, they declared I commit suicide. Na hinulog ko raw ang sinasakyan ko sa bangin. Which is not true! Hinding-hindi ko gagawin iyon. Binigyan ako ng diyos buhay at kahit anong pahirap kinaya ko para lang mabuhay!

Ang nakakatawa nga sa kanila ay kung bakit hindi sila nagtatakang walang katawan ang nakita. Walang katawan na nilibig at sa lahat hindi ba nila naisip na puwede ko silang balikan?

"Good morning Ms. Veronica. Nasa opisina na po ang mga papeles na pinapahanda niyo Ms.Veronica."

"Thanks Jasmine," ngiting pagpapasalamat ko sa aking secretary.

I've changed for good. They may declared, me, Julia Villalobos death. And I proudly declared that I'm back with sweet vengeance by the name of Veronica Garcia.