Looking back before being Veronica Garcia. I undergo a lot of training and surgical operations in South Korea. My nose and body physically changed. I hardly see the similarity of Julia Villalobos to Veronica Garcia. Thanks to my friend, Regina. When I found out the news of the declaration of my death, I immediately called Regina. Wala na akong ibang matatawagan kundi siya. If it wasn't for her maybe I'm still Julia Villalobos hiding from my own sake.
"Handa ka na ba harapin ang ex-husband mo?" Tanong niya sa'kin habang nilalagyan ko ng pakaw ang earrings ko. Lumingon ako sa kanya ng may ngiting ganti na hindi palalagpasin ang pagtataon na 'to.
"Of course, I'm more than ready." Sagot ko. Ngumiti siya't hinawakan ang ng mahigpit sa magkabilaang braso ko.
"If something happens, don't bother to call me, okay?" Aniya. Ngumiti ako't niyakap siya. Nagpapasalamat ako sa diyos na may ganitong supportive akong kaibigan.
Kumalas ako sa yakap at masayang inayos ang suot kong gown. Magkakaroon ng anniversary party sa kompanyang hinaharian ngayon ng ex-husband ko. Kasulukuyan siyang naging presidente ng isang media company. Marami siyang nasasalamuhang sikat na artista, modelo at direktor. Sa mga panahon wala siya sa tabi ko ay ito ang inaatupag niya at ang babae niyang si Louise na ngayon ay isang host sa show.
Nang makarating ako sa venue ng party ay pinagisipan ko muna ang gagawin ko. Ayoko ng padalos-dalos. Baka mahalataan ako o magmukhang trying hard. May mga plano kami ni Regina pero alam ko sa huli ay hindi rin masusunod ang mga yun.
Dumungaw ako sa baba at nakita siyang nakasuot ng pormal. Ang gwapo pa rin niya. Lahat ng mga bisita ay pinupuntahan niya. Magandang pagkakataon ito dahil makakausap ko siya. Unti-unti bumuo ng ngiti ang labi ko pero napawi rin n'ung dumating si Louise. Dumilim ang paningin ko't tilang nakaramdam ng matinding galit. Parang mali? Hindi! Dapat lang magalit ako sa kanilang dalawa!
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at lumapit sa bakanteng bilog na lamesa. Dumaan ang isang waitress na may mga inumin sa bitbit niyang tray. Kumuha ako ng isang white wine. Pagkatapos ay bumaling kay Markien at Louise.
Kamusta kaya sila? Mukhang masayang-masaya ang dalawa. Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Ngiti't halakhak nilang dalawa ang naririnig ng isipan ko. Tinaliman ko ang titig ko habang hindi pa nila ako nakikita. Inikot-ikot ang hawak kong wine glass saka ito ininom. Ang sarap kasing tamis ng pagmamahal ko sa kanya ngunit natapos sa mapait napamaraan.
"Humanda kayong dalawa dahil bilang na lang ang araw ng kasiyahan n'yo." Sambit ko habang masama ko silang pinagmamasid.
"Ngayon lang kita nakita rito," biglang may sumulpot na isang baritonong boses. Lumingon ako't hinarap siya. Ang mga mapungay niyang mata ang una kong nakita. May pagkakapal ang kanyang kilay, matangos na ilong at higit sa lahat, ang ganda ng jawline niya. Ano ba itong naiisip ko? Istorbo siya sa mga plano ko.
"I'm Noah Largoness." Pagpapakilala niya sa'kin. Nilahad niya ang kanyang kamay saakin. Tinignan ko lang ito't inirapan siya. Wala akong panahon makipaglandian. Ngiting binaba ni Noah ang kanyang kamay sa loob ng kanyang bulsa. Sinubukan ko maglakad palayo sa kanya ngunit malay ko ba? bigla na lang ako nakaramdam ng guilt. Kaya bumalik ako sa kinatatayuan niya kaso pagbalik ko maraming kababaihan na ang pumapaligid sa kanya. Tumango-tango na lang ako.
I need to focus on my mission sabi sa isipan ko nung bumaling ako sa ibang tanawin. Pinalinga-linga ko ang mga mata ko. Hinahanap ko sila Markein at Louise. Hindi puwede maging palpak ang mission ko ngayong gabi!
"Are you looking for someone?" Boses na nagpatigil sa'kin. Para akong statwang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Inayos ko muna ang facial expression ko bago humarap sa kanya. Huminga ako ng malalim tsaka ko siya pangiting nilingunan.
"Actually I'm not looking for someone. I'm looking for the restroom." Sagot ko.
Akala ko madaling magalit at tapusin ang mission ko ngayon gabi, pero hindi pala. May parte pa rin siya sa puso ko. Sa kanya pa rin tumitibok ito. Sa totoo lang gustong-gusto ko na siya yakapin at halikan sa pisngi. Kaso hindi puwede! Niloko niya ako at baka siya ang nasa likod ng pagkahulog ko sa bangin.
"Anong meron?" Ngiting tanong ni Louise. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa bisig ni Markein. Napansin ko ang pagkapawi ng ngiti ni Markien at bumaling kay Louise.
"What?" Kunot noo'ng tanong ni Louise sa kanya. Mukhang nagkakaroon ng kalabuan ang dalawa? Umiling si Markien. Bumaling siya sa isang waitress na parating sa puwesto namin.
"Excuse me Ms. can you take her to the restroom?" Utos niya sa waitress. Tumango lang ito't bumaling na sa'kin.
"This way ma'am," ngiti niyang nilahad ang kamay sa daan. Bago ako umalis ay nagpasalamat ako sa kanya.
"You're always welcome Ms..?"
"I forgot to introduce myself. I'm Veronica Garcia." Pagpapakilala ko. Narinig ko ang singal ni Louise. Sa dulo ng mga mata ko alam kong naiinis siya sa ginagawa ni Markien. Selos much Louise?
"I'm Markien Villalobos and this is Louise my girlfriend." Pagpapakilala niya. Tinignan ko si Louise at mapait niya akong ningitian. Hindi ko pinansin ang arte niya. Ningitian ko lang siya't tumalikod na sa kanila para sumunod sa waitress.
"I can't believe you told him that you'll be going to the restroom." Sambit ng waitress habang naglalakad kami. Kumunot ang noo ko. Ano pinagsasabi nito? At sino siya?
"Who are you?" Mausisa kong tanong. Hindi siya sumagot at patuloy na naglakad. Hanggang sa makapasok na kaming pareho sa loob ng girls restroom. Tinignan niya muna ang lahat ng cubicle tsaka niya sinarado ang pintuan.
"Answer me, who are you?" Ulit kong tanong. Lumingon siya sa'kin at tinanggal ang wig na suot niya, pekeng nunal at ilong.
"Ano ginagawa mo rito Regina?" Kunot noo' kong tanong.
"I'm making sure that you're doing your job, pero mukhang naunahan ka nanaman ng emotion mo." Seryosong paliwanag niya. Yumuko ako. Hindi niya puwede na may bumubuong luha sa aking mga mata. Dinig ko ang yapak niyang humahakbang palapit sa'kin. Tinapik ang aking balikat. Pagkatapos ay niyakap niya ako.
"Akala ko makakaya ko pero hindi pa pala. Mahal ko pa rin si Markien, Regina." Iyak ko sa kanya. Hinimas-himas niya ang likod ko.
"Mawawala rin yan Veronica. Makakaya mo ang laban." Payo niya sa'kin. Kumalas siya sa yakap at marahang hinawakan ang aking magkabilaang balikat at nagsabi na "Tara?" Aniya.
"No! Hindi pa ako tapos." Saad ko. Kailangan ko makuha ang loob ni Markien o ni Louise.
"Pero yung party patapos na, kaya let's go. May bukas pa Veronica. Ang mahalaga nakita at nakilala ka na nila." Paliwanag ni Regina. Tumango ako bilang sagot. May bukas pa. Hinintay ko siya mag-ayos pabalik ang suot niyang wig at abubot sa mukha, saka kami umalis sa party.