Chereads / Destiny is a Lie / Chapter 3 - 4: Please Come Back

Chapter 3 - 4: Please Come Back

•Justin's POV•

Nagising ako sa aking pagkakatulog ng marinig ang alarm clock ko. Oh gosh, it's June 18.

5 years na akong naghihintay. What? Woah, 5 years.

Dali dali akong nagpunta sa aming terrace, hoping that she'll finally come back.

I looked into the sky. Kailan ka ba babalik? 'Di ko na alam kung kakayanin ko na maghintay pa. Pero para sayo, susubukan ko.

"12:08AM. What about next year? Maybe she'll finally come back."

I sighed.

Bumalik na ako sa room ko. I stared at the ceiling.

Bakit pa ba ako naghihintay? May hinihintay ba talaga ako? O baka naghihintay lang ako sa wala?

Matapos ang ilang oras na pag iisip, it's already 4AM. Nakaramdam ako ng antok.

--

"Nak, bangon, may bisita ka," gising sa akin ni mommy.

"Sino po? Wait, mag aayos lang po ako."

I immediately washed my face. Nag toothbrush na rin ako, nakakahiya sa bisita kung hindi ako mag aayos kahit papaano.

"Si Natalia," rinig kong sagot ni mommy bago bumalik sa sala.

Wait. What?

Nagmadali akong bumaba, halos mahulog na ako sa hagdan sa pagmamadali.

"Hi." Napatayo si Natalia ng makita ako sa hagdan.

"Uy," nakangiti kong bati.

"Long time no see," halos mamatay ako sa saya ng makita ang babaeng matagal ko nang hinihintay. She came. Yung araw na pinangako niya, bumalik nga siya.

Alam ni mommy na best friend ko si Natalia. Iniwan niya muna kami sa sala para makapag-usap.

"Uhm, ang tagal ko 'no?" nakatingin siya sa sahig habang nakangiti.

Napakaganda niya pa rin. Walang nagbago.

"Medyo," natatawa kong sagot. I still can't believe na nandito na siya sa tabi ko, muli.

"Buti nahintay mo ako," tumingin siya sa akin, naghihintay ng sagot kahit walang tanong na binigkas.

Natawa muna ako bago sagutin ang tanong niya. Naiintindihan ko ang naiisip niya.

"Nah, wala pa akong nagugustuhan na iba. Ikaw pa rin e."

Ngumiti lang siya. Mala-anghel ang mukha. Nakakabighani ang kagandahan. Sh*t.

"Ano," pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa sala.

Masyado na palang matagal ang pagkatitig ko sa kanya, 'di ko man lang namalayan.

"Ganda mo pa rin," ngumiti lang ako sa kanya.

"Namiss kita."

"Alam mo ba na napakasaya ko na nakita na kita uli?"

"Oo naman. Ang tagal na simula nung-"

"Hala!" sigaw ko nang makita na lowbat ang aking cellphone.

Patapos na sana ang binabasa kong kwento, tsk. Ano kayang sasabihin ni Natalia dun sa bidang lalaki? Hayst. Gusto kong tapusin ang kwento, makaka-relate raw ako dito sabi ni Ericka.

Sana nga mangyari sa akin yung nangyari sa kwento. Gusto ko nang bumalik yung babaeng limang taon ko nang hinihintay.

'Pag tapos kong i-charge ang aking phone, kinumusta ko muna si Ericka bago ipagpatuloy ang kwento na binabasa ko.

"Ricka, ganda nung kwento nila Natalia."

"Told you," natawang sagot ni Ericka. Pero parang pilit ang kanyang pagtawa.

"San bumalik na yung childhood crush mo 'no?" Tanong ni Ericka, lumungkot ang kanyang tono ng pananalita.

"Ipagdadasal ko na magkita na uli kayo," dagdag ni Ericka sabay ng pag-end niya sa call.

Parang may kakaiba talaga kay Ericka pero hindi ko nalang iyon pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa kwento na nasa aking phone.

It's currently 9AM. Wala pa pala akong tulog. Inantok nga ako noong madaling araw pero mas pinili ko munang magbasa.

Buti pa iyong bida sa kwento, nakita niya na uli yung babaeng hinihintay niya.

Imbis naman na magbasa, natulog nalang muna ako dahil sobrang inaantok na talaga ako.

3.

2.

1.

0.