"Ahh, Justin, can I ask you something?" Pagsisimula ni Ericka ng usapan.
"Sure, Ericka, what is it?" Sagot ko naman.
"What if... kunwari, may best friend yung isang lalaki tapos gusto pala siya nung kaibigan niyang babae pero hindi niya maamin? Kasi alam niyang may hinihintay yung lalaki na iba?" Pagpapaliwanag niya.
Parang may kahulugan ang mga katanungan niya. Familiar?
"Uhm, siguro it's better kung aamin 'yung babae. Malay mo gusto rin pala siya nung lalaki?" sagot ko.
"Eh kasi.. malabong magustuhan siya nung lalaki," pangangatwiran nito.
"Bakit naman?" para talagang may meaning ang sinasabi niya sa akin. May gusto kaya sa'kin ang isa sa mga kaibigan ko na babae? Wow ang hangin ko HAHAHA, pero what if?
"Kasi nga may hinihintay 'yung lalaki." Sagot uli ni Ericka.
"Sino bang nagkakagusto sa 'kin?" natatawa kong tanong.
"Ikaw ba?" natatawa niya ring tugon.
"Eh parang ako kasi yung lalaki, crush mo 'ko 'no?" Pang-aasar ko sa kanya.
Namula siya bigla pero malungkot ang kanyang mga mata. Naiiyak na nga ang mga ito.
"What's wrong, Ericka? Did I said something wrong? Huy 'wag kang umiyak, ayokong umiiyak ka 'di ba?" pag-aalala kong suyo sa kanya.
"Manhid," rinig kong bulong niya at sabay tawa ng bahagya.
Hindi ko nalang ipinahalata na narinig ko ang kanyang binulong pero damn,
may gusto ba sa 'kin si Ericka?
"Una na 'ko, bes," pagpapaalam niya.
"Pero 'di ko pa nasasagot 'yung tan--"
"Ayos lang, hindi naman importante."
She waved goodbye and ran.
---
Since that day, naging mas sensitive na ako sa mga effort ni Ericka para sa akin. I appreciate those so much. Pinapansin ko na rin ang bawat galaw niya. Ang mga ngiti na suot-suot niya tuwing magkasama kami. She looks contented and happy with me. Ang clingy niya rin but I think it's cute.
I don't want to assume pero baka nga may gusto sa akin si Ricka. Pero ayoko namang maging ganoon kamanhid.
--
Days have passed and na-feel ko na medyo lumalayo sa 'kin si Ericka. What the hell did I do?
"Ugh!" Iritang sabi ni Ericka sabay labas ng classroom.
Uwian na pala?
Pumunta ako sa CR at nagpalit ng jersey. Iniisip ko pa rin kung kakausapin ko si Ericka.
Magkatabi ang locker namin kaya naman naisip ko na baka naroon siya.
"Ericka!" Bati ko sa kanya at kinalimutan ko muna na naiinis yata siya.
Umakbay ako para mapagaan ang nararamdaman niya
"Haha, hello," she laughs awkwardly.
Nagulat ako ng bigla siyang yumuko. Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkaka-akbay sa kanya.
"Anong meron? May ginawa ba ako?" Pagtataka kong tanong.
"Wala naman. Uhm, alis na ko."
"Wait."
Hinila ko ang kamay niya at 'di ko inaasahang mapapalakas. Napasandal siya sa dibdib ko at humarap siya sa akin.
"S-sorry," nahihiya niyang sagot.
Her face is red.
"Ano bang nagawa ko? Bakit mo ko iniiwasan?"
"Wala nga!" Napalakas ang pagkakasabi niya na naging dahilan ng pagtingin ng mga nakapaligid sa amin.
Nagbubulungan ang mga tao na nakatingin din sa 'min.
"Sila na pala?"
"What the hell?"
"Oof."
"Akala ko magkaibigan lang sila."
"Ang landi nung girl, hahaha."
Napukaw ang pansin ko sa isang babae na tumawag kay Ericka ng malandi.
"Anong sabi mo?" mahina ngunit madiin kong tanong sa isang estudyante.
Lumingon siya sa sa kamay ko. Namin. Magka-holding hands pala kami ni Ericka.
"Malandi" nakangiti niyang sabi kay Ericka na nakayuko lang.
"'Di ako nananakit ng babae dahil tunay akong lalaki. Pero kung babastusin mo si Ericka, baka makalimutan kong babae ka," nakangiti ko ring sabi sa babae na kasing edad lang pala namin.
"Stop it, Justin," bulong ni Ericka.
"No, hindi pwedeng sasabihan ka lang nila ng kung ano ano."
"Pwe. 'Kala mo kung sinong maganda," dagdag pa ng babae.
Tinitigan ni Ericka ang babae at sabay ngumiti na rin. "May gusto ka kay Justin 'no?"
"Oo, pake mo?" Nagulat ako sa sinabi ng babae. Gano'n ba ako ka-gwapo? Joke.
"Mas maganda 'ko sa'yo," dagdag ng babae.
Umingay lalo ang bulungan ng mga tao sa locker room.
"Oh talaga?" Natatawang sabi ni Ericka.
Tumitig si Ericka sa akin at nakangiti pa rin.
"Para tumigil na 'tong babaeng 'to, Justin, ikaw ang magsabi." Ang cute ni Ericka ngumiti.
"Hoy Justin, naririnig mo ba ako?" Paulit-ulit na sabi ni Ericka.
"Ay, oo." Bumalik na uli ko sa sarili ko.
"So sino?"
"Ang ganda mo, Ericka." Nakatitig pa rin kami sa isa't isa.
Umiwas siya at halatang 'di niya inasahan ang sagot ko. Namumula na naman si Ricka.
Tumingin ako sa babae. "Miss, maganda ka rin."
Nakita ko na medyo lumungkot ang mata ni Ericka sa narinig.
"Pero ang pangit ng ugali mo. Hehe, mas gusto ko si Ericka."
Hinila ko na si Ericka paalis sa locker room dahil dumadami ang mga tao roon. Baka kumalat na rin ang issue.
Habang naglalakad kami papunta sa ground ay napahinto si Ericka. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Paasa ka talaga," pagtataray niya.
"Oh ano na naman ang nagawa ko?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Pangit pangit mo pero ang daming babae ang nagkakagusto sa iyo."
"Pangit ako?!" Natatawa kong tanong.
"Oo." Sagot niya
"Yung magpa-PANGIT-i sa 'yo." Banat ko naman.
"Ang corny mo talaga."
Napansin kong pinipigil niya ang pag ngiti. And as always, namula na naman siya.
"Corny daw pero kinikilig," napangiti rin ako sa kanya.
"Psh. Shut up." 'Di niya na napigilang ngumiti.
"Look, you're blushing," lumaki lalo ang ngiti ko.
"Hindi nga!" Hinampas niya ang braso ko at tumawa.
"Sungit-sungit kanina, ako lang pala ang gusto," biro ko.
"Oo nga eh."
Tinakpan niya bigla ang bibig niya nang maisip ang nasabi niya.
"I mean gusto talaga kitang kasama, ang corny mo kasi."
"Gusto rin kita," sagot ko.
Natigilan siya sa pagtawa.
"Tara na, panoorin mo akong maglaro ng bola. Cheer mo 'ko," pag aaya ko sa court.
Natawa siya ng malakas. Inisip ko naman kung anong nasabi ko. 'Panoorin mo akong maglaro ng bola'
"H-Hindi yung naiisip mong laro. I mean basketball." Natawa rin ako sa nasabi ko. Ang dumi talaga ng isip nitong babaeng 'to.
"Na-iimagine kita." Tumataas baba pa ang kilay ni Ericka.
"T-tigilan mo nga iyan."
"Ba't namumula, Justin?" Pangungutya niya sa 'kin.
"Babae ka ba talaga?"
"Anong akala mo?!"
"Para kang hindi babae, ang dumi ng isip mo," natawa uli ako.
"Hmp! Babae ako."
"Oo na, talo naman ako lagi sa asaran kasi nga 'babae' ka."
Nagtawanan lang kami at 'di namin namalayan na nandito na pala kami sa court.
"Pre!" Bati sa akin ng mga kasama ko.
"Dinala mo pa gf mo, practice lang naman 'to," pang-aasar ni Mark sa akin. Kilala nila si Ericka at alam nilang magkaibigan lang kami.
"Bwiset ka talaga, Mark," sabi ni Ericka.
"Diba Ricka sabi mo sa akin crush mo 'to?" Turo naman sa 'kin ni Josh.
"Tigilan niyo nga ako! Wala akong sinasabing ganoon." Pagpipigil ni Ericka ng ngiti.
"Tama na iyan. Laro na tayo," pag aaya ko.
•Ericka's POV•
Sh*t sh*t sh*t. Kanina pa ako kinikilig dito kay Justin. Nadulas pa ako sa pagkakasabing gusto ko siya. OMG OMG OMG.
Nag-text muna ako kay mommy dahil male-late akong umuwi.
-'Sinong kasama mo?'
-'Justin po ma.'
-'Baka naman kayo na? Nako anak, aral muna ha?'
-'Hindi po ma! Siyempre po aral muna hehe.'
-'Ingat kayo anak. Ily'
-'ilyt ma.'
Iaangat ko sana ang aking ulo para panoorin si Justin maglaro. Nasa harap ko na pala siya.
"Break time daw muna, pahingi tubig." Ngumiti si Justin habang nangbuburaot ng tubig. Ang cute ng ngiti niya tapos halos wala nang mata kung ngumiti. Itong lalaking 'to maglalaro tapos walang dalang tubig, wtf?
Kinuha ko ang tumbler ko at iniangat ang kamay ko para iabot.
Naka-upo kasi ako sa sahig at hita niya lang ang katapat ko.
"Umatras ka, Justin." Nakapikit kong sabi.
"Bakit?"
"Nakatapat ako sa ano mo!" namumula akong sumagot.
"Ano?" pagtataka niya.
"Tignan mo."
Napa-atras siya nang maisip ang pwesto namin.
"Sorry HAHAHA," nakangiti na naman siya. Anong problema nito?
"Manyak ka ha," pangungutya niya sa akin. "Ako pa ang manyak? Ikaw nga ang tumayo diyan sa harap ko." Napairap ako sa hangin.
Pinunasan ko siya nang maupo siya sa tabi ko. "Grabe ang pawis mo."
Ang gwapo ni Justin. Magulo ang buhok niya kaya naman mas lalo ko pang ginulo, HAHAHA bakit ko aayusin? Ang cute niya kaya pag ganito. Tapos tumutulo ang pawis pero ang bango pa rin.
Halatang pagod na pagod siya pagkatapos ng training nila. May sasalihan kasi silang basketball tournament kaya todo practice sila.
Niyakap ako ni Justin at napasandal ang ulo sa balikat ko. "Wait lang Ericka ha? Magpapahinga lang ako saglit." Pagod ang boses niya. Nakapikit siya ngayon.
Sumakay kami ng tricycle pauwi. Sa bahay muna namin pumunta si Justin. Nagpaalam daw siya.
"Hello po tita," bati ni Justin.
"Doon uli kayo sa kwarto ni Ericka?" tanong ni mommy.
"Kung pwede lang naman po."
"Magpapahinga lang po si Justin, ma," pagpapaalam ko.
"Oh sige." Tinignan ako ni mommy bago bumalik sa kusina. "Dito ka na rin kumain ng dinner, Justin," dagdag pa ni mom.
Pumanik kami sa kwarto ko at humilata si Justin sa kama ko. Pagod talaga 'to.
Kinwentuhan ko muna siya hanggang hindi pa luto ang pagkain.
"Kailan kaya babalik 'yung kaibigan mong babae?" naitanong ko out of nowhere.
"Who knows?" sagot niya habang nakayakap sa unan ko.
"Paano 'pag bumalik siya?"
"Edi bumalik, HAHAHA."
"Grabe 'to, parang walang pakialam," tumingin ako sa kanya at saktong nakatingin din pala siya sa akin.
"Siyempre sasaya ako. Kaibigan ko 'yun e," nakangiti niyang sabi.
"Akala ko ba hinihintay mo kasi may gusto ka sa kanya? Baka ibang kaibigan ang naiisip mo," nagtataka kong tanong.
"Hindi. Kilala ko ang tinutukoy mo," nakatitig pa rin siya sa akin habang nakangiti. Weird.
"Matagal kang naghintay ta's wala kang gagawin sa taong gusto mo,"
"Bakit ko naman hihintayin ang taong nasa tabi ko lang simula pa dati."