Chereads / Almost Won't Be Enough / Chapter 1 - After Effects

Almost Won't Be Enough

Emina_Daisuki
  • 4
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 22.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - After Effects

Ilang araw na rin yung nakalipas pagkatapos kong ipatigil si Gael sa panliligaw. Inaamin ko na miss ko na siya, miss na miss. Ang tanga ko noh? Ako nga yung nagpatigil sa kanya, ako pa ang makakamiss sa kanya?

Namiss ko yung mga good morning niya paggising ko sa umaga. Yung pagsabi niya na mag-ingat ako sa pagpunta sa school. Namiss ko yung pagsabi niya na huwag akong titingin sa ibang lalaki, na miss na miss na niya ako. At higit sa lahat, miss ko na yung pagsabi niya ng "Babe, I love you".

Inunfriend niya ako sa facebook nung araw na pinatigil ko siya sa panliligaw. Blinock niya nga ako kaya di ako nakapag-explain sa kanya nang husto. Pero inunblock niya rin ako kinabukasan.

Nagtext siya sakin. Sabi niya na huwag na akong babalik. Sabi niya na sana hindi na ako humingi noon ng second chance. Nasaktan ako kasi mahal ko siya pero wala na akong magagawa kasi kung ipagpapatuloy ko pa yung panliligaw niya, alam kong masasaktan din kaming dalawa. Nasa malayo siya. Malayo kami sa isa't isa.

Isang araw, nakita ko na lang na naisali ako sa isang groupchat. Hindi ko alam kung sino ang nagsali sa akin pero nung tiningnan ko yung mga members, nabasa ko yung pangalan niya at pangalan ng babaeng may gusto sa kanya.

Nagleave ako sa groupchat kasi naalala ko yung sinabi niyang hindi na ako babalik sa buhay niya. Nung gabing yun, nagchat sa akin si Sora, matalik na kaibigan ni Gael. Nagkamustahan kami tapos sinend niya sakin yung conversation nila ni Gael sa messenger:

Gael: Bakit nagleave yun?

Sora: Ewan ko, nag-away ba kayo?

Gael: Hindi. Hindi niya ba kaya na makitang masaya ako?😂😂

Sora: Ahaha, nireject ka ba niya?

Gael: Oo.

Nasaktan ako sa sinabi niya kasi parang sinasabi niya sa akin na panoorin ko siya na makahanap ng ibang babae na mamahalin niya nang mas higit pa sa akin. Oo, alam kong kasalanan ko kasi pinakawalan ko siya. Pero nasasaktan din naman ako.

Ang mas masakit pa is yung time na nagtanong siya sa akin kung masaya ba ako sa ginawa ko. Hindi ako masaya kasi pinakawalan ko yung taong mahal na mahal ko. Nagkakilala kami ng medyo matagal pero yung tingin niya sa akin is isang taong na masaya dahil nanakit ako. Masakit yun kasi siya lang, siya lang yung pinakaunang lalaki na minahal ko at minahal din ako. Siya yung pinakaunang lalaki na nanligaw sa akin at nagpakita sa akin na mahalaga ako.

Inadd ulit ako ni Sora sa groupchat nila at mas lalo akong nasasaktan kasi may tinatawag na si Gael na babe. Yung salitang babe na yun, yun yung tawag niya sa akin at ngayon, iba na ang tinutukoy niya.

Nagleave na ako dun sa groupchat kasi alam ko na masasaktan lang ako. Mula noon, wala na akong connection sa kanya. Pero araw-araw, binibisita ko yung facebook niya. Nakita ko yung status niya na may hinihintay siya na someone para mag-online. Alam ko na ibang babae na yun kasi tuwing weekends lang daw nag-oonline yun.

Buti pa siya at nakahanap na siya ng iba samantalang ako, eto iniistalk ko pa rin yung account niya. Tinitingnan ko lagi kung ano yung pinopost niya. Hindi ko akalain na hanggang ngayon, hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya.

Kahit mahal ko siya, wala na yung halaga. Wala nang halaga kasi ngayon, iba na ang laman ng puso niya. Iba na ang nagpapasaya sa kanya. Iba na ang nilalambing niya. Iba na ang tinatawag niyang babe.

Masakit sa part ko na pakawalan siya. Masakit kasi siya na yun eh. Siya na yung ideal guy ko. Siya yung taong mature kung mag-isip, may sense of humor, may sense of responsibility, matangkad, family oriented at higit sa lahat, may takot sa Diyos.

Pero nawala siya. Nawala siya nang dahil sa kagagawan ko. Nawala siya dahil lang kinain ako ng takot ko. Na baka masasaktan siya kasi di kami magkikita nang matagal. Baka di namin kakayanin ang long distance relationship. Maraming mga what if's at how na mga tanong na umiikot lagi sa isipan ko.

Nawala siya dahil sa kahinaan kong ipaglaban siya. At ngayon? Ako na ang nasasaktan.