Chereads / Almost Won't Be Enough / Chapter 3 - Foolish Girl

Chapter 3 - Foolish Girl

Nagsimula kaming magchat ni Shin. Sabi niya na half-Taiwanese siya and an actor. Sabi niya na isa siya sa actors ng isang movie. At ako naman na si uto-uto, naniwala sa kanya. I believed na actor siya which is the most stupid thing I've ever done. Nalaman ko lang na nagsisinungaling siya nung nagsearch ako tungkol sa mga actors ng movie na sinabi nya. Hindi siya yung actor. Kaya nag-away kami, nagkalabuhan kami nung bumalik siya sa Taiwan kasi malapit na ang pasukan nila.

Gumawa ng paraan ang mga kaibigan niya para magkabati kami. At first, ayoko siyang kausapin pero nagkabati na rin kami. But we never went back to the way how we interact before. Nagpaloko kasi ako. And he started to drift away from me. Maraming nagkakacrush sa kanya and wala akong laban kaya tinutulungan ko sila and one more thing, sinabi ko sa kanya na crush ko siya and that's it. Wala na, hanggang dun lang yun.

Back on December 2017, nagtanong si Shin kung pwede manligaw pero sinabi ko hindi kasi nagkakilala lang kami within weeks and nasa malayo siya. But January 2018, nalaman ko na may girlfriend na siya and they're already 3 months together. I ignored that kasi hindi ako naging 2nd option niya. Nalaman ko na poser siya and I don't know who he really is. We're still friends pero not like before. And I still doubt his identity. Kaya I ignored him rather than hear more lies coming from him.

Around this time, nagparamdam ulit si Gael and he talked about his crush. We talked about his crush. And being the nosy person I am, yeah, sorry about that, nagtanong ako kung sino yung crush niya pero ayaw niya sabihin. At ako naman, kinukulit siya pero di niya talaga sinabi. That time, kinabahan ako kasi feeling ko ako yung tinutukoy niya pero di ko sinabi kasi ayokong maging assuming. The day after he talked about his crush, chinat ko siya. That was early in the morning, I could feel the chilly wind creeping in my back. Sinabi ko sa kanya na kung ako ba yung crush niya. Tinanong niya kung paano ko nasabi yun.

Sinagot ko siya na feeling ko lang kasi kinabahan ako. And then, umamin siya. Ako nga, ako nga yung crush niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang saya saya ko kasi may crush din sa akin yung crush ko. Nagtanong siya kung pwede siyang manligaw, nagdalawang isip ako kasi marami akong tanong sa sarili ko. Maraming paano, maraming what if na gumugulo sa isipan ko.

Nagsend siya ng pagkahaba-habang message, sabi niya na ia-unfriend niya ako pero magsesend ulit siya ng friend request. Sabi niya na kung gusto ko siyang bigyan ng chance, iaccept ko yung request niya, kung wala siyang pag-asa, wag kong iaaccept. Days passed and I decided to give him and to give myself a chance to be happy. Inaccept ko yung friend request niya and nagchat siya to clear things up. Nagtanong siya kung naintindihan ko ba yung sinabi niya noon and sabi ko oo. Ayun ang saya saya niya and so was I.

We started chatting kasi nga nanliligaw na siya kahit sinabi ko na pag 18 lang ako pwedeng magkabf. He said na maghihintay siya ng isang taon tutal this year, magseseventeen ako. Ang sweet niya,lagi siyang nagchachat. Sinasabi niya na mahal niya ako, na miss na niya ako, na gagawa siya ng paraan para magkita kami in person.

Naging honest siya sa akin about sa mga previous relationship niya. Kinuwento niya lahat sa akin so naging open na rin ako sa kanya. We were happy that time and it feels like he's my boyfriend already. We had few misunderstandings but we end up patching together. Minsan nga bumitaw siya dahil sa kadramahan ko pero syempre, hinanap ko siya and nagkabati ulit kami. Ang weird noh? Pero I like our relationship.

Pero napag-isip-isp ko na paano kung maging kami? Anong gagawin ko? Kung sa ngayon palang, gustong-gusto ko na siyang makita, paano pa kaya pag naging kami na? Paano kung sobrang miss na miss ko na siya? Di ko ata kayang hanggang chat kami lang.

Oo, sabi niya na siya ang pupunta dito sa amin pero naguiguilty ako kasi siya yung gagastos para lang magkita kami. Siya lang yung nag-aadjust para sa akin. Naguilty ako nung pinag-isipan ko kung maging kami. Maghihintay siya hanggang mag-18 ako, tapos siya pa ang pupunta dito sa amin para lang magkita kami. That is so unfair for his part.

Nagdesisyon ako na ipatigil siya sa panliligaw. Akala ko magiging okay kami pa rin kahit ganun pero nagkamali ako. Never have I thought na mawawala siya sa akin dahil dun sa desisyon ko. Nung pinatigil ko siya sa panliligaw, dun din siya nawala sa akin. We parted ways and it hurts so much kasi nasaktan ko siya. I wanted to explain pero sabi niya na di na ako babalik sa buhay niya.

Days passed and di ko pa rin sya makalimutan. Lagi siya ang nasa isip ko, tinatanong ko yung sarili ko kung ano kaya ang nangyayari ngayon kung nanliligaw pa siya. Ano kaya ang pinag-uusapan namin kung andito pa siya.

Nung birthday ko, grineet niya ako indirectly kasi pinasabi niya sa kaibigan niya na kachat ko. I wanted to chat him pero ang kapal na ng mukha ko kung gagawain ko yun. I want to bring him back pero nahihiya na ako. Wala na akong lakas para sabihin yun sa kanya. After what I did to him, gusto ko pa siyang bumalik pero ayoko na. Kasi alam ko na masasaktan ulit siya dahil sakin. Pinili kong maglet go para hindi ko na siya masaktan. And the result of that, ako na ngayon ang nasasaktan. Hindi ako okay kahit pilitin kong maging okay. Hindi ako okay, hindi ako okay, gusto ko siyang bumalik, gustong-gusto pero wala Na. Wala na siya at kahit kelan, di na siya babalik sa akin.