Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Time Traveling Soldier

đŸ‡”đŸ‡­Ally_Bon
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.4k
Views
Synopsis
Hindi sigurado si Fernando kung paano nangyari, ngunit sa pinaka-miserableng araw ng kaniyang buhay nagbago ang lahat. Nakarating siya sa isang panahong isang daang taon makalipas, panahong hindi siya kabilang. Paano makakabalik si Nanding sa sariling panahon? Paano niya haharapin ang bagong kakayahang natuklasan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Panimula

Pasong Tirad, Ilocos Sur 1899

Tila bang naging bingi sa mga pagsabog at putok ng mga baril habang hirap sa paghabol ng kaniyang hininga si Fernando. Hilong-hilo nitong hinanap ang kaniyang pinsan habang pilit na nagtago sa tabi ng mga kasamang wala ng buhay; dinalangin na lamang niyang hindi niya matanaw ang mukha ni Gregorio na nakaratay at walang buhay.

Napapikit sa sakit ng kaniyang tenga si Fernando nang paunti-unting nagbalik ang kaniyang pandinig. Tila ba nagliwanag ang lahat ng marinig niya ang isang pamilyar na tinig, "Nanding!" Si Gregorio! Napasigaw sa kanyang isip ang binata, agad niyang hinanap kung saan nanggaling ang boses at agad naman niyang natanaw ang mukha ng batang heneral, ngunit dali-dali niyang dinaluhan ang kanyang pinsan na sugatan; patuloy sa pagdurugo ang braso nito.

"Goyong, unti-unti na tayong nauubos, dapat na tayong umurong," saad ni Nanding habang ginagamot ang heneral na pinsan, sa mga salita ni Nanding, mabilis na binawi ni Gregorio ang braso at tila bang galit na tinitigan ang binata.

"Hindi mo alam ang iyong sinasabi, Fernando," dismayado ang binatang heneral sa mga salitang binitawan ng kaharap na binata, "kinahihiya kong naging kadugo kita! Sa tingin mong dapat tayo sumuko dahil sa kaunting pagsubok? Utos ito ng presidente, Nanding. Wala na akong ibang magagawa pa para sa ating bansa, akala ko ba handa tayong mamatay para sa bayan?"

Hindi na naka-imik pa si Nanding sa parangal ng kaniyang pinsan, mas nakakatanda siya dito ngunit mas matanda pa umakto sa kaniya si Goyong. Tumitig si Gregorio kay Nanding at nagsalita, "una palang mas marami na sila, pero hindi tayo nawalan ng pag-asa, naniwala lahat na kaya nating mapigilan ang kalaban, nasaan na ang paniniwala mo, Nanding?" Sa pag-banggit ni Gregorio sa mga salitang ito, agad na kinuha niya ang kaniyang kabayo at sumugod patungo sa mga kalaban.

Hindi nakapaniwala si Fernando sa nakita, agad niyang hinablot ang kaniyang baril at tumungo sa direksyon ni Gregorio ngunit isang putok ang kaniyang narinig na nagpatigil sa kaniya sa pag-sugod.

Para bang bumagal ang panahon at ang oras, parang bumagal ang lahat at nasaksihan ni Fernardo ang bawat segundo ng pangyayari. Mabagal na pinanood ni Fernando ang balang tumungo kay Gregorio, nais niyang iligtas ito ngunit parang napakalayo ng distansiya nila at wala na siyang nagawa pa kundi panoorin ang bala na bumaon sa leeg ng kaniyang pinsan, pinanood niyang mahulog mula sa kabayo si Gregorio. Napakabagal ngunit napakabilis ng mga nangyayari; napakabagal para sa mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata ngunit napakabilis para mailigtas pa ang binata.

Sa nasaksihan, bigla nalamang niya naalala ang mga salitang binitiwan ng kanilang lolo bago ito pumanaw , "El patriotismo es morir para el paĂ­s." Patriotism is to die for the country. Ito ang mga salitang pinanghawakan ni Goyong hanggang sa huli, hindi na napigilan pa ni Nanding ang mga luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata.

"Goyong!" Ito ang huling sigaw ni Fernando bago nagbago ang kaniyang paligid, iba't-ibang kulay ang bumalot sa kaniya, pinalibutan siya nito habang napakabilis na umiikot. Hindi niya alam ang nangyari, at wala siyang alam sa susunod pang mangyayari. Matagal na tumitig sa mga kulay si Fernardo nang dilim na lamang ang bumalot sa kaniya.