Tirad Pass, Ilocos Sur 2017
Nagising sa malalim na pagkahimbing si Fernando, unti-onting dumilat ang pagod niyang mga mata kasabay ng matinding pagkirot ng kaniyang ulo; umiikot at papikit-pikit ang kaniyang mata habang pilit na bumabangon. Tirik ang araw at matinding init ang bumalot sa sugatang sundalo, pinilit niyang tumayo, tahimik ito at dahan-dahan sapagkat iniiwasan nitong makatawag pansin ng mga kaaway na amerikano. Napaupo at napasandal na lamang sa malapit na puno si Fernando, malalalim na hininga ang kaniyang pinakawalan habang nilibot niya ang mga mata. Maraming puno, at maiingay ang mga ibon, "nasaan ako?" Ito ang tanging bulong niya sa sarili.
Sa hindi kalayuan, natanaw niya ang isang silweta ng kabayo at taong nakasakay dito, "Goyong!" sigaw nito sa nakita, sigurado siyang si Gregorio ang kanyang nakita hanggang sa umayos ang kaniyang paningin, dahan-dahang naging malinaw ang kaniyang natanaw, "isang rebulto?" Pagtataka niya. Pinilit niyang tumayo kahit masakit parin ang pangangatawan, maingat parin ang mga hakbang niya, ngunit napatigil ang binata nang sa 'di kalayuan, narinig niyang may pagtitipong nagaganap at patungo ito sa direksiyon niya. Nagtago si Fernando sa likod ng puno at pinakinggan ang paguusap.
"And now finally, we've reached the most famous historic place in the country, as you can see to your left, it is the statue of Brigadier General Gregorio del Pilar y Sempio, he was the second youngest to be appointed as general during the Philippine-American war—" hindi maintindihan ni Fernando ang naririnig sapagkat nasa ibang lenggwahe ito ngunit nabuhayan siya ng marinig ang buong pangalan ng kaniyang pinsan.
"Sino ang mga taong ito?" Mahinang nagtanong ito sa sarili, sinundan niya ng tingin ang grupo ng mga taong may iba't-ibang lahi, ang mga kasuotan nito ay hindi pamilyar sa binata. Parang napaka-gara nila ngunit naligalig siya sa nakitang kasuotan ng mga kababaihan, napaka-ikli at nipis, mayroong pag-aalala sa kaniyang isipan. Inisa-isa niya ang mga mukha at napansing parang may mga lahi ang mga ito, marami pang katanungan ang namuo sa kaniyang isipan ngunit nanatili na lamang siyang tahimik at nanatiling nanood na lamang siya hanggang sa lumipas ang oras at nawala na ang mga ito sa kaniyang paningin.
Muling lumibot at lumakad ang binata kahit pa may matinding sakit siyang nadarama sa buong pangangatawan. Mabilis siyang humakbang pababa ng kabundukan, matagal din hanggang sa makatagpo siya ng isang bahay, nararamdaman na niyang kaunti nalang at babagsak na ang kaniyang pangangatawan. Lalo pa siyang bumilis sa paglalakad at kumatok sa bahay na pawang kakaiba ang istruktura. Hindi ito kubo, o gawa sa kahoy, purong gawa ito sa semento at may marangyang kulay na nakapalibot sa bahay, ang tingkad para sa mga namimikit na mata ng binatang sundalo. Patuloy siyang kumatok at sa wakas ay pinagbuksan ng isang lalaki, hindi na niya napagmasdan ang nagbukas ng pinto sa kaniya sapagkat napatumba siya sa pagod na nadama.
"Hijo? Hijo?" Nag-aalalang tanong ng 'di katandaang lalaki sa nahimatay at sugatang binata. Lubos na pagtataka ang nararamdaman ng mama, nais niyang magtanong ngunit sa dungis at sa dami ng dugo nito sa katawan, baka mapagkamalan pa siya ng hindi maganda kung mananatili sila sa labas kaya nagdesisyon itong ipasok ang binata sa kaniyang bahay.
"Hijo? Saan ka nanggaling?" Mula sa kasuotan nito, napagtanto ng lalaki na galing ito sa pista, makaluma kasi ang uniporme nito, nagbakasakali siyang isa ito sa mananayaw ngunit nag-alala rin siya at baka isa ito sa mga nababalitang nato-tokhang dahil sa dami ng dugo at putik sa katawan at kasuotan. Inihiga niya ang binata sa sofa, at nagmadaling kumuha ng tubig at pagkain at inilapag malapit sa tulog na estranghero. Kinuha nito ang kaniyang telepono at tumawag ng tulong.
"Richard, I need you here, quickly," saad nito sa lalaking nasa kabilang linya.
"Ano nanamang ginawa mo, Ian? 'Wag mong sabihing nagnakaw ka nanaman ng historical artifact?" may halong biro sa boses ni Richard. Kaunting natawa si Ian sa biro nito habang inaalala ang pangyayaring iyon.
"Let's be serious here, kailangan ko talaga ng tulong mo," muling naging seryoso ang lalaki.
"Okay, hindi ako lawyer Ian, I'm a doctor, kung may ginawa ka nanaman, I can't have my wife helping you again," nagbanta naman pabalik si Richard.
"I know that, but I really need your experties. May lalaking kumatok sa pinto ko kanina, sugatan, I don't know if he's still alive," malumanay na nagpaliwanag si Ian habang pinagmamasdan ang walang malay paring si Fernando. Alam ni Richard na hindi nagbibiro ang kaibigan, at agad siyang nagbigay ng instruksyon, "can you check if he's still breathing?" tanong nito bilang doktor. Dahan-dahan namang lumapit si Ian sa binata at nilapit ang tenga sa ilong atsaka sumagot, "yes, he's alive. I can hear he's still breathing."
"Okay. Don't move him, I'm on ny way," wala nang nagawa pa si Ian nang ibaba ni Richard ang telepono, patuloy nalang niyang binantayan ang natutulog na katawan ng lalaking hindi niya kakilala.
Ilang minuto ang nakalipas pinapasok na ni Ian si Richard na dala-dala ang napakaraming kagamitang galing pa sa kaniyang klinika. Pareho silang nakatayo na bahagyang malayo sa tulog na lalaki.
"Hindi ko alam kung saan siya galing, bigla nalang siya nahimatay pagkabukas ko ng pinto," sambit ni Ian habang lumapit si Richard para suriin ang karamdaman ng estranghero, "these are serious injuries, Ian. Parang binugbog siya, and he's been shot! Where the heck did you find this man?" Hindi makapaniwala si Richard na buhay pa ang lalaking ito. Hindi na sumagot pa si Ian at pinanood nalang ang panggagamot ni Richard.
"Siguradong may naghahanap sa kanya, pulis man o pamilya niya," saad ni Ian at sabay sabi pa, "sa tingin ko drug dealer 'yan. Sino ba naman gagawa sa kaniya niyan kundi yung mga pulis na nagto-tokhang," magaspang na salita ang mga ibinato ni Ian.
"Baka marinig ka ng pasyente," pinaalalahanan ng doktor ang lalaki. Napasinghap siya ng makuha ang bala mula sa katawan ng lalaki, malapit na siyang matapos.
"I'm just saying what I think," saad nito at tsaka tinignan ang balang kakatanggal lang sa katawan, "wow, he's been through alot."
Hapon na nang matapos ang doktor sa paggagamot, nagliligpit na sila ni Ian ng kalat nang may mapansin si Ian.
"Richard, I think this bullet is familiar," saad nito. Napatawa ng marahan ang doktor sa inasal ng kaibigan, alam niyang may pagka-humaling ito pagdating sa mga baril at Philippine History.
"Richard, this bullet. I have seen this before. M1885 Remington Lee," parang nagsasalita ng ibang lenggwahe si Ian para kay Richard, wala itong naiintindihan.
"Ian, I'm not one of your students, okay? Stop this non-sense, hintayin nalang natin magising 'tong batang ito, at malaman na natin kung anong nangyari sa kanya," saad ni Richard habang tinatapos ang paglilinis.
"Richard, I'm not kidding! These kind of bullet was produced back in 1890s. And this is a rifle bullet, who uses a rifle and doesn't even kill the victim?" Puno ng paghanga si Ian sa nakikita. Hindi makapaniwala si Richard sa nakikita at napaupo na lamang siya habang binabantayan ang binatang ginamot at ang kaibigang parang nabaliw sa balang natuklasan.
"Hindi nga gumagamit ng rifle ang mga police dito," pagbibiro ni Richard, sabay napatawa si Ian sa biro nito, ngunit napatigil sila nang makitang gumalaw ang binatang nakahilata. Unti-onting dumilat ang mga mata nito.
"Goyong!" Napaupo si Fernando habang hinihingal, naalala niya ang mga kakaibang pangyayari kani-kanina lamang. Hindi pamilyar ang bahay na kinaroroonan niya, at lalong hindi pamilyar ang boses na kumausap sa kaniya.