Chapter 15
Kayla
Sobrang Bwisit na Bwisit ako kay Craig Dahil sa ginawa niya kanina..
ang kapal din ng mukha niyang kaladkarin ako sa Rooftop kanina ..
Kasalukuyan akong nandito sa room ngayon at nag iisa.. nag tatampo na nga rin ako kay Frenna Kasi mukhang nakalimutan niya na ako simula ng naging sila ni Rico eh .. Napabuntong hininga nalang ako dahil duon..
" Alone?.. " . Out of no where may narinig akong boses ng lalaki.. boses na sobrang kinamumuhian ko..
Hays! ano ba naman yan , gusto kong mapag isa kaso umeepal nanaman siya..
napatingin naman ako sa kanya tapos tinignan ng masama.. nakatayo siya sa pintuan tapos naka ngisi pa..
" Ang Kapal ng Mukha Mo!!". Sigaw ko sa kanya.
lumapit naman ito sakin tapos umupo dun sa teachers table ..
" I know.. ". Rinig kong saad nito
Hays! Kakairita yung presensya niya
" Pwede bang iwan mo nalang akong mag isa rito .. Epal ka nanaman sa pag eemote ko eh". Irita kong saad sa kanya..
hindi naman ito sumagot , bagkos may kinuha ito sa bag niya tapos inihagis sakin..
Hays! wala talagang natitirang pagka gentleman ang lalaking to!.. Ano Ba To? Tapos tinitigan ko ung Box na inihagis niya sakin at may Label ito Iphone X?..
Iphone X?..
" ano to?". tanong ko rito
" Malamang Cellphone.. nakita no na ngang Phone yan Mag Tatanong Ka Pa!". Irita nitong Sagot Sakin..
napaka Suplado talaga.. at bakit naman niya ako bibigyan ng Cellphone?.
"Ano namang gagawin ko rito?". Tanong ko ulit sa kanya..
nakita ko naman na Pinanliitan niya ako ng tingin tapos napahawak sa sentido niya bigla ..
Napatayo Naman Siya tapos akmang aalis na...
" ano bang gamit ng Cellphone Ha?.. Kainin mo nalang siguro yan .. baka sakaling malaman mo ang gamit niyan!". Saad nito Tapos umalis na sa room kaya naiwan akong mag isa..
ano Daw? kainin ko daw?.. Ma try nga Char!
hindi ko naman maiwasang mapangisi habang naka tingin sa binigay nitong Iphone..
Char Talaga Yung Craig Na Yun.. Kahit Papaano may naitatago rin siyang kabutihan .. kahit katiting lang ..
tapos ng nasa pinto na siya banda napa tigil ulit ito..
" Sorry". rinig kong saad niya kahit mahina lang yung pag kakasabi niya tapos nagmamadali na siyang umalis ng Room..
eh?.. Ano daw Sorry?.. napangisi naman ako bigla dahil duon.. Ang isang Craig Lee Patinson? Humihingi ng Sorry? Pfft!! Hahaha Sabay Tawa ko ng Malakas..
Oh My G! Nag Sorry Siya .. Hindi ko mapigilan yung sarili kong tumawa ..
Pag katapos ng Klase namin, as usual mag isa kong naiwan nanaman .. Nag Paalam na rin si Frenna Sakin na Hindi daw niya ako masasabayan Papunta Sa Dorm namin kasi may pupuntahan pa daw sila ni Rico Her Loves Daw.. Syempre Nginitian ko siya tapos Oo agad kasi Sino ba naman ako para Pigilan siya sa kaligayahan niya.. BFF ko Yan Eh..
Hinintay ko munang lumipas yung oras .. Ginamit ko na rin yung Phone na binigay sakin ni Craig . hindi ko pa nga alam kung paano gamitin nung una eh, pero buti nalang may back ground ako sa pag gamit ng mga ganitong klase ng cellphone kahit papaano..
Maka Selfi nga kahit ngayon lang.. Char Haha mag Isa ko naman eh ..
inayos ko muna ung sarili ko tapos nag Selfie na..
Todo pindot nga ako sa Capture button ng Camera eh Haha..
Pagkatapos nun, nag scroll naman ako sa photos ko para makita yung mga picture na Maganda ako syempre at i delete yung mukhang Bakekang at Chaka
Ai.. ano ba To.. Halos 150 Images na yung ginawa ko pero bakit parang ang pangit ko sa lahat my gas...may mga nakatayong buhok ko tapos ang kapal pala ng Kilay ko.. My Gas!.. Bakit ganun hindi ako aware Char Hahah..
inayos ko naman ulit yung sarili ko tapos ngumiti ng katulad kay mcdonald .. Maganda na to Promi--
" Ugly Creature.. ". rinig kong boses nanaman ng lalaki sanhi para mapatigil ako sa gagawin ko sana tapos kunwari nag sasalamin sa phone ko..
narinig ko rin na tumawa siya dahil sa palusot na ginawa ko kahit huling huli niya na ako.
tinitigan ko pa nga siya ng masama eh dahil duon ...
" Anong nakakatawa?". Pag tataray ko sa kanya
" Ikaw.. " Sagot nito tapos ngisi ng nakakaloko..
bakit lagi nalang pag loner ako eh dumadating tong damuho na to..
" Che! Im Not Comedy In This Room". trying hard kong pag ingles..
" You know What Pffft! Hahaha.. You never Failed to make me laugh Everyday ". saad nito tapos tumawa nanaman..
bakit may nakakatawa ba?..
" Any Funny?". pag tataray ko ulit sa kanya .. Ano bang nakakatawa.. maayos ko siyang kinakausap sa wikang Ingles tapos never failed to make him to Laugh?..... Laugh Laugh my Pwet..!
narinig ko naman tumawa ulit ito tapos hinahampas na niya yung desk ng sa sobrang kakatawa..
hindi ko nalang siya pinansin dahil duon.. my Gas Nababaliw na ata tong si Craig...
napatingin ako sa bintana Ng Room namin and pansin kong nag didilim na kaya inayos ko na yung gamit ko ..
" Shall we Go now?". Rinig kong Saad ni Craig
"Huh ? Were we Shall?".
nakita ko naman na napangisi si Craig tapos hinila na ako .. so Hawak niya yung kamay ko habang hila hila niya ako.. syempre nagulat ako dahil duon..
bakit ganito yung nararamdaman ko?. parang ang init ng pakiramdam ko.. Tapos napasulyap ako kay Craig , ang laki ng ngisi niya habang hila hila ako..
Hala! bumibilis din yung tibok ng puso ko.. hindi naman ako tumakbo omeges!!..
Nag pahila nalang ako sa kanya hanggang sa marating namin yung Pinto ng kwarto namin...
agad niya rin itong binuksan tapos tumambad samin yung anim na Naglalandian By Twos..
napatingin pa nga sila samin eh kasi hawak hawak parin ni Craig Yung kamay ko.. nagulat din siguro si Craig kaya agad niyang binitawan yung kamay ko tapos tumikhim...
" Ayun Oh! Mukhang makukumpleto na ang Lovelife nating walo Ahem!.. Diba Bhabes?". siJames tapos ngumisi ng humarap siya kay Rayna.
" Bhabes mo Mukha Mo!. My Gas James mandiri ka nga .. kung ikaw rinlang makaka partner ko.. Sasali nalang sa organisasyon ng mga Tibo..". iritang sagot ni Rayna kay James....
napatawa naman kaming lahat dahil duon..
-----
kinabukasan , sabay sabay kaming walong pumasok sa room.. ewan ko ba parang nakasanayan na rin namin tapos naging close na kami sa isa't isa kahit papaano..
si Rayna naging mabait naman na sakin kahit papaano.. Si Miss Pancit naman nahuli ko na yung ugali niya.. Akala mo Sobrang Sungit niya sayo kasi Todo siya sa pag tataray pero Sobrang nag aalala rin siya sayo.. Yung patagong pag aalala ba..
" Okay Class.. So Kilala niyo naman na siguro ako diba?.. I will be Your Instructor In Vocal Matter..". Si Teacher Monica .. Mukhang Gusto naman namin siyang lahat kasi nang nilibot ko yung paningin ko Sa aming lahat eh nakangiti naman sila ..
pinatayo niya rin kaming lahat para mag Vocalization daw.. Para ma exercise daw yung boses namin..
Matapos nun may binigay siyang mga pyesa samin.. Pyesa na aaralin namin as a Team tapos ipeperform namin sa harap nila ni Sir Nellic Next meeting..
Pumasok din naman si Sir Nellic, Siya yung Dance Instructor naman namin.. pag kapasok niya palang ramdam na namin yung pag ka Swag niya.. Yung tipong pag ka tingin mo palang sa kanya eh mararamdaman mo nang dancer siya...
" Binigay Na Siguro Ni Mam MoniCa yung pyesa sa inyo ?.. Saad nito habang naka ngiti. pero hindi lang jan nag tatapos yung hamon sa inyo... As A Total Performer.. You Will Incorporate Singing While Dancing.. ". Paliwanag nito samin sanhi para mapa Whoo kaming lahat .
omeges! Singing while Dancing?..
Tapos yung Song pa na binigay samin ni Mam Eh hindi familiar sakin.. Ano Ba To
tapos tinignan ko yung Title ng Pyesa..
Sampu by Jona?.. Huh?.. Sampu bakit hindi Siyam? Lels..
pag katapos isiwalat samin ni Sir nellic Yung gagawin. hindi na rin siya nag tagal at agad niya kami dinismiss para makapag practice daw kami
Syempre, as usual Si Jourdan at Charise ang nag Take over sa Kanta kasi hindi kami pamilyar lahat dito..
" Daym! . This Song is tagos to the Bones wiw?". Maktol na saad ni Jourdan habang Binabasa yung Pyesa..
" Sa Sampung Sinabi mo Isa lang ang Totoo.. Ngunit hanggang ngayon , nandito pa ako?".
pag Basa nito sa unang Stanza ng lyrics ..
" Ouch naman Niyan!.. Bakit Naman ganitong Kanta pa yung napili ni Mam Monica!". Reklamo ni Rayna.. Tumango rin si Charise sa kanya bilang pag sang ayon..
" I think Its better kung pakinggan muna natin yung kanta para may idea Tayo kung anong klaseng moves ang ilalapat natin sa kanta ". Si Craig na napaka seryoso.
Napangiti naman ako Bigla dahil duon..
Nga Naman Hurhur, my point naman si Boss
agad naman nilabas ni Frenna Yung Laptop nito para duon namin i search at pakinggan yun kanta..
(Insert : Sampu by Jona ) Pakinggan nyo po para makarelate kayo at malaman niyo yung Song:)
Wala naman nag react matapos naming mapakinggang yung kanta.
Slow ang Genre nito tapos tagos to the bones yung Ibig Sabihin ng Kanta ..
Naiyak pa nga si Frenna Eh..
" Ano Ba Yan, bakit ganyan yung kanta?". Si Charise .
ang lungkot kasi eh hays.. Hindi naman pwedeng lapatan ng Break dancing yung kanta.. edi mag mumukha kaming Tanga niyan..
" Guys , Paano Kung interpret nalang natin yung song?". Suggest ko sa kanila..
" what do you mean Interpret? ". Si Jourdan ..
napakamot naman ako sa ulo ko kasi hindi ko masabi yung word Wah!!.. Nasa Dulo ng Dila ko eh..
" Interpretative Dance ". Singit ni Craig
" Oo.. Yun ". Saad ko sabay Tawa..
tinitigan lang naman ako nila Rayna Ng nakakalokong tingin ..
" I think, Tama Si Kayla.. Mas maganda rin kung ganun ang gagawin natin kasi Soft Yung Kanta ". Pag Sangayon sakin Ni Rico Tapos tinitigan niya ako sabay ngiti..
narinig ko naman tumikhim si Frenna Tapos sinabihan niya na kami na iyon na ang final na gagawin..
para mas mabilis , hinati na namin ung gagawin sa amin walo..
kaming Girls ang Naka assign sa pag hati ng mga lyrics samin walo , tapos yung mga boys naman ang na assign sa mga moves na ilalapat namin sa kanta..
-----
" Oh Gosh! Oh Gosh!.. ". Reklamo ni Rayna ng matapos kaming mag practice..
sa sobrang kaka ensayo namin hindi na namin napansin yung oras..
nakaramdam na rin kasi kami ng pagod kaya itinigil muna namin tapos napag pasyahan ba namin na mag pahinga muna..
" Guys Lets Go!.. ". Yaya na ni Jourdan Sa amin walo..
nang nasa dormitoryo na kami... Lahat kami ay bagsak sa aming kanya kanyang kama..
Bigla naman tumawa si Rico At James Sanhi para magulat kaming lahat tapos mapatingin sa kanilang dalawa..
" Anong nakakatawa aber?". Si Charise na biglang napa bangon sa kama nito tapos umupo ..
"Pfft! Hahaha". Si Jourdan na nakitawa na rin..
ewan ko ba , bigla nalang kaming tumawa lahat .. pati si Craig na never ko pang nakitang tumawa eh tumatawa na rin..
yung mga hirap na naranasan namin kanina eh dinaan nalang namin sa tawa..
kita ko sa mukha ng bawat isa samin na nag eenjoy kaming lahat sa ginagawa namin..
napalingon ako kay Rayna na tumatawa rin..
Kahit puro siya reklamo makikita mo parin talaga sa kanya yung passion sa mga ginagawa niya..
Si Frenna naman ayun masaya rin siya.. napatingin pa nga siya sakin pero umiwas din kaagad ng tingin..
Huh?.. may Problema ba Siya sakin?..
matapos naming mag tawanan lahat.. Nag pahinga na kaming lahat..
Pero hindi ko makuha yung tulog ko kaya tumayo muna ako tapos pumunta muna sa rooftop ng Campus.. Total hindi naman Siya naiisara tapos maliwanag naman.. gusto ko muna makalasap ng sariwang hangin..
pagdating ko duon.. hindi ko naman inaasahan yung maabutan ko dun.. nakita ko kasi si Frenna na nasa rooftop din..
napangiti naman ako dahil duon.. Hays Hindi na kami nag kakaroon ng oras sa isat isa haays.. Busy kasi kaming lahat tapos lagi niyang kasama Jowa Niya Eh..
" Hey Best.. anong Ginagawa Mo Dito. Gabi na ah , hindi ka rin ba inaatok?". Tanong ko rito
nagulat naman siya nang makita niya ako duon. Tapos nakita kong may crinample siyang piraso ng papel tapos ibinulsa sa Bulsa nito..
ngumiti naman siya tapos tinanong din ako kung ano daw ang ginagawa ko duon..
Hindi ko nalang pinansin yung ibinulsa nito , Siguro Napkin Char haha..
nag kwentuhan muna kami ng mga bagay bagay , alam na Girl Talk.. Umamin rin siya sakin na sila na Daw ni Rico for real.. hindi kasi kami sure kung sila ba talaga .. nginingitian lang naman nila kami pag tatanungin namin sila...
Naglabas na nga rin ako ng sama ng loob ko sa kanya kasi kinakalimutan niya na ako eh..
nag sorry naman ito tapos niyakap ako..
Lumalamig na rin kaya napag pasyahan na naming bumalik na sa Dorm namin.. Maaga pa kami bukas tapos kinakailanga mag recharge nanaman kasi bukas na pala yung performance namin..
Later..
Wiw.. Maraming Salamat Po Sa Pagbasa ng Story ko..
Sorry din Po Kung mataga ung Update Ahihi..
Hindi kasi ako pogi Sa Personal Kaya Ganun Haha..
Hit Like And Comment Po Kung Nagustuha niyo :)
PLaylisT For Today : Sampu By Jona
( Himig Handog 2017).