Chereads / Patinson Academy / Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 21 - Chapter 20

Enjoy Reading

Chapter 20 ( Jealousy )

Craig

Huh! Bwisit panira ng araw yung nakita ko kanina!.. Ang Saya naman Nilang Dalawa habang kumakain Sa Walang kwentang Restaurant Na Iyon..

Hays!, Bakit ba nabwibwisit ako.. Tang Ine.. Nang maka alis ako duon sa Restaurant Na Iyon , Parang nawalan ako ng gana biglang mag gala.. Bwisit kasing Ugly Creature yun, ang lakas ng loob sumama kay James nang hindi manlang  nag papaalam sakin..

Si James Din Mukhang enjoy na enjoy kanina. Sarap ng tawa niya eh ! , Sarap sapakin ng Gago.. at sinong nag bigay sa kanya ng karapatan na Isama Sa mga lakad at trip niya si Kayla?.. Utusan Ko Yun eh Hays!!

nagulo ko naman bigla yung buhok ko dahil duon..

" Oh anak akala ko ba May Lakad ka?". nagulat si mama ng makita niya akong umuwi kaagad. " At Bakit naka busangot yang mukha mo ha..". Dagdag pa Ni Mama

hindi ko naman pinansin si Mama tapos dumiretso nalang sa kwarto ko..

pag kapasok ko, Diretso Higa ako Sa kama ko !..

Ano Bang nanyayari sakin?.. am I ?.. Nag seselos ba ako sa nakita ko?.

napaupo ako bigla dahil sa naisip ko..

"Yaks! Selos my Ass.. Ako Mag Seselos ? Huh! ang Isang Craig mag seselos ". Saad ko tapos Napangisi Bigla

" Hindi ako Nag seselos, Sadyang nung nakita ko lang yung pag mumukha ni Pangit eh Nawalan ako ng ganang kumain kaya ako na Badtrip Bigla.. Oo Tama Iyon Nga". Para akong baliw na kinakausap yung sarili ko..

" Oh Kayla.. Buti naka uwi kana!!!". Rinig kong sigaw ni mama ng napakalakas..

napatayo naman ako bigla dahil duon tapos agad lumabas ng kwarto ko para pumunta kung nasaan man sila..

pag kababa ko , tumambad sakin Si mama na Sobrang saya habang yakap yakap si Kayla.. Tss! Ano to ?. Ms Excited pa ata si mama na makita yung pangit na iyan kaysa sakin eh..

" Oi Craig , bakit umalis ka kaagad kanina?". Saad ni Kayla ng makita niya ako.

iniwas ko naman yung tingin ko tapos Pumunta Kunwari Sa  Kusina para kumuha ng tubig na maiinom..

" Nawalan ako ng Gana.. nakita kasi kita eh , kaya ayun nawalan ako ng Mood Kumain ".  pang iinis ko rito sabay ngisi..

nakita ko naman na nag bago yung expression ng mukha nito..

" Che!". Tanggi nalang niyang nasabi..

nag paalam na rin siya kay mama na pupuntahan daw muna niya Si Aling Ange Tapos mag papalit na rin..

Hindi ko naman maiwasan na mapangisi nang makita ko Si Kayla dito sa bahay namin.. Parang kailan lang Hays..

" Ma!!". Rinig kong sigaw ni Kayla..

" Omeges! Anak Ko!!". Sigaw rin ni Aling ange

Parehas nga sila.. hindi na ako mag tataka kung saan nag mana si Kayla .. Tapos napangisi ako Bigla..

makapag Swimming na nga lang.. pampatanggal Stress Hehe..

Kayla

Omoh! namiss ko nang sobra si Mama Huhu..

" Musta yung Schooling Mo Anak?". Masayang tanong ni mama sakin..

"Okay lang naman po ma yung Performance ko.. Tapos ma kabilang pala ako sa High Class Artist Section sa Academy..". Masaya kong saad kay mama

nakita ko naman na biglang nagulat si mama nung binanggit ko yung High Class Artist Section..

" Okay Ka lang ma?". Tanong ko rito ..

hindi naman ito sumagot , bagkus ngumiti lang tapos nag paalam muna na mag luluto na nang pang dinner kasi gumagabi na rin..

pag ka alis ni mama , pumunta na ako sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko .

namiss ko rin tong kwartong to hehe.. Napahiga naman ako sa malambot kong kama tapos lumundag lundag pa ako..

nang maumay ako sa kwarto ko , lumabas na ako duon tapos tinungo  yung area kung saan nanduon  yung Swimming Pool nilang napakalawak..

Gusto ko lang mag pahangin.. naaakit nga rin akong lumangoy kaso nope...nilalamig ako huhu..

" What Are You Doing Here?". Biglang may nag salita sa  right side ko banda..

agad naman akong napatingin dahil sa sobrang pag kagulat .. Tumambad naman sakin ang Isang Craig na nakahubad.. Lels Hindi naman totally hubad kasi may Towel na naka Paikot sa Waist niya.. Tapos Basa Rin siya.. Halatang kakatapos niyang lumangoy..

Namula rin ako dahil duon.. paano ba naman tumambad nanaman ang kaakit akit na katawan ng gagong to huhu.. Yabang yabang mag hubad , tss Sabagay Maganda naman kasi build ng katawan niya ..

" Huh! , Sabihin mo lang kung gusto mong hawakan katawan ko, Ipapahawak ko naman sayo eh .. Pero make sure na hindi ka hihimatayin kung gagawin natin iyun..". Saad nito habang naka ngisi

" Tsss.. Ako Mahihimatay? .. Sus Sa dinami rami ng nahawakan kong katawan ng lalaki, sayo pa talaga ako mahihimatay?"

bigla naman sumeryoso yung mukha nito tapos nag lakad papalapit sakin..

" What?.. Sa dinami rami ng nahawakan mong katawan ng Lalaki!!". Hindi maka paniwalang sigaw nito sakin

nagulat naman ako dahil duon..

makasigaw naman to, parang ang layo layo ng kausap niya..

" OO!.. Pag sigaw ko rin.. sa dinami rami ng Naha---".

" Are You Out Of Your Mind?!!.. hindi kaba natatakot sa pwedeng gawin sayo ng mga lalaking Nahawakan mo!!". Sigaw parin nito sakin..

Eh?.. Bakit siya Galit ?.. , Joke Time lang naman yun eh.. Hihi

napangiti naman ako bigla sanhi para mapatingin ito sakin tapos napa tikhim pa..

" Concern Siya Oh.. Ahihi". Pang aasar ko rito.. Concern sakin ang Lolo Niyo.. Kahit Hindi naman totoo yung Tsismis ko..

" Tsss.. Saad nito tapos napa iwas ng tingin sakin.. Bakit naman ako mag aalala sayo?.. Sa Pangit mong Yan .. Mukha palang Pamatay na .. ".

" Che!". Tanggi ko nalang nasabi .. nakita ko pa ngang tumatawa yung lolo niyo..

mas sinamaan ko pa tingin ko sa kanya..

nag walk naman na ako tapos pumunta sa kwarto ko.. Lumalamig kasi , lumalakas yung hanggin .. Feeling Lolo niyo eh..

Makalipas ang ilang minuto , nag text sakin si Mama na Kain na daw .. nagulat nga ako ng mabasa ko na Sasabay daw kami Kila Mam Renee na kakain, So Makaka sabay ko Si Craig..

Pagkalabas ko ng Kwarto ko, Sakto rin na lumabas yung si Craig sa kwarto niya... nag katinginan pa nga kami dahil duon..

" Ugly Creature!". Rinig kong saad nito tapos ngumisi..

hindi ko naman siya pinansin .. Epal asawa ni Epol Hays!..

Sa Dinning Table, hindi ko maiwasang makaramdam ng pag ka Awkward kasi kaharap ko sila Sir Westly .. Tapos Yung Si Craig nam bwibwisit nanaman .. nakatingin sakin kada susubo ako kaya naiilang tuloy ako..

" Son.. Tatlong araw pa ,makakabalik kana sa School.. Saad ni Sir Westly Na walang ka emoemosyon..  Tumango lang naman si Craig dahil duon.. Gush! Wag nga muna natin isipin yun na sstress lang ako ..

pagkatapos namin kumain , nag bolontaryo ako na Mag Hugas ng mga nagamit sa hapag kainan..

nang nag huhugas na ako hindi ko maiwasang maiirita.. paano ba naman parang may naka titig sakin .. nakakakilabot.

" Ang TAGAL!". Rinig kong Saad ng Isang lalaki sanhi para magulat ako at mabitawan yung platong hinuhugasan ko..

napatingin din ako sa kanya.. tapos sinamaan ko siya ng Tingin.

" Pwede ba.. ano nanaman bang trip mo.. ". Irita kong saad..

" Hinihintay ka malamang! .. Ang Bopols naman Wala kabang Sense of Humor ha?.. Inimphasize ko na nga sayo ung word na ang TAGAL..". Sabay ngisi ng Gago

Tsss.. bakit ba kasi hinihintay ako nito.

" Mauna Kana kasi... hindi mo naman ako kinakailangan hintayin eh..".

" Tsss... Bata pa ako para mauna, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko .. Wag nang maarte jan.. Bilis". Saad nito Tapos Kumuha ng Tubig sa Ref Para inumin tapos umupo siya duon sa may Lamesa na nasa likuran ko..

napangisi naman ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan..  bakit parang kinikilig ako.. hahaha , ang isang Craig Lee Patinson.. Hinihintay ako Char Haha..

matapos kung maghugas ng mga pinggan , Hinarap ko na si Craig..

nag gesture naman ako ng Tara na sa kanya.. tapos nauna na akong tinahak yung hagdaan ,pero nagulat ako ng bigla niya akong pigilin tapos iniharap sa kanya..

" Im Bored! .. Samahan mo naman ako". Saad nito

" Hala .. Gabi Na Oi.. Baka May manyaring masama satin sa labas".

" Dont Worry , akong bahala sayo.. hindi ko hahayaan na mapahamak ka". Saad nito .. Pakiramdam ko tuloy biglang namula yung mukha ko.. Napaiwas din ako ng tingin dito.

Tae anong nakain ng lalaking ito.. Hindi ako sanay ma Ganitey Siya..

Pumayag nalang ako na samahan siyang lumabas Kung saan man niya balak pumunta .. Total hindi rin naman ako inaatok..

sinabihan pa nga ako ni Craig na tatakas daw kami kasi pag nahuli kami nila Mam Renee , malalagot kami.. Char

nang nasa Gate na kami banda.. problema namin kung paano kami makaka lagpas kay manong na Security Gaurd..

" Akong Bahala". Saad ko Kay Craig Tapos lumapit na kay manong security..

" Yow !". Saad ko rito habang nag lalakad ng mayabang Walk ..

napatingin naman sakin yung Si Manong Secu Dahil duon.. 

" Hoy!, bawal ang Pulubi Dito ". Saad nito

nagulat naman ako dahil duon... ano daw? Pulubi.. Hindi ko makapaniwalang React..

" Pulubi Daw Ako Craig..". Tapos tumingin Kay Craig With matching nakakalokong ngiti..

" Pulubi Daw Ako?". Saad ko naman sa sarili ko

" PULUBI DAW AKO WAHAHAHA!". sigaw ko

natakot naman si manong Gaurd Dahil sa ginawa ko.. Bakit, ngayon lang ba siya nakakita ng Babaeng Sumigaw ..

bigla naman akong binatukan ni Craig Dahil duon..

", Para kang Tanga.. ". Tapos lumapit siya kay manong gaurd para kausapin ..

nakita ko naman na tumango lang yung gaurd tapos binuksan na yung Gate para makalabas kami..

napakamot naman ako sa buhok ko dahil duon.. Kinausap lang ni Craig pumayag agad.. pero nung ako,.. Really Pulubi ba talaga itsura ko Huhu..

hinila naman ako ni Craig sa restaurant na kinainan namin ni James..

kita ko pangang todo ngisi yung loko eh..

nang makahanap kami ng pwesto , agad lumapit samin yung Waiter.. Wait ito rin yung waiter na nag accomodate samin kanina ah..

nagulat rin yung babaeng waitress ng makita ako..

" Hala! Mam.. Ibang lalaki kasama mo?.. asan na yung Boyfriend mo kanina?". Takang tanong nung babaeng waitress sakin..

pinukpok naman bigla ni Craig yung mesa sanhi para magulat kaming pareho nung babaeng waitress..

kita ko rin na nag iba yung expression ng mukha ni Craig..

" Pwede bang Kunin mo nalang Order namin !!!.. ang Dami pang Tanong !!". galit na saad ni Craig..

humingi naman ng paumanhin yung babae tapos kinuha na yung order namin..

" Hoy.. Grabe ka naman , tinatanong lang naman ako nung waitress eh hindi ko tuloy nasabi sa kanya kung nasaan yung Boyfrie---".

" Pwede Ba!. ". Saad nito tapos tinitigan ako ng masama.

namumula rin ung tenga niya..

napangiti naman ako bigla dahil duon..

Wag Mong Sabihing.. ahihi

" Bagay Ba Kami Ni James?".  tanong ko ulit dito..

napapikit lang naman ito tapos pinisil pisil yung sentido niya..

dumating na rin yung order namin ..

ano ba yan katatapos lang naming kumain .. kakain naman..

" Bakit Mo pala dito napasyahan Pumunta?". Tanong ko sa kanya..

" Simple Lang.. Gusto kong kumain ulit..".

" Hala.. Patay Gutom ka rin pala.."

" Tsss.. Kumain ka na nga lang.. Ubusin mo lahat Iyan ". Utos niya sakin sabay turo duon sa mga Dessert na Cake..

" Baka naman tumaba ako niyan.". Saad ko rito

" Edi Okay kung Ganun.".

" What?.. So Okay Lang Sayo Na Tumaba ako..".

napangisi naman ito tapos tinitigan ako ng seryoso..

" Oo.. Para Ma Turn Off na Sayo Si James". diretso nitong Saad.

nagulat naman ako dahil duon.. natawa nga rin ako dahil duon..

Omeged.. Confirm.. Nag seselos ba tong Si Craig..

" Pfft!! Haha.. Nag seselos kaba Craig kay James?".Saad ko sabay Tawa..

napa seryoso naman bigla yung expression nito tapos tumikhim..

" Ako?.. Mag Seselos.. Haha Wag kang patawa Ugly Creature.. ". Tapos napaiwas ito ng tingin sakin..

" Weh?". Dagdag asar ko..

OmG. ayaw ko sanang mag Assume eh.. pero Yung mga Actions niya kasi eh..masyadong halata ahehe..

" Oo nga! Hays.. ang daming Dada Kainin mo na yan". tanggi nalang nitong sinabi tapos sinubo yung pakain sa plato nito..

-----

matapos naming kumain, Nag lakad lakad kami sa may Park banda.. ang saya lang kasi kaming dalawa lang ang tao ngayon..

sabagay Gabi na kasi eh..

umupo naman kami sa may sisong mag katabi..

simula nga nang umalis kami sa restaurant eh parang tumahimik bigla si Craig..

hanggang ngayong nandito kami , Tahimik parin siya..

" Hoy Pangit , Ayus Kalang". tanong ko rito

nakakapanibago lang na bigla siyang tumahimik. Hihi

napatingin naman siya sakin tapos tumango..

"May Sasabihin sana ako..". Seryosong saad nito bigla sakin.. napatingin naman ako sa kanya dahil duon , tapos nakita ko na napaka seryoso ng mukha niya habang nakatingin sakin..

hindi naman ako nakapag react dahil duon..

" Paano pag sinabi ko sayong nag Seselos ako .. ". Biglang saad nito sanhi para magulat ako..

ano daw.. Nag Seselos Siya?

napaka seryoso parin ng titig nito sakin.. Hindi ko tuloy alam bigla kung ano ang irereact..

Mag Bend ba ako?.. Mag Split.. Or mag Twerk Sa Harap Niya..

omeged.. wag mong sabihing..

" Joke Lang.. Haha Baka seryosohin mo..". Saad nito Tapos Biglang Tayo sa kinauupuan nito tapos inaya na akong umuwi..

bakit ganun parang na dissappoint ako bigla.. Parang biglang nakaramdam ako ng lungkot..

kinurot ko naman yung tagiliran ko dahil duon..

Assuming nanaman ang lola niyo Huhu ..

hanggang sa makauwi kami ni Craig walang nag tanggkang magsalita..

pumasok nga si Craig kaagad sa kwarto nito nang makauwi na kaming dalawa..

pagkapasok ko sa kwarto ko.. napasandal ako bigla sa pintuan ng room ko..

" Hays! Ano Ba Kayla..". Saad ko sa sarili ko tapos humiga at tumalon sa kama ko..

huhu..

Paano pag Sabihin ko sayong nagseselos ako?

Paano pag Sabihin ko sayong nagseselos ako?

Paano pag Sabihin ko sayong nagseselos ako?

...

Paulit ulit nalang. Ano bayan!!! Huhu

nasabunutan ko tuloy buhok ko dahil duon..

Napahawak ako sa may puso ko banda tapos napangiti ..

Gusto ko na rin ba Si Craig?..

Later...

Maraming salamat Po :)

Enjoy reading Po..

Hit Like pag nagustuhan niyo itong chapter po haha..

Salamt