Chereads / Dati Na Kitang Minahal / Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 4 - Chapter Three

Sa isang herbal medicine store sa Ongpin, nagbabantay sina Ingrid at ang kanyang ina. Dumating si Jade at tila may hinahanap, "Mayroon ba kayong Sanitary Balm?"

Tinawag naman si Ingrid ng nanay nya, "Ingrid, pa-check nga kung mayroon pa tayong stocks diyan?"

Nagulat si Jade nang nakita niya si Ingrid, "Aba, di mo sinasabi sa akin na dito ka pala nagtratrabaho."

Sabi ba naman ni Ingrid, "Kami kaya may-ari nito. Syanga pala. Naubusan na kami ng Sanitary Balm. Tiger Balm na lang ang meron kami."

Sumangayon naman si Jade, "Puwede na yon kesa sa wala."

Dagdag pa ni Ingrid, "Sixty pesos ang isa nyan."

Tinanong naman si Jade ni Ingrid, "Gusto mo ba magpahula?"

Nagtaka naman si Jade, "Manghuhula ka na rin?"

Sabi pa naman ni Ingrid, "Gaga! Ang nanay ko ay isang manghuhula. Hindi ako. Libre lang muna sa ngayon. Pero sa susunod, may bayad na."

At nagpahula nga si Jade sa nanay ni Ingrid.

Sabi naman ng nanay ni Ingrid, "Alam mo? Espesyal kang bata. Huwag kang mag-alala. Libre ang pagpapahula mo sa akin. Pero, huwag mong pagsasabi sa iba na libre ang serbisyo ko sa iyo ha?"

At binalasahan siya ng baraha. Nang nabukalat niya ang mga baraha na pinili ni Jade, nagulat sya sa nabasa niya sa kanyang kapalaran, "Ikaw ay may kapighatian sa nakaraan mo. Nais mo tong balikan. Tutulang sa iyo ang isang sugo ng langit at matatagpuan mo ang iyong iibigin na matagal mong hinihintay."

Natawa naman si Jade, "Wala pa po akong boyfriend since high school.."

Sabi pa ni Ingrid, "Soulmate ang ibig niyang sabihin."

At sabi naman ni Jade dahil gusto na niya umalis na agad baka hinahanap na siya ng kanyang nanay, "Sige, mauna na ako. Sa susunod na lang ulit."

Sabi naman ni Ingrid, na may inabot sa kanya na kuwintas na inilagay niya sa supot, "Isuot mo ito. Proteksyon mo ito mula sa kahit ano mang panganib."

"Naku. Salamat sa pag-abala. Huwag kang magalala. Susundin ko ang payo mo."

Nang gabing yon, na natutulog na si Jade sa higaan niya, nanaginip siya ng isang babae na magara ang kasuotan. Para siyang nabuhay sa sinaunang panahon. Ngunit ang babaeng ito ay walang mukha. Tila siya ay tumaktakbo parang may tinatakasan. Sumigaw siya sa takot. Nang nagising naman siya, hinawakan nya ang kanyang kuwintas.

/

//