\
\\
...
Samantalang sa school, si Sid naman ay pinasok niya ang kanyang libro sa kanyang locker, nagiisip siya, "Love letter na lang kaya."
At nang sinara niya ang kanyang locker, sinabi niya, "Pero, ang baduy!"
Hawak-hawak niya ang mga white roses na ibibigay niya.
"Roses! Para ba yan kay Jade?" Tanong ni Bong.
"Hindi, pare. Para to kay Carol." at inabot niya ito kay Carol na kasama ni Bong.
"Thank you, Sid." sabi pa niya.
"Baka, magselos na ako niyan."
Nakatayo pala sa likod nila si Jade. Sabi pa niya, "Haharang-harang kayo diyan. Locker ko ang tinatakpan niyo."
Lumingon naman sila sa locker ni Jade na No. 327.
"I am sorry." sabi ni Carol.
Sabi naman ni Bong, niyaya niya si Carol, "Tara na nga. Iwan muna natin sila."
Pagbukas ng locker ni Jade, nagulat siya na may nahulog na bagay mula sa kanyang locker. Ang itim na aklat.
Pinulot ni Sid ang itim na aklat, "Uy, ano 'to? Diary? Aba! Saan galing ito? Sa Mara-Clara?"
Sinampal ni Jade si Sid, "That's not your property. That's mine. Leave me alone."
Sinauli ni Sid ang itim na aklat kay Jade. "Sorry na."
Saka umalis na si Sid.
Diary nga yon ni Jade. Diyan niya sinusulod ang mga napapanaginipan o bangungot niya. At ni-lock na niya ito sa kanyang locker.
At nung gabing yon, nanaginip ulit si Jade. Pagtingin nya sa salamin, nakaharap niya ulit ang babeng iyon na walang mukha. At siya siya sinakal sa leeg. Napahiyaw siya. Saka siya nagising.
Kinabukasan, kinausap ni Jade si Ingrid, "Something happened. Simula nung sinuot ko ang kuwintas na 'to, sunod-sunod ang panaginip ko. I think this necklace has a curse."
"Nope. May gustong ipahiwatig sa iyo ang kuwintas. Nais mo ba magpahula kay Nanay?"
"Sige, samahan mo ako sa kanya." payag naman si Jade.
Nang pagkatapos ng eskwela, saka sinamahan ni Ingrid si Jade sa tindahan nila.
"Bakit suot-suot mo ang kuwintas na yan? Sino ang nagbigay sa iyo?" tannong naman na mariin ng nanay ni Ingrid.
"Siya po." tinuro nya si Ingrid.
Sabi pa naman ni Ingrid kay Jade, "Nay, kailangan niya ng tulong. Madalas nagpaparamdam sa kanya ang kaluluwa na dating may-ari ng kuwintas na yan?"
"Tara, sabayan niyo ako sa orasyon ko ngayon."
At nagsimula na sila manalangin sa Birhen ng Guadalupe.
Habang nananalangin silang tatlo, may nakikitang pangitain itong si Jade.
Sabi pa niya, "Alam ko na. Nakikita ko na ang mukhang ng babae na dumadalaw sa panaginip ko. Ako siya. Ang babaeng walang mukha. Parang nabuhay ako noong 15th Century. "
Sa pangitain niya, nakikita niya ang kanyang sarili na naglalaro sa hardin. At may isang matandang lalake na magara rin ang kasuotan at lumapit sa kanya, tinawag ang kanyang pangalan, "Esmeralde."
Pagbigkas niya ang pangalan na iyon, tumugon ang babae, "Ama, nagbalik kang ligtas. Salamat sa Diyos!"
Binuksan ang mga mata ni Jade at bumalik siya sa kanyang katinuan. Sinabi niya, "Ako si Esmeralde. Ako ang may-ari ng kuwintas. Minamahal ko si Zagato. Na siyang pinaslang ng aking ama dahil sa kataksilan. Nabaliw ang aking ama. Gusto rin niya akong ipapatay."
Magwawala na sana si Jade pero sinampal siya ng nanay ni Ingrid, "Lumayas ka sa katawan niya."
Saka hinablot ang kuwintas.
Nagising na rin si Jade sa katotohanan.
"Hindi nga ako si Esmeralde. Ako si Jade. Nabubuhay ako sa kasulukuyan at hindi sa nakaraan."
Sabi pa naman ni Ingrid, "Congratulations. Nagising ka rin sa katotohanan. Lahat ng ito ay panaginip lang. Kung ano man ang nakalipas, hindi na mababago pa."
Tanong naman ni Jade, "Paano si Esmeralde? Nasa panganib ang buhay nya.?"
Sinagot naman siya ng nanay ni Ingrid, "Dahil iyon ang tinakda para sa kanya. Hindi na natin kontrolado iyon. Hindi tayo nabubuhay sa sinaunang panahon. At hindi siya nabubuhay sa kasulukuyan."
Tanong naman ni Ingrid, "Nay, paano kung mapahamak si Jade?"
Sabi ng nanay ni Ingrd, "Tanging panalangin na lang ang makakatulong sa kanya sa ngayon. Ako na ang magtatago sa kuwintas na ito. At uli-uli, Ingrid, huwag mo na pakikialaman ang lumang baul ng lola mo. Hindi mo yon pagaari. Ila-lock ko na rin ang lumang baul para hindi na iyon magalaw ng sino pa."
Nagpaumanhin naman si Ingrid, "Pasensya na, Nay."
\
\\
...
-END-