Nang araw pa lamang ni Alice sa eskwela sa fourth year high school kaya meydo kinakabahan siya. Bata pa lamang ay tampulan na siya ng tukso ng lahat ng kaeskwela at mga kalaro sa kanila. Dahil doon ay nakailang lipat siya ng eskwelahan at ang pamilya niya ng tahanan. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang hinahabol ng tukso at pang-aasar kahit saan siya magpunta. Ngayon ngang unang araw sa eskwela ay napapansin niya na pinagtitinginan siya ng ilang babaeng kaeskwela at ilang kalalakihan. Nahihiya at nakatungo na pumasok na lamang siya sa classroom at naupo sa dulo malapit sa bintana. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang kanilang guro at nagsimula sa pagpapakilala.
Simple lamang siya at hindi naman masasabing baduy ang porma. Hindi man siya kasing ganda ng campus queen ay hindi rin naman siya nagpapahuli. Hindi nga lamang napapansin. Bukod doon ay matalino rin siya at nasa mataas na section na ito dahil sa talino at isang iskolar.
"Okay class, let's start by introducing yourself. Start with you Miss?" Panimula ng guro sa babaeng nasa unahan.
"Athena Samañego, sixteen, my dad owns half of this exclusive school and I'm beautiful obviously. I hate commoners, I those people without class, and I can kick you out of this school by simply telling me to introduce myself as if you didn't know." Pagpapakilala ng maarteng babae. Ito ang anak ng nagmamay-ari ng kalahati ng campus kaya nakakagawa ito ng kalokohan at nakakaligtas na ganoon na lamang. Masama ang ugali nito at alam iyon ng lahat.
"I know Miss Samañego but... as the daughter of the owner, alam mo na dapat na yearly ginagawa iyan. Ang anak pa ba ang susuway sa protocol ng ama?" Matapang na sagot din ng guro.
Umiirap na naupo na lamang ang dalagita at hunalukipkip sa pwesto nito.
"Next!" Sigaw ng guro.
"I'm Phoebe Andrada, rich, sexy and hot. My dad owns a company that brings millions to this country so, who cares?" Pagpapakilala naman ng sumunod. Napakunot ng noo si Alice at talagang nagtataka kung bakit hinahayaan na mapunta ang mga ito sa special section gayung hindi naman sila ganoon katatalino.
"Yes Phoebe, and sa time na ikaw na ang mamamahala sa kumpanya ninyo, doon na magsisimulang maghirap ang dad mo." Pasaring na sagot naman ng guro. "Next!"
"I'm Ninon ď Larroque, same age. Well, I don't care at all as long as you get out of my business. Well, I hate those baduy fashion but not the person really, I just hate baduy." Nag-ingay at nagcheer ang mga kaeskwela nila dahil sa sinabi nito. Sa kanilang tatlo kasing magkakaibigan ay ito ang masasabi niyang medyo may puso ng kaunti. Pero kapag sumama sa kalokohan ng dalawang kaibigan ay mas malala pa sa mga ito.
Lalo na sa pambubully sa kaniya dahil baduy siya.
"Ninon, what was that for!?" Maarteng tanong ni Athena.
"God Ninon, you're boring." Sabat naman ni Phoebe.
Nagsunod-sunod pa ang mga nagpakilala hanggang sa matapat na sa taong talaga namang hinahangaan niya. Ito ang matagal na niyang hinahangaan ngunit alam niyang hindi siya mapapansin. Sapat na sa kaniya ang masilayan ito sa araw-araw.
"I'm Isaac Jean Del Valle, just call me Ysac (ihsak) I'm seventeen. I can play violin, chess and math. I just want to be left alone so leave me alone, I hate... bitches." May diin ang binigkas nito sa huli. Sabay-sabay naman na napa aawww! ang lahat matapos ng sinabi nito. Muli pang umikot ang pagpapakilala at natapat sa mag pagkapunkista ngunit matalino ring si Jed.
"I'm Jeddah Rik Zalameda, Seventeen, I'm a band member and a bit out going. I love challenges and I, love beautiful girls." May halong pagpapacute ang huling sinabi nito na nakatingin sa tatlong tinatawag na campus royalties. Binansagan silang ganoon dahil mga magulang ng mga ito ang may mga malalaking part sa school at iginagalang ng lahat. Hindi mo nanaisin na mapunta sa badside ng mga ito. Pero para sa kaniya ay huli na dahil simula't sapul ay target na siya ng mga ito.
Muling umikot ang pagpapakilala hanggang sa magpakilala na ang katabi niyang si Lucille. Gaya niya ay tagatanggap din ito ng pambubully at laging naaabutan ng Campus Royalties. Nauutal ito sa hiya at nakayuko sa habang nagpapakilala. Wala namang tigil ang tawanan ng lahat dahil doon. Nang natapos ito ay binalot naman siya ng matinding kaba. Alam na niya ang mangyayari. Tumayo siya at nagtungo sa harapan upang magpakilala.
"He- Hello everyone. I'm Alice Rivera, turning sixteen. I'm a scholar in this school and working as a librarian. Ano, simple lang po ang buhay namin at nag-iisa lang akong anak." Hindi na niya pinahaba pa dahil nakangisi at pinagtatawanan na siya ng mga kaeskwela lalo na ng tatlong campus royalties.
"More like, magsasaka po ang tatay ko at labandera lang si nanay." Maarteng wika ni Athena. Nagtawanan naman lahat ng kaeskwela niya maliban sa iilan. Nakayukong bumalik na lamang siya sa upuan ngunit madadaanan naman niya ang tatlong maarteng kaeskwela. Pagdaanan niya sa pwesto ng mga ito ay pinatid siya ni Ninon kaya nadapa siya sa sahig at di sinasadyang umangat ang palda niya at lumabas ang short na suot sa loob ng palda.
"Eew, mukhang short ng nanay mo yang suot mo. Look at this cheap beggar, she's wearing her mama's torn short. I bet she's wearing mama's undies." Pagpapahiya ni Athena. Nagtawanan ng malakas ang mga kaeskwela niya at nagboo sa kaniya. Ang iba ay sumisigaw ng panty ng nanay habang ang iba ay malakas na tumatawa.
Nagmamadali siyang tumayo at naiiyak na bumalik na lamang siya sa upuan. Hinahagod naman ni Lucille ang likuran niya habang inaalo siya na tumahan na sa pag-iyak. Galit na sumigaw naman ang guro upang patahimikin ang ingay ng lahat.
"Everybody shut uuup!"
Tumahimik ang lahat at bumaling ang tingin dito. Wala naman itong magagawa kundi ganoon na lamang dahil alam nila na kayang kaya itong patalsikin ng ama ni Athena kahit kailan nito gustuhin.
"Okay let's start the first day work!"
Dumaan ang maghapon na wala nang anumang ginawang kalokohan sa kaniya ang tatlo at nagpapasalamat na lamang siya. Pag-uwi sa bahay ay naroon na ang kaniyang nanay at tatay na matyagang naghihintay sa kaniya. Yumakap siya sa at humalik sa pisngi ng mga ito.
"Binully ka nanaman ng mga classmate mo noh?" Tanong ng ina niya. Bumuntong hininga na lamang siya at tumango bilang sagot dahil ganoon naman lagi ang kanilang eksena.
"Wag kang mag-alala anak. Halos isang buwan nalang, magbabago na ang lahat. Hindi ka na nila masasaktan pa, pangako iyan anak."
Iyan ang laging wika ng kaniyang ina. Maliban na lamang kung yayaman sila bigla ay siguradong wala nang magbabago sa nangyayari sa kaniya. Kung iniisip naman ng mga magulang niya na lumipat nanaman ay mas mahirap na dahil fourth year na siya at mahirap na rin mag-enroll sa ibang eskwelahan ng ganito kalate.
"Nanay, hindi na po natin kailangan lumipat. Isang taon nalang college na ko at makakaalis na ko sa school na yan." Sagot naman niya sa ina. Ngumiti at lumapit sa kaniya ang kaniyang ama at may inilabas sa bulsa nito. Isang eleganteng maliit na box na may kulay ginto na design.
"Kailangan mo itong isuot na anak. Iyan ang regalo sa iyo ni nanay at tatay." Nakangiting wika ng kaniyang tatay. Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ng kaniyang ama. Mukhang mamahalin ang laman ng kahon. Binuksan niya ang kahon at nanlaki ang mata sa kaniyang nakita.
Isang napakagandang singsing na may asul na dyamante sa gitna.
"Iyan ang Lapiz Lazuli anak, pag-aari iyan ng mga ninuno natin. Ngayon ay ipapasa ko na sa iyo dahil disi sais ka na. Tradisyon na sa atin na maisuot ang sing-sing bago tumuntong sa ikalabing anim." Pagbibigay alam ng kaniyang ama.
Tumango na lamang siya dahil hindi naman niya alam kung maganda nga ba ang buhay ng mga ninuno niya para magkaroon ng ganitong posesyon na sa tingin pa lamang ay napakamahal.
Kinuha niya ang singsing at isinuot sa kaniyang daliri, sa kaniyang hintuturo dahil doon ito bagay. Pagsuot niya ay parang nakaramdam siya ng malakas na pagtibok na nagmula sa singsing. Nanikip ang kaniyang paghinga at unti-unting nagdilim ang kaniyang paligid. Hindi na niya napansin ang kakaibang kinang na lumabas sa singsing.
=========================