Chereads / The Evil Twin / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

( Ang Panaginip )

========================

Madilim ang nilalakaran ni Alice pero naaaninag niya ang buong paligid at iyon ang ipinagtataka niya. Naaaninag niya ang walang amoy na usok sa paligid. Kita rin niya ang mga nakakalat na kagamitan na gawa sa ginto. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang babae na nakaupo sa itim na trono at nakasuot ng pulang damit. Nakamaskara ito at maputi ang makinis na balat.

Naglakad siya palapit dito at nang tuluyang makalapit ay ngumiti ito sa kaniya. Ikinumpas nito ang kamay na may mahahabang itim na kuko at sinenyasan na maupo sa malaking unan na lumitaw doon. Nakapagtataka na hindi siya natatakot kahit pa ang buong paligid ay naglalabas ng mapanganib na aura.

"Si- sino ka? Panaginip ba ito?" Nagtatakang tanong niya dito. Nakatitig lamang siya sa mapupulang labi nito na sa tingin niya ay wala namang kolorete pero parang dugo ang pagkapula. Tinanggal nito ang takip sa mukha at tumambad sa kaniya ang itsura nito. Napakaganda ng mukha nito at hindi maihahalintulad kanino man. Mas maganda pa ito sa tatlong campus royalties.

"Hindi ito isang panaginip, pero nananaginip ka. Nandito ka sa mundo ko dahil dinala kita dito. Ako si Lapiz, Lapiz Lazuli... ang iyong kakambal. Tayo ang kambal ng pulang buwan." Sagot nito sa tanong niya. Lalo lamang naman siyang nagtaka sa tinuran nito.

"Kambal? Paano? Hindi ko maintindihan." Nagtataka parin siya dahil sa mga tinuran nito. Naupo ito sa tabi niya at niyakap siya ng napakahigpit.

"Malapit na malapit na Alice. Nakikita ko ang lahat ng paghihirap mo. Pagďating ng tamang oras... tawagin mo ang aking pangalan. Sa pagpula ng buwan, ako ay dadating. Gumising ka na."

=================

Gumising ka na....

Gumising ka na....

Gumising ka na...

Hingal na napamulat ng kaniyang mata si Alice. Natatandaan niya ang panaginip pero parang totoo. Napakaganda ng babaeng nakita niya at nakausap sa panaginip at walang laban ang tatlong bully niya doon. Napahilamos siya ng mukha at nagulat pa sa bagay na nasa daliri niya.

Tama. Binigay sa kaniya ng kaniyang ama ang singsing na ito na may bato ng Lapiz Lazuli.

Napaisip siya.

Ang pagpapakilala ng babae sa kaniya ay Lapiz Lazuli at sinabi nitong kambal sila. Napailing na lamang siya at tumayo na sa kaniyang higaan upang maghanda sa kaniyang pagpasok. Nakapagtatakang hindi niya naaalalang naghapunan siya at gutom na gutom na siya. Pagkaligo at pagkabihis ay bumaba na siya sa sala at sinalubong ng halik ang kaniyang Nanay at Tatay. Nag-almusal at naghanda na sa pag-alis.

"Alis na po ako Nay, Tay!" Pagpapaalam niya.

"Ingat anak!" Sagot naman ng dalawa. Hindi niya napansin ang pagtitinginan  ng dalawa.

Nang tuluyang makaalis si Alice ay naupo si Lorna sa Kahoy na sofa sa kanilang sala. Pagod at pata ang kaniyang katawan at isipan sa maaring maganap pagdating ng tamang oras.

"Tama ba ang ginagawa nating ito Tonyo?" Tanong niya sa asawa. Naupo ito sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Kung hindi natin ibinigay, magpapatuloy ang pang-aapi nila sa anak natin at mas lalala ang malas sa buhay niya. Kahit papaano ay alam nating may magtatanggol na sa kaniya." Pagpapalubag loob nito sa asawa.

"Isang demonyo! Isa siyang demonyo!" Galit na balik naman ni Lorna.

"Kambal parin sila at hindi niya pababayaan ang anak natin. May kasunduan Lorna, wag nating kamlimutan." Galit na bulong naman ni Toni.

"Natatakot lamang ako Tonyo, dahil ilang araw na lamang ay dadating na siya."

=======================

Kakadating rin lamang ng guro nang dumating si Alice sa eskwelahan. Papalapit na siya sa upuan ng mapansin na nakayuko si Lucille at ang mga kaeskwela niya ay nagtatawanan at nagngingisian. Paglapit niya sa upuan ay puro dura ang kaniyang bangko ng kung sino-sino.

"Rivera bakit hindi ka pa maupo?!" Tanong ng guro. Magsasalita na sana siya nang iupo siya ng kaeskwelang si Ricky na nakaupo sa unahan ng kaniyang upuan. Naramdaman niya ang pagkabasa ng kaniyang suot na uniform dahil doon at nakaramdam siya ng galit. Napakahigpit ng kaniyang hawak sa lamesa na nasa kaniyang harapan. Hindi niya maintindihan ang matinding galit na ito sa kaniyang dibdib. Parang apoy na binuhusan ng gasolina. Nagpatay sindi ang ilaw sa kisame at lahat ay napatingin doon. Pinatay ng guro ang switch ngunit patuloy parin iyon sa pagpatay sindi hanggang sa mabasag iyon. Doon naman siya nahimasmasan at kumalma. Parang nagising siya sa isang panaginip. Hindi niya mawari kung bakit may matinding galit siyang biglang naramdaman na nagmumula kung saan na parang hindi kaniya. Sa tabi naman niya ay nanginginig si Lucille at titingin ng pasulyap sa kaniyang tabi. Nagtataka man ay alam niyang may pagkawirdo talaga itong si Lucille. Buong klase ay nakayuko lamang ito, bagay na ipinagtataka niya.

Matapos ang unang subject ay nilapitan niya ang tatlong bully at hinawakan niya sa braso si Athena. Napakahigpit niyon at napapaaray ito sa ginawa niya.

"Don't touch me you filty beggar!" Maarteng sigaw nito saka tinabig ang kamay niya. Nagtinginan naman lahat ng kaeskwela niya sa kanila pero binalewala niya. Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na harapin ito.

"Kayo ang may kagagawan ng mga dura sa upuan ko no?!" Hindi niya kailangan na magbintang pa dahil alam niyang totoo naman iyon. Hindi niya rin malaman kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob ngayon dahil hindi naman niya ginagawa ang lumaban. Parang may nagtutulak sa kaniya na gawin ito sa hindi malamang dahilan.

"So what? Yun naman ang nababagay sa mga pulubing katulad mo diba? Ang basura dinuduraan."

Nagtawanan ang lahat pagkasabi niyon. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya pero hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Sobrang higpit niyon at halos madurog ang buto nito sa ginagawa niya.

"Ouch! Get off me you beggar bitch! Stop! You're hurting me!" Naluluha na sigaw nito habang pumapalag. Hindi naman siya nakapagtimpi pa sa sinabi nito.

"Magsisisi ka (magsisisi ka) pagdating ko magsisisi ka, (magsisisi ka)" Hindi maintindihan ni Alice pero parang nag-echo ang mga sinabi niya. Nabitawan niya ito at nagtatakang tumingin sa paligid. Ang lahat ay nakatingin sa kaniya at tahimik habang ang iba ay nakanganga maliban kay Lucille na sa likuran niya lamang nakatingin at nakakunot ang noo.

"You'll pay for this stinky beggar!" Sabay na umalis ang tatlo. Naguguluhan parin na naupo na lamang siya sa kaniyang upuan habang ramdam niya ang tingin ng lahat sa kaniya. Iniisip na lamang ni Alice na dala lamang ng galit ang dahilan kaya niya nagawa iyon. Kahit sino naman ay magagawa ang ganoon sa kahit sino pero first time niyang lumaban sa isang kaaway.

"Ang tapang mo. Nice one Alice." Nahihiyang wika ni Lucille. Nginitian na lamang niya ito.

Pero hindi mawala sa pakiramdam niya na may iba pa siyang kasama kanina habang kinokompronta si Athena. Parang matagal na niyang kasama ito kahit nasaan man siya.

Naalala niya ang panaginip.

Si Lapiz Lazuli.