" 1 whole carrot cake for take out please, then isang large hot latte and waffles with strawberry topings for here" Order ng isang lalaking maraming bitbit na libro. Sa unang tingin ay alam na magtatagal siya sa coffee shop dahil marami siyang tatapusing mga papel.
Maya- maya naman ay may dumating na isang na grupo ng mga kabataan. " Guys ang cute ng mga cupcakes. Tara order tayo, bukas na lang yang diet na yan hihihi" wika ng isa sa kanila. "Tikman natin lahat ng flavors para alam natin kung ano pinaka masarap" dagdag pa ng isa nilang kasama.
Tuloy- tuloy ang pagdating ng mga tao. Talagang nagugustuhan nila ang mga pagkain at inumin na inihahanda ni Sheya.
" Excuse me, ano ba nman itong order ko na kape napakatagal. Malamig na yung pie ko sa kakaantay" galit na reklamo ng isang babaeng medyo may edad na.
" Naku pasensya na po Ma'am. Iinit ko na lang po yung pie nyo" Paliwanag ni Karen. Ngunit tumanggi na ang babae at nag kansel na lang ng order. Pinabalot na lang niya ang cake na inorder at galit na lumabas ng shop.
Dali- daling nilinis ni Mark ang mesa at lumapit sa pinsang si Karen. " Naku ate baka magalit si Sheya nyan. Diba sabi niya pag hot coffee ikaw na muna bahala?" Malungkot na tanong ni Mark.
" Na mixed up ko yung orders. Dapat nauna ko ginawa yung sa kanya. Sana wag siya mag leave ng bad reviews. Gumawa kasi si Sheya ng Facebook at Instagram page para mas maraming tao ang makakilala sa shop." Pagpapaliwanag ni Karen.
Ikinwento niya ang pangyayari kay Sheya ng ito'y lumabas na ng kitchen para mag lunch. Humingi siya ng pasensya. " Naiintindihan ko. Hindi naman tlga madali ang ginagawa mo. Ikaw na ang cashier, ikaw pa ang pinahawak ko ngayon sa hot drinks. Sunud- sunod kasi ang orders ng frappe and cold drink coffee lalo na sa mga kabataan dahil sa init ng panahon. " Malumananay na pahayag ni Sheya.
" Kausap ko kanina yung kaibigan ko. May kapatid siya na balak pumunta sa UAE at mag apply na barista pero kailangan niya ng working experience dito. Nakausap ko na siya at nagkasundo kami na magtatrabaho at training siya ng 6 months dito sa shop. Next week daw ay papasok na siya kaya tiis lang muna tayo ngayon" Pagtatapos niya.
Lumapit ang isang customer na babae sa kinauupuan ni Sheya.
Customer: Ikaw ba ang manager dito?
Sheya: Sa akin po itong shop. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?
Customer: Maling order ang ibinigay sa akin. Apple pie pero ginawang Tuna. Mabuti na lang at masarap pero kung sa iba nangyari yun ay tiyak na magagalit.
Sheya: Pasensya na po. Bibigyan ko na lang po kayo ng brownies. Wala pa siya sa menu kasi hindi ko sure kung magugustuhan ng mga tao kung plain lang ito. Pinag iisipan ko pa kung ano ang idadagdag kong toping or extra ingredients.
Alam ni Sheya na hindi talaga maiiwasan ang mga galit na customers pero alam din niyang kailangan maiwasan ang mga reklamo hanggat maari.
Medyo magkahawig nga ang itsura ng mga pies. Kung ang isang tao ay sobrang busy, maari ngang magkapalit ang mga ito. Naisip nyang lagyan ng kaunting disenyo ang Apple pie ng sa ganun ay maiwasan ng maulit ang nangyari.