Hindi nga nagkamali si Sheya ng tanggapin niya si Henson. Bukod sa pagiging likas na masayahin, marami rin ang nagkaka crush sa kanya na mga kababaihan kaya naman laging puno ang cafeteria.
Dahil maayos ang kita ng shop, nagdagdag na din si Sheya ng isa pang baker na tutulong naman sa kanya sa kusina. Marami na ring nag iinquire sa kanya tungkol sa made to order or customised cakes niya. Sa katunayan ay mayroon nga siyang kliyente ngayon na nais magpagawa ng wedding cake.
Bride: Sa beach kasi kami nagkakilala ni Jon so yung cake na gusto ko ganun ang theme pero ayoko ng traditional fondant cake. Gusto ko parang fresh na fresh, less formal pero classy pa din.
Sheya: Naked cake ang nasa isip ko. Sabi mo beige ang morif mo at ang nagustuhan mong lasa sa taste- test kanina ay yung unicorn bubblegum cake. Papalitan ko ang kulay niya at isusunod sa motif mo then gagawa ako ng 3 tiers cake na may buhangin sa ibaba gawa sa crushed graham at butter, tapos may mga starfish paakyat sa pangalawang layer ng cake, paakyat sa pangatlo naman ay ibat- ibang uri ng shells at sa pinaka tuktok ang cake topper ay groom na buhat ang kanyang bride na sirena na nakadamit pangkasal at nakatayo sa buhanginan. Ano sa palagay mo? May suggestion ka ba?
Bride: Mukhang maganda yang sinabi mo. Tingin ko ok na yun. Nakakatuwa yung sirena.
Alam ni Sheya na hindi madali gumawa ng wedding cake. Maliban sa pagiging mabusisi nito, kailangan din pakitunguhan ng maayos ang bride. May mga brides na pabago- bago ng gusto, meron din naman na panay ang tawag at check sa cake kung nasusunod ba ang kanyang sinabi kaya minabuti na niyang gumawa ng mga back- up plan at substitute para handa siya sa anumang pagbabago na pwedeng mangyari.
Habang inaayos niya ang mga disenyo, naalala niya ang dating kasintahang si Toby. Nabalitaan niyang ikakasal na ito. Ang alam niya'y wala pang isang taon ng makilala nito ang bago niyang nobya.
Nung nagsasama pa sila, laging sinasabi ni Toby na hindi siya naniniwala sa kasal. Naniniwala daw siya na pwedeng maging masaya ang pagsasama kahit wala ng ganoong seremonyas kaya naman hindi kailanman nag demand ng kasal si Sheya. " Darating yan kung darating" ang lagi niyang wika sa kanyang sarili.
Isang araw ay bigla na lang nakipaghiwalay ang dati nyang nobyo kaya ganun na lang ang sakit na naramdaman niya. Ngayong ikakasal na ito sa iba, mas lalo siyang nasaktan at naisip niyang marahil ay hindi niya talaga kapalaran ang maging maligaya sa larangan ng pag ibig.