Chereads / Ang Ika-Anim na Hiling / Chapter 2 - Unang Kabanata

Chapter 2 - Unang Kabanata

"Ako si Grace, ako ang dyosa ng mga kahilingan.  Naging mabait kang bata kaya hahayaan kitang humiling ng sampung kahilingan. "

"Woah! Nako! Di moko madadali jan sa scam mo 'te!"

"Binibini, hindi ito scam. Seryoso ako rito. "

"Hala sya. Sobrang good ko ba at ten wishes ang igagrant mo? Kasi sa mga napapanood ko hanggang tatlo lang eh. "

"Hay nako Shyme, wala akong oras makipagbiruan sa iyo. "

"Tsk! Sige na nga! Itatry ko yang scam mo!"

"Limitado lamang ang oras na meron ako para makausap ka, may isang pagsubok ang sampung kahilingan, sa ika-dalawampu't limang kaarawan mo ay mawawala ang ika anim mong kahilingan, at hindi ka na din pwedeng humiling ng ka-ugnay dito. "

"Pero bakit ang ika-anim? "

"Basta binibini. Hindi mo din maaaring gamitin ang ika-pito hanggang ika-sampung kahilingan hangga't hindi pa nawawala ang ika-anim. Ito ay magiging pagsubok para sayo at para mabukas ang iyong isip na hindi lahat ng nasa pantasya ay laging masaya. "

*

"Argh! " napabalikwas sya sa kama ng magflash back nanaman ang nangyari sampung taon na ang nakalilipas. Tsk, bakit hanggang ngayon ay napapanaginipan pa din nya iyon?!

Inis syang tumayo sa king sized bed nya na nuknukan ng lambot. Padabog na naglakad papunta sa CR at ginawa ang kanyang morning rituals.

Napaka sarap ng buhay ni Shyme Ricafort, isang multi billionaire na kahit walang ginagawa ay  araw araw na milyon milyong pera ang pumapasok sa bank account nya.

Labing apat na taong gulang pa lamang sya noon ng dalawin sya sa panaginip nya ni Grace, ang dyosa ng mga kahilingan, at binigyan siya ng sampung kahilingan pero ang ika-anim ay mawawala sa 25th birthday niya. Maraming tanong pa rin ang tumatakbo sa isipan niya, bakit ang ika-anim? Bakit sa ika-dalawampu't limang kaarawan niya? Bakit siya binigyan ng ten wishes?

Labinlimang taong gulang naman sya ng mawala ang kanyang ina. Hanggang ngayon ay sinisisi pa din nya ang sarili nya dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Ang kanyang ama? Ang sabi ng nanay nya ay matagal na daw na namatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso. Pero ano naman ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang ina?

Hiniling nyang mawala ito sa landas nya.

Nang mamatay ang kanyang nanay ay naka usap nyang muli si Grace.

*Flashback

"G-grace napatay k-ko s-si n-nanay. "

"Shyme, dapat ay hindi ka nagpadala sa bugso ng iyong damdamin. "

"A-alam k-ko... Pero a-ayoko k-kasi, s-sabi n-niya na s-sana pinalaglag nalang nya ako. "

"Pero nanay mo parin sya. "

"Alam ko y-yon G-grace, k-kaya lubos akong nagpapasalamat n-na n-nagpakita ka. B-buhayin mo na u-uli si n-nanay. "

"Shyme, alam mong matutupad ang kahilingan na kumuha ka ng buhay pero hindi matutupad na bumuhay ng patay. "

*End of flashback

Pinatay nya ang kanyang sariling ina.

Yan ang nakatanim sa utak nya. Bakit ba kasi nya nahiling ang bagay na iyon?

*Flashback

"Oh? Anong tinitingin mo dyan? Ikaw bata ka, palamunin kana, wala ka pang kwenta. " umuwi nanamang lasing ang kaniyang ina, araw araw nalang na ganyan siya. Magmula ng magkaisip na si Shyme ay palagi nyang nakikitang ganyan ang kanyang ina.

"Pasalamat ka at nagka himalang instant yaman tayo! Kundi baka san ka na pulutin. " lingid sa kaalaman ng kanyang ina na sya ang humiling na sana ay maging mayaman na sila.

"Lumayas ka nga sa harap ko! Naiirita ako sa pag mumukha mo, naging anak pa kasi kita! " sanay na syang naririnig ang mga ganitong litanya ng kanyang ina pero ngayon, punong puno na sya ngayon.

"Bakit inay? Alam mo ba yung pakiramdam ng araw araw na makasama ka sa iisang bahay?! " napagtaasan na nya ng boses ang kanyang ina na kina inisan nya agad.

"Aba't sumasagot ka na ha! " agad na hinatak ng kanyang nanay ang kanyang buhok at walang sawang sinabunutan ay pinaghahampas sa iba't ibang parte ng katawan. Buong lakas na itinulak ni Shyme ang kanyang ina.

"Sana hindi nalang kita binuhay! "

"Sana mamatay kana! "

*End of flashback

Napabuntong hininga nalang si Shyme. As much as possible ay nililibang nya ang kanyang sarili para makalimutan ang kasalanan nyang iyon.

Nakatira siya sa isang napaka laking mansyon, maraming mga kasambahay, at sobrang daming pera. Ano nanaman kayang gagawin nya para mapatay ang boredom? Panigurado ay lalabas nanaman sya ng bahay para magpunta sa mall, manuod ng sine, bumili ng mga bagay na hindi naman nya kailangan.

What a boring life.

Past 11 o'clock na, yun na ang normal na oras ng gising nya. Kaya naman naligo na din sya at gumayak. Mabilis syang nakarating sa parking lot ng mall dahil malapit lang ito sa kaniyang bahay. For some unknown reason, there was no traffic at all.

"Babe wag naman ganito oh! "

Right after magpark ay napahinto sya sa paglalakad ng may marinig syang boses ng babae na umiiyak, hinanap nya ang boses na iyon.

"Tama na Mae, hindi mo ba naiintindihan? Mahal ko sya! "

"Pero sabi mo, mahal mo din ako di ba? D-diba? "

"Dati yun. "

"Dati?! Panong dati?! Wala akong naalalang naghiwalay tayo! "

"P-pero---"

Hindi na nya tinapos ang pakikinig sa pag aaway ng magkasintahan. Bakit ba kasi ganun ang mga lalaki ngayon? Parang ginagawa nalang na laruan ang mga babae ngayon ah?

Wait, scratch that.

Ginagawa nalang na laruan ang mga babae ngayon. What a best way to describe a boy. Napa-irap at iling iling nalang na dumiretso ng paglalakad si Shyme.

"Shymie girl! " ng maka pasok sya sa mall ay agad syang nagpunta sa paborito nyang tambayan dito sa mall. Ang department store, nandun kasi ang kaibigan nya. Sa araw araw ni Shyme sa mall ay naging kakuwentuhan na nya ang isang sales lady at itinuring na nila ang isa't isa na magkaibigan.

"Kate. How are you? " simpleng bati ni Shyme sa kanya.

"Syempre I'm fine! Eh ikaw?! "

"May nakita akong nag aaway kanina na magjowa. Pft. "

"Oh talaga? Anyare? Nako nag eavesdrop ka? " medyo gulat na wika ni Kate dahil alam naman niyang hindi tsismosa ang kanyang kaibigan at madalas magpakita ng kawalan ng interes sa mga ganung bagay.

"Hindi ko naman sinasadyang marinig eh, tsaka onti lang ang nadinig ko. "

"Naku, ganyan na talaga ang mga lalaki ngayon!  Sa una lang magaling, pag nag sawa sayo, iiwan ka din! "

"Ang lalim ng hugot ah? " pang-aasar ni Shyme kay Kate dahilan para paningkitan siya ng mata nito.

"Di ah! Naiinis lang talaga ako sa mga lalaki ngayon, parang walang pake sa mga babaeng nasasaktan nila. Hindi naman sa nilalahat ko sila ha? Pero karamihan kasi ganun eh. " she paused for a couple of minutes, wala naman masyadong nangangailangan ng assistance dito sa branch nya eh. "You know Shymie girl? Gusto ko ng lalaki na hindi ako kayang ipagpalit kahit makita nya ang mga flaws ko. Yung ako lang yung mahal, yung priority nya ako, ganun. Ikaw Shymie girl, anong gusto mo sa isang lalaki? "

"Ako? Uhmmm.. " napa isip muna sya sa sasabihin nya, ano nga bang gusto nya sa isang lalaki? Well, there's a bunch of boys hitting on her but she wanted a man. Matured enough to handle complicated things, manly enough to understand the circumstances. Ang gusto nya ay yung mabait, yung medyo may pagka inosente pag dating sa mga masasamang bagay. "Gusto ko yung maginoo, may pagka inosente sa mga masasamang gawain, yung ganun sa mga lalaki nuong kapanahunan ni Dr. Jose Rizal? Nuong mga panahon kasi na yon ay kabaliktaran ng panahon natin ngayon. Nuong panahon nila, bihira lang ang mga lalaking manloloko at lubos lubos ang binibigay nilang sakripisyo sa panliligaw, samantalang sa panahon natin ngayon, ayun, isang chat lang, magjowa na. Tapos napaka daling magpalit ng babae. "

"Naku! Tama ka Shymie girl! Tsaka kung sakali ay bagay kayo ng man of your dreams! Kasi manang ka naman mag-isip! Hahahahah! "

"Tinatanong mo ako kung anong gusto ko sa isang lalaki tapos gaganyanin moko! Nakaka inis ka! "

"Hay nako, pero alam mo, sana may makilala akong ganung lalaki noh? Man of my dreams. "

"Sana dumating na din yung man of my dreams. " sabay silang napa-buntong hininga at ini-magine ang mga lalaking gusto nilang makasama sa pang habang buhay.

"Hahahahaha! Alam naman nating hindi mangyayari yun eh! " biglang tumawa si Kate ng medyo malakas kaya nahawa na din si Shyme.

"Miss, size 8 nga nito. " in-approach ng isang costumer si Kate. Hudyat na kailangan na munang magtrabaho ni Kate. Kahit na magkaibigan sila ni Shyme ay hindi niya hinahayaang magbigay ng pera ang best friend sa kanya, gusto niya na ang pera na ginagamit niya sa pagbuhay sa kanyang pamilya sa pang-araw araw ay galing sa kanyang paghihirap.

"Sige Kate, una na ako. See you around! " wala ng ibang nagawa si Shyme kundi ang magpaalam, madalas kasi siyang nasisita ng manager nila dahil nadadaldal niya si Kate kaya hindi ito makapagtrabaho ng maayos.

Hinarap niya muna ang kostumer bago si Shyme para makapagpaalam. "Nako Shymie girl, parang makakagala naman ako, byie! "

Tinalikuran na nya si Kate at naglakad palayo. Para sa kanya ay posibleng matupad ang man of her dreams. She could just wish to---- Wait! Napahinto si Shyme sa paglalakad.

She just wished for it!

'Sana dumating na din yung man of my dreams.'

'Sana dumating na din yung man of my dreams.'

'Sana dumating na din yung man of my dreams.'

Nag-echo ang sinabi nya kanina! She can't believe it! Shocks Shyme bakit hindi mo muna iniisip ang mga sasabihin mo bago ka mag salita?! But wait, ano namang mali don?

'Calm down Shyme, isang wish lang naman ang nabawas eh. ' she said at the back of her head. Napakatagal na nyang hindi nagwiwish tapos nasayang lang ang isa dahil sa chismisan nila ng bestfriend nya!

Bumalik lang sya sa ulirat ng may isang lalaking huminto din sa harap nya at inilagay ang kanang kamay nito sa harap nya at ang kaliwa naman sa likod nya, nag bow ito kay Shyme bago magsalita.

"Magandang araw binibini, maari mo bang ipaliwanag sakin kung nasaan ako? Bakit tila napakaraming tao rito?"

OMG.

*

Hinihilot ni Shyme ang kanyang sentido habang naka upo sa sofa samantalang ang lalaking naka barong pa na nakilala nya sa mall ay naka ngiting iginagala ang kanyang paningin sa buong bahay.

'Sya na ba yung man of my dreams?' Napatingin sya sa binata sa tabi nya.

"Binibini, napakaganda naman ng lugar na ito, dito ka ba naninirahan? " naka ngiti pa ding tanong ng lalaki sa kanya. "Ako nga pala si Inocencio Alonzo. " inilahad ni Inocencio ang kanyang kamay at inabot naman iyon ni Shyme, hinalikan ni Inocencio ang likod ng palad ni Shyme na ikinagulat nya.

"Binibini? Bakit tila nag iiba ang kulay ng iyong pisngi? May nararamdaman ka bang kakaiba? " omg! She's blushing!

"H-ha? W-wala to. " naiilang na sagot ni Shyme. Gosh! Why do he need to stare her in the eyes?! T-tapos h-hinalikan pa nya yung likod palad!

"Salamat sa pag-iimbita mo sa akin dito binibini--? "

"Shyme, Shyme Ricafort. "

"Binibini Shyme, mauuna na ako. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin sa iyong pamamahay. Nariyaan ba ang iyong ama't ina? Para sana makapagpaalam ako bago ko lisanin ang lugar na ito. " her eyes widened. Napaka galang nya!

"Uhm, matagal n-na kasi silang n-namatay. " natahimik naman si Inocencio sa sinabi ni Shyme.

"Paumanhin binibini--"

"Wala yon, tsaka, saan ka ba naka-tira? " nag-iwas tingin naman si Inocencio sa tanong nyang ito.

"Hindi ko nais magsinungaling sa iyo binibini, ang totoo niyan ay hindi ko alam kung saan ako tumutuloy. Nagulat nalamang ako ng mapadpad ako sa isang mataong lugar at tanging pangalan ko lamang ang aking naaalala. " tama nga ang iniisip ni Shyme, nag extinct na nga ang magiginoong lalaki na ganun sa kapanahunan ni Dr. Jose Rizal. He's made out of a wish.

"Kung gayon ay pumarito ka muna. " nahawa na si Shyme sa lalim ng pananalita ng lalaking kaharap nya. Bahagyang napa-kunot ang noo ni Inocencio sa sinabi ni Shyme kaya napakunot nalang din ang noo niya.

"Hindi maari binibini, hindi maaring manirahan tayo sa iisang bahay dahil batid nating dalawa na wala tayong relasiyon sa isa't isa. " arahy, straight to the point magsalita?

"Ang panahon sa mundong to ay hindi para sayo, masyadong masama ang mundong to para sa maginoong katulad mo. Walang handang kumupkop o tumulong sayo sa mundong to ginoong Inocencio. " hindi naman lahat pero duh! This is freakin' Manila! Ang dami ngang naninirahan nalang sa ilalim ng tulay pinapalayas pa dun eh!

"Mukhang hindi na ako magpupumilit pang umalis kung gayon binibini, ngunit, hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa iyo. "

"Ang pagtira mo dito ang gusto kong pasasalamat mula sayo ginoo. Tsaka ang pagtulong ay walang hinihinging kapalit." it's cute calling him ginoo. Just like the old times. "Halika na't ihahatid na kita sa kwarto mo. " ng tumayo sya ay tumayo na din si Inocencio, sumunod sya kay Shyme habang nililibot pa din ang paningin nito sa buong bahay.

"Ma'am, eto na po ang mga damit na pinabili niyo. " napalingon si Shyme sa kasamabahay na tumawag sa kanya, may dala dala itong napakadaming paper bags.

"Paki baba nalang po duon sa loob. Salamat po. " ginawa ng kasambahay ang iniutos ni Shyme.

"Napaka ganda ng silid na ito binibini, hindi ko yata ito matatanggap. Ayos lang saakin ang matulog sa banig o 'di kaya'y sa karton. "

"Ha? Hindi, wala namang may ari ng kwarto na yan, jan ka nalang, ginoo. "

"Maraming salamat sa iyong pagtulong, binibini.   "

"Walang anuman, ginoo. " for the second time ay hinawakan ni Inocencio ang kamay ni Shyme ay hinalikan ang likod ng palad nito. "Magpalit ka muna, pagkatapos mo ay bumababa kana para sa makakain na tayo. " nag-iwas tingin sya sa binata at pumunta sa kusinang hawak pa din ang kamay na dalawang beses nang hinalikan ng binata.

Hindi pa din sya makapaniwalang nandyan na ang man of her dreams! Sa sobrang saya nya ay gusto nyang magtatalon sa tuwa.

"Ma'am sino po yung lalaki dun? Ang gwapo! " kilig na sabi ng isang kasambahay habang sinusundot pa ang tagiliran ko.

"Wala yun ate, ano ka ba. Kumain na ba kayo? " pag-iiba nya ng topic. Tumango lang ang kasambahay at ngumiti sa kanya.

"Napaka swerte namin at kayo ang naging amo namin ma'am Shyme, sobrang bait nyo po. " hearing the words 'ang bait nyo' from anyone overwhelms her. Pero, hindi yun totoo, walang taong mabait na pumatay sa sarili nyang ina.

"Binibini, maaari ba akong magtanong? " nagulat nalang sila ng kasambahay ng biglang sumulpot sa kung saan si Inocencio. "Paumanhin kung nagulat ko kayo. " medyo nagbow pa sya sa kanilang dalawa.

"Nako, napaka galang naman. Sige po ma'am duon lang po ako, sir. " paalam ng kasambahay at nagmadaling umalis.

"Ano ang itatanong mo ginoo? "

"Bakit tila may mga salitang hindi ko maunawaan? Ano ang lenggwaheng iyon binibini? "

"Ingles, ginoo. " wala bang English language noong panahon ni Rizal?

"Paumanhin, hindi ito masyadong pamilyar sakin. "

"Ayos lang, umupo ka. Kain na. "

Sinunod ni Inocencio ang sinabi ni Shyme. Laking gulat ni Shyme ng unang lagyan ni Inocencio ang plato nya kesa ang kay Inocencio. Matapos lagyan ni Inocencio ang kanyang plato ay kinuha nya ang baso na may tubig at mangkok sa tabi nya. Isinalin nya ang tubig sa mangkok at duon hinugasan ang kanyang kamay.

Takang napatingin si Inocencio sa kanya kaya ginawa nalang din nya ang ginawa ni Inocencio kahit na wiwirduhan sya dito. Maganang kumain si Inocencio at nakangiti lamang si Shyme na pinapanood itong kumain.

Ilang minuto pa ay natapos na din silang kumain, hindi naka kain ng maayos si Shyme dahil sa pagka amaze nya kay Inocencio, hindi sya makapaniwalang nag-eexist sa harap nya ang man of her dreams.

Bumalik sa ulirat si Shyme ng marinig nya ang mga platong inaayos ni Inocencio.

"Inocencio, wag na. May mag-uurong na niyan. "

"Binibini? Maari bang ako na lamang ang maglinis sa mga pinggang ito? Bilang pasasalamat na din sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa iyong pamamahay. " that smile, damn that smile! Nakakatunaw! Parang nahihypnotize si Shyme sa mga ngiting iyon na tila ba hindi sya maka hindi sa bawat hihilingin ng binata.

"Salamat binibini. " hindi namalayan ni Shyme na tumango na pala sya kay Inocencio.

"Pwede bang tumulong din ako? " naka ngiti ding tanong nito kay Inocencio. Hindi nawala ang ngiti sa labi ng binata at simpleng tumango rito.

*

"Ano yan binibini? Isang tila parisukat na hugis at may tubig sa loob, ganyan na ba ang inyong dagat sa panahong ito? " her eyes widened, so he admits that he's from the past? Posible bang nakalimot lang sya? Amnesia ganun? But she thought he's made out of a wish? She shook her head, removing those thoughts.

"Yan? Swimming pool yan, ginoo. "

"S-suwiming p-pul? "

"Pfft, oo. "

"Ngunit hindi mo naman sinagot ang aking katanungan binibini, ganiyan na ba ang inyong dagat sa panahon ito? " pag-uulit nya sa kanyang katanungan. In a very short period of time, naging close agad sila, hindi naman nahirapan pakisamahan ni Shyme si Inocencio dahil nga siguro hiniling nya ito.

"Hindi ah. Kung ano ang itsura ng dagat noon, ganun pa din ang dagat ngayon. " that's a lie. Alam naman nating lahat na ang mga dagat noon ay malayong malayo sa mga dagat ngayon. Noon ay malilinis pa ang mga tubig, walang mga gusaling naka-tayo sa palibot ng katubigan.

"Binibini, nais ko sanang magtanong, maaari ba? " napangiti si Shyme bago tumango. Nakakatuwa namang nag eexist sa harap nya ang pinapangarap ng bawat kababaihan. "Ano ang pinakamalapit na anyong tubig mula rito? "

"Manila Bay? " patanong na sagot nya. "Ah oo, Manila Bay, bakit? "

"Maaari mo ba akong dalhin doon? " tumango si Shyme at hinigit si Inocencio palabas ng bahay. Lihim na napangiti si Inocencio sa ginawa ng dalaga.

*

"Nandito na tayo! " imbis na ngumiti si Inocencio ay mas lalo pang kumunot ang noo nya. Wala syang ibang nakikita kundi dumi at basura.

"Anong nangyari? Napaka ganda at linis nito dati, mayroon pa ngang ngang mga taong naliligo dito. Ngunit ngayon, puro basura na lang. "

"Paumanhin ginoo, ganyan na talaga iyan sa panahon ngayon. Hindi na kasi alam ng tao na pahalagahan ang kalikasan, sa panahon ngayon, pera na ang pinakamahalagang bagay ngayon ginoo, nabibili na lahat ng pera. "

"Hindi ko alam binibini pero, kanina lang ay wala akong maalala pero tila bang bumabalik na ng unti unti ang iba sa aking mga alaala. "

"A-ah? S-sige wag m-mo munang p-pwersahin ang memorya mo. " wala talaga syang masabi sa binata. Medyo na-a-awkward-an pa kasi sya dahil hindi pa sya nagkaka boyfriend ever since! Pero, magiging sila kaya? Napa-iling iling sya sa naisip nya.

Bumalik sya sa kanyang ulirat ng may maramdamang kung anong malamig na tumutulo sa katawan nya.

"Binibini, tara na't sumilong! " aakayin sana ni Inocencio si Shyme para isilong pero hindi nagpatinag si Shyme. "Binibini Shyme? "

"Inocencio, sakitin ka ba? " basang basa na si Shyme, pati na din si Inocencio dahil sinamahan nya ang dalaga.

"Hindi binibini, bakit? " nginitian lang nya si Inocencio at tinapakan ang water puddle kaya tumilamsik ang tubig kay Inocencio.

She stuck her tongue out, tumakbo sya na parang bata na tila ba nagpapahabol sa binata. Kasabay ng pagtibok ng puso nya ang pag-i-slow motion ng bawat bagay sa paligid, it's his first time seing such a thing.

Tila may sariling isip ang kanyang mga paa at hinabol ang parang batang takbo ng takbo na si Shyme. Hindi nila alintana ang ulan, hindi din nila pinapansin ang mga taong pinagtitinginan sila. Nang mahabol nya ang dalaga ay inakap nya ito patalikod, tawa lang sila ng tawa dalawa.

"Ginoong Inocencio? " natatawang tawag ni Shyme sa binatang naka akap pa din sa likuran nya.

"Binibining Shyme? " naka ngiting tawag pabalik ni Inocencio, kumalas sya sa pagkakayakap sa dalaga ng ma-realize nyang naka-akap sya kay Shyme. "Paumanhin binibini, wala akong balak na masama sa iyo. Nawa'y patawarin mo ako dahil hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin. "

"Naku, ayos lang ginoo. " gusto pa sanang ikuwento ni Shyme kung anong mas malala pang nagagawa ng kabataan ngayon pero masyadong masama yun para sa inosente nyang isip.

Hmm, bagay sa kanya ang pangalan nya, Inocencio.

"Balik na tayo ginoo? Parang gusto ko ng kape. Pfft. "

Masyadong masama ang mundo para sa isang busilak na katulad mo.

*

"May naaalala ka na ba tungkol sa mga kamag-anak o pamilya mo, ginoo? " nasa harap sila ngayon ng swimming pool, covered naman ang area kaya hindi sila nababasa sa malakas na ulan.

"Ang pamilya ko, wala na sila. " he bitterly smiled.

"S-sorry. "

"H-ha? "

"A-ah p-pasensya na. "

"Ayos lang binibini. "

Natahimik silang dalawa, ang mga patak lang ng ulan at paghigop ng kape ang kanilang naririnig. Medyo awkward sa kanilang dalawa ang katahimikan, napahagikgik sa tawa si Shyme habang nakatingin kay Inocencio ng maalala ang parang batang habulan nila sa ulan.

"Binibini? May nakakatawa ba sa aking mukha? " napangiti sya ng lumabas nanaman ang pagka-inosente.

"Wala naman ginoo, naalala ko lang yung kanina. " naka-ngiting um-iling iling matapos alalahanin ang kanina. "Matagal tagal na din kasi ako hindi nakaligo sa ulan. " at masaya syang sa loob ng siyam na taon ay si Inocencio ang makakasama nya sa ilalim ng ulan.

"Alam mo ba binibini? Ulan ang pinaka gusto kong bagay na ginawa ng Diyos? " napatingin muli sya dito. "Dahil pag naliligo sa ulan, parang nawawala lahat ng lungkot ko. At alam mo ba binibini na mas masarap maligo sa ulan kapag umiiyak? " napakunot ang noo ng dalaga. Binigyan lang nito ng nagtatakang tingin ang binata, ngumiti muna ito bago magsalita. "Dahil sa pagsabay ng bagsak ng mga luha ay sumasabay din ang pagluha ng langit. Ibig sabihin, hindi ka nag-iisang lumuluha. "

'Now you're giving me more reasons to stay with you.' she said at the back of her head.